Chapter 15

146 9 0
                                    

For someone who needed to take a break from the world, I could say I've had enough. Or so I thought.

I had all the time to heal, but I feel like everyday is a reset. I would be okay in the morning, do my daily chores at noon, read books to pass time in the afternoon, but when the sun starts setting down, and I am all alone in my room, that's where reality would kick in. I'm still miserable. I'm still helpless.

The first few months was the hardest. I would cry at even the tiniest memory of him. I would flinch when someone touches me, even if it's my mom. I would shake, startle, I would often break plates or mugs whenever I get distracted. I don't know if i'm healing. I feel like i'm not making any progress.

"Dia, bakit hindi ka pa naliligo? May session ka ngayon, ah?"

"Ha?" nawala ako sa pag-iisip. Lumabas si mommy mula sa kusina. "Therapy session with Doctor Aira. Ano ba naman, nakalimutan mo na naman?"

Napabuntong hininga ako. Sabi naman kasi kay mommy, huwag na mag gano'n. Hindi ko alam kung saan niya pinag-uutang ang mga ginagastos namin dito. Nakausap namin si baba, nagkautang pa siya sa bangko. Ayaw siyang suportahan ng mga kapatid niya roon.

"Bawal po i-resched bukas? Hindi pa po kasi ako tapos sa assignment ko."

"Makakapaghintay naman 'yang assignment mo, bukas mo pa naman kailangan di ba?"

Lumabi ako, "Hindi po ako nakakapag gawa kapag gabi, hindi po ako makafocus."

She heaved a sigh, binigyan niya ako ng kape. "O'siya, itatanong ko kung puwedeng i-resched bukas."

"Thank you, mommy." isang tipid na ngiti lang ang isinagot niya sa akin.

It's already April. Apat na buwan na mula nung nangyari iyon. For someone with a weak heart as me, the implication of that event really took a toll on my mental health. Nagdrop na ako at nag-homeschool na lang. Mas mahal iyon, pero ang sabi ni mommy 'wag ko na raw isipin ang gastos dahil ginagawa niya raw ito para sa akin. Nagtutulong daw sila ni baba para ma-overcome ko ang trauma ko.

Iyong therapy session sa psychiatrist ko, ang pagho-homeschool ko, pati ang maintenance ko ay si mommy ang gumagapang. Nagsimula na rin kasi siyang magbusiness-business dito. Dito kami lumipat sa Pasay, sa Maricaban. Nagpakalayo na kami ni mommy. Mahirap ang mga nakaraang buwan, pero kinaya.

"Hello? Oh, napatawag ka? Iyong tungkol sa kaso ba?" napalingon ako kay mommy. Nang makita niyang lumingon ako ay umalis siya at lumayo.

Napakunot ang noo ko. Palagi siyang gano'n. Ayaw niyang naririnig ko ang update sa kaso ni kuya Andrew. Mula nung nagtestimony ako noong nakaraang pebrero, at lalong lumala ang trauma ko sa resulta ng kaso, ay hindi na niya pinaparinig ang kahit ano na may kaugnayan sa nakaraan kong iyon.

Ang sabi sa korte, dahil inamin ko raw na amoy alak si kuya Andrew ay mababawasan ang taon na pagkakakulong niya. Sinabi niyang hindi niya alam ang ginagawa niya no'n, at hindi niya matandaan na nagkita kami.

"Hindi ko ho magagawa iyon..kung lasing man ako, hindi ako iyon. Kahit itanong niyo pa sa mga kasamahan ko, may respeto ako sa babae."

Muli kong naalala ang mga katagang iyon na siyang nagpasakit ng ulo ko. I leaned against the couch while rubbing my temples. Just the thought of his voice haunts me.

"Dia, bakit hindi mo aminin na may relasyon naman talaga tayo? Tulay pa nga natin ang pinsan mo."

"Dia, babalikan kita. Mahal kita, eh. Kahit ganito ang ginawa mo sa'kin, kahit ipakulong mo 'ko, makakalaya ako at hahanapin kita."

"Tama na.." napahikbi ako. Kusang rumerehistro sa utak ko ang mga boses na sunod-sunod na parang tagang sumasaksak sa puso ko.

"Tama na.." nakatulala na ako habang walang emosyong sinasabi iyon.

Return To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon