Chapter 4: Pangangaso
"Woah. Anong ginagawa mo sa ganitong klaseng bahay?" sambit ni Mariposa, puno ng pamamangha.
"Ahm... Mariposa," tawag ko rito, napabaling siya sa akin. "'Wag mo sanang sasabihin kay Mama ang tungkol dito."
"Aba, oo naman 'no! Mamatay siya sa kahahanap sa'yo."
"Sa tingin ko kailangan mo nang pumasok, Axe," singit ni Ken.
Sabay kaming napabaling ni Mariposa sa kaniya at parehong napatingin sa tinitingnan nito. Muling bumangon ang kaba ko. Mula sa bungad ng pinto ay tuwad na nakatayo si Lance, habang ang kamay ay naka-krus sa dibdib niya.
"Ah, oo nga. Salamat sa paglabas sa akin, Ken," nakangiti pang sinabi ko.
"Sayang at hindi man lang tayo nagtagal. 'Di bale na. Sa susunod ipapaalam na kita para mas makapag-bonding pa tayo."
Tumango-tango ako. "Sige. Marami pa naman sana akong gustong sabihin kay Mariposa," sabi ko at sinulyapan si Mariposa.
"Susubukan kong dalawin ka rito!" aniya.
Pagkatapos magpaalam sa dalawa ay tumalikod na rin ako. Si Lance ay naroon pa rin sa bukana ng pinto. Diretso ang pagkakatindig at wala man lang pinagbago sa ekspresyon ng mukha. Mukha pa rin siyang naiinis.
Sa pagpasok ko sa gate ay narinig ko na rin ang pag-andar paalis ng sasakyan nila Ken. Dinoble ko ang bilis ng lakad. Pakiramdam ko kasi ay kay bagal-bagal ng hakbang ko.
Sa mga titig ni Lance sa akin ay pakiramdam ko unti-unting natutunaw ang tuhod ko. Naiilang ako sa klase ng titig niya. Para bang may nagawa akong malaking kasalanan na sobrang ikinainis niya. Siguro iyon ay dahil sa hindi ko pagpapaalam.
Wala naman kasi siya, eh.
Parang nahigit ko ang hininga nang bumaba ang tingin niya sa leeg ko kung saan nakatakip pa rin ang tela. Bahagya ko iyong inayos. Baka kasi nakikita na ang mga namumulang marka.
Kanina nga napansin nila Ken ang pamumula sa labi ko. Sinabi ko namang nasubsob lang ako sa kanto ng lamesa kaya nagka-gano'n. Hindi naman ako nahirapan na paniwalain sila.
"Ah... w-wala ka kasi kanina kaya hindi na ako nakapagpaalam. 'Tsaka-"
"Get inside," malamig niyang sabi. "Bilis."
Sumunod ako agad. Sumunod din siya at sinara ang pinto. Ang malaking chandelier sa sala ay nakasindi kaya sobrang liwanag ng loob ng bahay.
"Cook for me," sabi niya saka naunang tumungo sa sala. "Nagugutom ako..."
"Gusto mo ipagluto kita?" tanong ko. Tila naginhawaan ako dahil hindi naman pala siya gano'n ka-galit. At baka ang paglutuan siya ay pwede nang kabayaran sa pag-alis ko ng walang paalam. "Sige. Ipagluluto na lang kita!"
Hindi ko naiwasang mapangiti.
Kaya naman dumiretso na ako sa kusina at hindi na gaanong pinansin ang napansing pagiging gwapo niya sa simpleng itim na t-shirt at jeans. Hindi ko alam kung saan ba siya nanggaling. Pero ang mahalaga ngayon hindi na siya galit. Hindi na mauulit ang ginawa niya sa akin kagabi.
Iyon ba ang parusa niya sa tuwing gagawa ako ng hindi niya gusto?
Sa tagal ng pag-iisip ay saka lang ako natigil nang may hapding naramdaman sa isa kong daliri. Agad ko itong sinubo sa bibig upang matigil ang pagdugo.
Natapos tuloy ako sa pagluluto nang may nakadikit na band aid sa nahiwang darili. Aminado naman akong maayos ang lasa ng mga niluto ko. Sa pagpapanatili kasi ni Mama sa akin sa bahay ay ang pagluluto ang naging libangan ko.

YOU ARE READING
Hiding from Valdez (Hiding Series #2)
RomanceHIDING SERIES #2: complete (no portrayer intended.)