Chapter 26: Invitation
“Para saan ang pagpapagamot mo?”
Umihip ang malamig na hangin ng gabi. Nahawi ang buhok ko, lahat napunta sa likuran ko.
“Bakit ba napapagamot ang isang tao?”
“Tss!”
Tinanaw ko ang madilim na dagat. “May sakit ako. Hindi kompleto ang mga kagamitan ng hospital dito para pagalingin ako.”
Nakita ko sa tabi ng mata ang bahagyang paglapit sa akin ni Lance.
“Saka ko lang naramdaman ang mga sintomas nang medyo lumalala na. Nasa stage 2 na ang sakit ko.”
“Magagamot natin ‘yan.”
Lumapit pa siya at niyakap ako. Napayuko ako, nilalabanan ang emosyon.
“Tara na? B-bumalik na tayo sa bahay natin? Kukuha ako ng doctorts at nurses na magpapagaling sa'yo. Handa akong magbayad ng malaki.”
“Hindi na, Lance. Ikaw na ang bahala sa mga bata. Ako na ang bahala sa sarili ko…”
“No. Ako ang bahala sa inyo. What do you want me to do? Hindi ako aalis sa islang ito nang hindi kayo kasama. Axe, please…comeback?”
Walang araw na hindi siya pumupunta rito simula nang mahanap na niya kami. Saka lang siya umaalis kapag ganitong gabi na at magpapahinga na kami ng mga bata.
Minsan, siya ang naghahatid sa mga bata kahit na hindi pa rin ito gano'n ka komportable sa kaniya.
“Si Tanggol, mauuna ng umalis bukas,” aniya.
Napag-usapan na namin iyon. Oras na para ang sarili na ni Tanggol at ang pamilya niya ang unahin niya. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa kaniya.
“Magsimula tayo ulit? Samahan niyo na ako sa bahay. Sobrang lungkot na niyon sa tuwing umuuwi ako…”
Nakikita ko kung gaano kasinsero ang mga sinasabi ni Lance at kung gaano siya naapektuhan nito. Kay Niezhel na rin mismo nanggaling ang totoo na hindi ko pinaniniwalaan kay Lance.
“H-hindi mo na ba ako mahal?”
Kuminang ang mata niya sa poste ng ilaw sa tabi namin.
“Please, kung may pagkakamali man akong ginagawa ngayon, sabihin mo sa'kin. ‘Wag mo na ‘kong iwan ulit, please?”
I bit my lower lip. Hindi ko maiiwas ang tingin ko sa kaniya kahit ang sakit sakit na niyang makita na ganitong nasasaktan. Ako ang may mali, pero parang siya pa ‘tong gumagawa ng paraan para maging maayos kami ulit, na dapat ang ang gumagawa.
“H-hindi mo man lang ba tinuruan ang sarili mo na magmahal ng iba? Lance, m-may sakit ako…”
“You're sick because of me! Kung sana hindi na lang ako umalis para sa misyon, hindi na sana tayo aabot sa ganito.”
Umiling iling ako. “Lance, no…”
Lumapit ako sa kaniya at humawak sa baywang niya, para pakalmahin siya at para ipanatili kong matatag ang tuhod ko na nanghihina na.
Bakit sinisisi niya ang sarili niya kung ako naman ang may kasalanan?
“P-please, ‘wag na nating pag-awayan ‘yon. Matagal na ‘yung nangyari…”
“Then, comeback to me. I need you. Hindi ako makapapayag na iwan kita rito nang ganito. Ipapagamot kita, kaya please, Axedria…alagaan mo rin ang sarili mo.”
Hindi ko na napigilan ang pagkawala ng luha. Sumumsob ako sa dibdib niya at doon kinulong ang hikbi.
“Hindi lang ang mga anak natin ang may kailangan sa'yo…k-kailangan din kita.”
YOU ARE READING
Hiding from Valdez (Hiding Series #2)
RomanceHIDING SERIES #2: complete (no portrayer intended.)