Chapter 1

8.3K 153 24
                                    

Chapter 1: Pinsan

Unti-unti ay inangat ko ang ulo upang tingnan ang pinanggagalingan ng malamig na boses. Sa pagtama ng mga mata ko sa hazel brown na mga mata ay may kakaiba akong naramdaman. Ang tibok ng puso ko na kaninang mabilis dahil sa pagtago ko.... ngayon ay mas bumilis.... tila kilala nito ang nasa harapan ko ngayon.

Sa pagtakbo ko palayo sa panganib... ngayon ay tila nasa ligtas na ako.

Nahagip ng mata ko ang mga lalaking patuloy pa rin sa paghahanap. Nang sulyapan ang mga ito ay sinisimulan na nilang katukin ang bintana ng bawat sasakyan.

Patay na...

Mabilis akong umayos sa pagkakaupo, halos gumapang na palapit sa lalaking nakaupo sa kabilang dulo ng backseat. Hindi rin nito inaalis ang malalamig na tingin sa akin. Wala akong mabasang emosyon.

Nakaluhod na ako ngayon sa harapan ng lalaki. Kung wala lang ako sa sitwasyong tinatakbuhan ko ngayon, baka... baka isa-isa kong napuri ang kagandahang lalaki nito. Ngunit wala ako sa panahon.

Pinanginginitan man ng pisngi ay hindi ko inalis ang tingin sa lalaki.

"K-kuya," nauutal kong nasambit dahil sa titig nito.

Tumaas ang isang kilay ng lalaki sa akin.

"P-puwede ba..." Para akong nauubusan ng hininga. Muli kong sinulyapan ang mga lalaking naghahabol sa akin, ilang kotse na lang ang kakatukin nila ay makikita na nila ako.

Kailangan kong makaalis kami rito agad.

Muli kong hinarap ang lalaki at mas lalo pang nilapit ang sarili.

"K-kuya... puwede bang... pakasalan mo ako?"

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Iba-iba na ang nararamdaman ko. Hindi ko na maintindihan.

"What?" Nagsalubong ang kilay ng lalaki.

Lalo akong nagsumiksik. Kailangang hindi niya ako paalisin. Kailangang mapakasalan niya ako.

"P-pakasalan mo ako, Kuya... please? Gagawin ko ang lahat bilang kabayaran. Ayaw ko pong ipakasal ako ng Mama ko sa matandang lalaking tanging yaman lang ang habol nila..." Umiling-iling ako.

Malamig lang na nakatingin sa akin ang lalaki. Kinakabahan na ako nang sobra!

"Kuya, please...."

"Hindi mo ba pagsisisihan ang kahilingan mong 'yan?"

Nakaramdam ako ng labis na kaba. Pero wala na akong magagawa.

Sa pag-iling ko ay siya ring biglang paghila sa akin ng lalaki. Halos malaglag ang puso ko sa pagkakabigla. Agad akong inupo ng lalaki sa hita niya, ang kaliwang braso ay mahigpit na nakapulupot sa baywang ko. Hindi ako agad nakagalaw. Gulat sa mabilis na pangyayari.

Napatingin ako sa isang kamay ng lalaki nang may kung anong dinukot iyon sa bulsa ng kulay itim niyang kasuotan pambaba. Lumantad sa mata ko ang isang baril na kulay silver. Umawang ang labi ko.

Nanigas ako nang mabilis iyong itutok ng lalaki sa leeg ko. Nahigit ko ang hininga, hindi dahil sa takot na mabaril.... kun'di dahil sa lamig ng bagay.

"Pumapatay ako," pabulong na usal ng lalaki, malapit sa tenga ko. Ang init ng hininga nito ay pinapawi ang lamig na bumabalot sa akin.

Napalunok ako. Hindi ko maintindihan kung bakit... tila nasa kaligtasan pa rin ako gayong may baril nang nakatutok sa akin.

"P-pakasalan mo ako..." usal ko 'tapos ay mariing napapikit.

"Hindi ka ba matatakot?" mariin nang binulong nito.

"Hindi. K-kung nasa palad mo ang hangganan ng buhay ko... tatanggapin ko. Wala na akong pakialam kung Ikaw ang papatay sa'kin..." Unti-unti kong dinilat ang mata at pinagkatitigan ang lalaki, habang unti-unting rumaragasa ang mga luha. "Kung ang pagpatay mo sa'kin ang dahilan ng pagtatapos ng paghihirap ko... sige... hahayaan kitang patayin ako."

Hiding from Valdez (Hiding Series #2)Where stories live. Discover now