"A love this strong won't fade with time."
Mula noon, hanggang ngayon ay siya pa rin ang mahal ko, ang laman ng puso ko, at ang tanging lalaki na magiging bida ng kuwento ko.
"That's Kaizer Montano, right?"
I felt his hand reached mine. Narito na kami sa reunion party ng batch namin. Sa school ito ginanap, sa PCNH. Nagsisisi nga akong naglong sleeves pa ako. Sa covered court kasi mainit at walang electric fan.
"Hiwalay na nga sila ni Seira." bulung-bulungan ng mga ka-batchmate ko. Buong batch kasi ito ng 2006-2007, pero siyempre kasali pa rin ako kahit hindi naman ako roon gumraduate.
"Are you okay?" pinaglaruan niya ang kamay ko. Tumango ako at ngumiti nang marahan.
"Tagal nila Army. Mga Filipino time ba naman lagi." reklamo ko.
Mahinang tawa ang pinakawalan niya at tinuon na lang ang pansin sa kamay kong pinaglalaruan niya. "Dadating din 'yon.."
Pinagmasdan ko siya at kusa akong napangiti. Suot niya ang itim na Tshirt na binili ko para sa kaniya, tapos naka-itim siyang baggy pants. Walang-wala ang Kaizer na may-ari ng ilang hektaryang lupain at mga factories. Today, he's just my Kai. Bagay nga sa kaniya, eh.
"Tangina, ang kupad-kupad mo talaga! Kung binibilisan mo ba naman maligo, edi sana naabutan ko 'yong cake! Para kang babae maligo!" sabay kaming napalingon sa bunganga ni Army na bumungad sa may gate ng court. Pinapagalitan nito ang asawa. Si Kier naman ay agad na nanakbo sa akin nang makita ako. Maging si Kiana na pangalawang anak nila ay buhat-buhat naman ni Army sa braso.
"Ano ba talagang gusto mo? Sabi mo gusto mo mabango ako!" sagot naman ni Joseph.
Natawa na lang ako sa pagbabangayan ng dalawa. Agad na yumakap sa akin si Kier at kinarga ko naman ito kahit big boy na siya.
"Ninang, I miss you!" yakap sa akin ng bata.
"Miss you too, baby." pinaulanan ko ito ng halik sa pisngi. "Kai, si Kier nga pala, inaanak ko. Anak ni Army."
Ngumiti naman si Kai at itinaas ang kamay para makipaghigh-five kay Kier, "Hello, big boy."
Kier willingly gave him a high-five. "Hello, tito Kai!"
Nanlaki ang mga mata ko. Kilala niya si Kaizer?
"Nakausap ko ang bata nang kausapin ako ni Army.." he explained. Napaawang ang mga labi ko. Hindi ko aakalaing kakausapin siya ng kaibigan ko.
"Don't worry. She's just concerned for you. I understand it." he smiled faintly.
Mag-uusap pa sana kami nang dumating na rin ang dalawa kong kaibigan. Pinakilala ko ang mga naging kaklase ko kay Kaizer. Nakikilala nila si Kaizer kaya nahihirapan akong ipaliwanag kung ano ba talaga kami. Pero si Kaizer, sinabi ba namang highschool sweethearts kami mula grade 7! Apakasinungaling! Hindi ko nga siya kilala no'n, kapal niya.
"Saka ko na ikukwento, baka kiligin future misis ko." he chuckles. Nagtawanan naman ang mga kaklase kong lalaki dati. Nangunguna pa si Joseph.
"Alam mo bang sikat 'yan si Dia sa amin noon, pre? Aba, muse namin 'yan!"
"Prinsesa 'yan ng room." sabat naman ni Nicholson.
"S'yempre, sa kaniya rin kami kumukuha ng grades, hehe. Kaso natigil nga rin agad iyon."
"Magaling 'yan sa math at english! Tapos sa essay, batak na batak!" ani Linda.
"Hindi ako magaling sa math.." pag-amin ko. "Hindi naman ako ang gumagawa ng math homeworks niyo, eh." tumawa ako nang mahina.
BINABASA MO ANG
Return To Me
Romance"I am not what happened to me, I am what I choose to become." - Carl Gustav Jung In the mind of a writer, everything must be balanced. There should be moments of happiness, there should be painful scenes as well. To write a masterpiece is to make t...