Chapter 27: Flowers
“K-kahit ganito ang itsura ko, pakakasalan mo pa rin ako?”
“I don't see any problem about it. Para sa akin, perpekto ka pa rin. Sa paningin ko, walang kulang sa'yo. Walang may mali sa'yo.”
Kinapa ko ang ulo ko at bahagyang natawa kasabay ang pagbagsak ng luha.
“N-nahihiya ako, Lance…”
Pinunas niya ang luha ko at marahan akong hinarap sa kaniya.
“Hush…nandon ako. Walang sino man ang maaaring mang-judge sa'yo. I will sue them.”
Lumuluha ako habang gumuguhit ang ngiti. “Bisita pa rin natin sila…”
“Hindi natin kailangan ng panghusgang bisita,” aniya.
“Oo na nga…m-magpapakasal na,” natawang sabi ko.
“You're so cute. I love you.”
Nagulat din ang mga bata nang makita ang ulo ko. Nabawasan ang bigat sa dibdib ko dahil imbes na maawa sila ay pinaglaruan pa nila ang ulo ko.
Tinutupi ko ang damit ng mga bata nang bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok si Lance.
“Hindi mo ba sasamahan maligo sa pool ang mga bata?” saad ko.
Umupo siya sa likuran ko at kinabig ako. “Sisters time nila ‘yun,” aniya.
Nilingon ko siya sa tabi. “Tayo?”
“Tayo…ay magkasamang tatanda.”
Napabungisngis ako. Bumalik ako sa ginagawa. “Kanina pa ba ‘yun sila? Paahunin mo na. Baa sipunin na mga batang ‘yon.”
Hinalikan niya ang ilalim ng tainga ko saka tumayo. “Okay, madame. I'll get their towel.”
Lumapit siya sa kabinet at kumuha roon ng dalawang towel. Tumayo na rin ako at binuhat ang patong-patong na tinuping damit ng mga bata. Hindi siya umalis sa tabi ng kabinet. Hinayaan niya iyong nakabukas para sa akin.
“Anyway, baby, naimbitahan mo na ba ‘yung mga gusto mong imbitahan? Nabigay ko na ‘yung wedding invitations kina Rey and Denz,” aniya.
Bahid ang saya sa tinig niya. Mas excited pa siya sa akin.
“Oo na. Pero hindi ko alam kung nasaan si Ken at Mariposa…”
Hindi ko naiwasang malungkot. Ilang buwan na rin akong nakabalik, pero Ang kahit isa sa kanila ay hindi ko pa nakikita.
“Don't worry, ako na ang magpapadala sa kanila. Sisiguraduhin kong makaka-attend sila.”
“Talaga, Lance?! Thank you.”
“Sana kiss na lang,” mahinang bulong pa niya. “Paahunin ko na ang mga bata. Tawagin mo ako kapag may kailangan ka, okay?”
Malawak akong nakangiti na tumango.
Tinapos ko ang paglalagay ng mga damit ng kambal sa kabinet. Pagkatapos ko ay lumabas ako ng kwarto at dumiretsong terrace. Pinanood ko ang paglangoy langoy ng mga bata. Lumabas si Lance. Tinawag niya ang mga bata at pinaahon.
May kung anong sinabi ang kambal sa ama nila. Umiwas ng tingin si Lance habang nakapikit, nakabuka ang isang towel na hawak niya. Saka umahon isa-isa ang dalawang bata nang naka-krus ang mga braso sa dibdib nila.
Mahina akong natawa.
Pagkatapos ibalot ni Lance ang twalya sa dalawa, nang hindi tumitingin, ay saka siya nagmulat. Sabay-sabay silang naglakad papasok habang nakahawak ang kambal sa kamay ng tatay.
YOU ARE READING
Hiding from Valdez (Hiding Series #2)
רומנטיקהHIDING SERIES #2: complete (no portrayer intended.)