Chapter 29

3.5K 70 7
                                    

Note: This is the last chapter! Epilogue will be posted soon. Again, this is a work fiction :))

Chapter 29: Kasal


Ang hina na ng katawan ko..

Minsan, may mga sandaling nahihirapan akong huminga. Sa sandaling nangyayari iyon…nanikip ang dibdib ko. Ang sakit. Sa sobrang sakit…nawawalan ako ng malay. 

Pero pasalamat pa rin ako Diyos dahil nagigising pa ako. Nababawi ko ang lakas ng katawan, pero habang tumatagal…hinang hina na naman ang katawan ko.

Pero mas nakakapanghina ang sinabi ng doktor matapos akong tingnan…

Pumantay ang mata ni Lance sa akin. Napayuko ako. Hindi ko siya matingnan sa mata. 

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. 

“Tulog na ang mga bata,” usal niya. 

Tumayo siya at umalis sa harapan ko. Lumapit siya sa tabi ko at doon umupo…upang pantayan ako sa wheelchair na kinauupuan ko. 

“The wind is getting old. Pumasok na tayo?” 

Bahid sa tinig niya ang pilit na pagtatago sa tunay na nararamdaman niya. Katulad ko, nahihirapan din siya. 

“Sa susunod na araw na, Lance…” sambit ko. 

Napaayos siya ng upo. “Yeah, and I can't wait.”

Mula sa pagtatanaw sa mga bituing nasa malayo, lumipat sa kaniya ang tingin ko. 

“What if…” 

I've been thinking about it. Simula nang sabihin ng doktor ang kalagayan ko, napag-isip isip ko na…baka ‘wag na lang naming ituloy ang kasal. 

“Tell me what it is, baby. Tell me what's bothering you.” 

Bumaba ang tingin niya sa binabaan ko ng tingin. Natigilan siya. 

“Axedria, no…” 

“Baka…para talaga sa ibang babae ang singsing na ito. Sa babaeng itinadhana sa'yo para makasama mo h-hanggang…sa pagtanda.” 

Nagsimula sa pag-alpasan ang luha ko. 

“H-hindi na ako tatagal, Lance…”

“Stop, Axedria. May magagawa pa tayong paraan.”

Tumayo siya at lumipat sa harapan ko. Lumuhod siya upang pantayan ang tingin ko. Kinulong niya ang mga pisngi ko sa palad niya at inilapit sa kaniya hanggang sa magdikit ang noo namin. 

“Magtitiwala tayo.” 

“P-pero paano? Lance, wala na ngang paraan. Ang buhay ko, katulad ng kwentong ito…m-magwawakas na. Gusto ko ng tanggapin ang lahat, kaya sana tanggapin mo na rin, Lance. H-hindi na ako magtatagal. Aasa pa ba ako sa himala?” 

His jaw tightened. Nagsisimula ng mamula ang mga mata niya sa labis na pagpipigil ng emosyon. 

“Ang sabi ng doktor, wala ng gamot ang makakapagpagaling sa akin. Nasa s-stage 4 na ang sakit ko…k-kinakaya na lang ng katawan ko.” 

“Please…don't lose hope. G-gagaling ka.”

Napailing iling na lang ako, takip-takip ang bibig upang pigilan ang malalakas na hikbi. 

“Magtitiwala tayo.” Pinunas niya ang luha ko. “Hindi pa ako nawawalan ng pag-asa, Axedria. I hope you do too.”

“Hindi ako naniniwala sa himala kung ‘yon ang magliligtas sa akin, ‘tulad ng sinabi ng doktor, Lance.”

Hiding from Valdez (Hiding Series #2)Where stories live. Discover now