"PAANO kung ayoko?"
It has been days since I sent that message. And I couldn't believe that he would be this stubborn. Nagawa niya pang pumunta nang kusa at gulatin ako sa kuwarto ko. Palibhasa'y may spare key siya ng bahay namin, nagawa niyang pumasok sa kuwarto ko nang dis oras ng gabi.
"Umuwi ka na, Kai."
"Ang gulo mo. Kahit paliwanag lang, hindi mo magawa?"
Inis niya akong dinapuan ng tingin. Kinakabahan ako dahil baka marinig siya sa kabila, baka magising sila mommy.
"Bakit, Dia? Bakit ayaw mo na?"
"Kai, umuwi ka na. Baka marinig ka pa nila mommy.."
Umangat ang gilid ng pisngi niya, and he gave me a sarcastic grin. Mas lalo kong ikinainis ang pagdapa niya sa kama ko na parang ayaw niya akong pakinggan o sundin.
"Make me."
"Kai, ano ba? Umuwi ka na sabi.." inis kong tugon.
Hinarap niya naman ako pero nanatili siyang nakahiga. "Ano, gano'n-gano'n na lang? Iiwan mo ako nang gano'n kadali? Joke ka ba?"
My brows furrowed and I looked at him furiously.
"You're being unreasonable, Dia. So don't blame me if I started acting this way." prente siyang humiga sa kama ko, at talagang niyakap pa ang favorite kong unan! "You can't make me leave."
Napabuga ako ng hangin sa inis. Nilapitan ko siya para sana higitin paalis ng kama, but to my surprise, he just pulled me into a hug so I fell on his body. Nanlaki ang mga mata ko nang mapunta ako sa ibabaw niya.
"Ano ba!" I tried to stand up, but he just wrapped his arms around me so I wouldn't escape. Mahigpit ang kapit niya sa akin. Paniguradong rinig na rinig niya ang malakas na tibok ng puso ko!
"Bakit mo ba kasi ako iniiwasan? Okay naman tayo, diba?"
Natigil ako sa pagwawala, kaya maingat niya akong binaba sa kama. Ngayon ay magkatabi na kaming dalawa. I couldn't look at him in the eye, but I wanted to tell him what happened. Pero alam ko namang mas lalo lang lalala ang sitwasyon. At nasasaktan pa rin ako sa katotohanang may fiancée na siya ngayon.
"May nangyari ba? Galit ka sa'kin? May nagawa ba ako?" he looked at me with a frown, but his gaze were soft. Hindi siya galit sa akin, at tinitignan niya pa rin ako nang may halong paglalambing.
"Hindi naman kasi puwedeng bigla mo na lang ako iiwan. Wala ka namang masabing rason. Ano, e-expect mo na hahayaan kita nang gano'n lang? Gago ba ako?"
He pulled me closer on my waist and he hugged me tightly. He looked at me like he's waiting for an answer.
"Magsabi ka ng magandang dahilan, pero hindi pa rin tayo maghihiwalay."
"Makapagsabi ka, hindi naman tayo." inis kong tugon.
He pursed his lips and nuzzled on my shoulder, I flinched a little.
"You know what I mean."
"Umuwi ka na kasi...pagod ako ngayon, ayoko makipagusap sa'yo."
"Edi magpahinga ka, matulog tayo. Tapos pag gising natin, babalik tayo sa dati."
"Ayoko nga."
"Oh, come on!" pikon niyang sambit. Magkasalubong na ang mga kilay niya at inis niya akong tinignan.
"Umuwi ka na."
"At babalewalain mo ulit ako? No way. I'm not dumb."
I rolled my eyes in frustration. He really won't leave? But if I tell him the reason, will that make things worse? I feel scared.
BINABASA MO ANG
Return To Me
Romance"I am not what happened to me, I am what I choose to become." - Carl Gustav Jung In the mind of a writer, everything must be balanced. There should be moments of happiness, there should be painful scenes as well. To write a masterpiece is to make t...