Chapter 11: Revenge
"Sino ang batang ito, Lance?"
Tanong ko. Isa-isa kong kinuha ang mga larawan at pinagktitigan ang saggol na babae, at ang nasa isa pang larawan na batang babae.
"Ikaw," aniya.
Napatingin ako sa kaniya, nangunot ang noo. Pinagktitigan ko ulit ang mga nasa larawan. Hindi ko makilala na ako nga ang nasa larawan dahil hindi ko nakita ang itsura ko noon dahil kay Mama.
"Pa'nong naging ako ito, Lance. Tingnan mo, mukhang galing ang batang ito sa mayamang pamilya." Hinarap ko sa kaniya ang mga larawan. "Saan mo ba ito napulot?"
Kinuha niya sa akin ang mga larawan at binalik sa kahon pagkatapos ay pinatong sa ibabaw ng librong nasa bedside table.
"I don't want to force you to remember everything," aniya.
Pinulupot niya ang braso sa baywang ko at kinandong ako sa hita niya.
"Saan mo napulot iyon, Lance?" tanong ko ulit. Baka kasi mamaya ay hanapin ng may ari.
"Kinuha ko," sagot niya at sininghot singhot ang leeg ko. "Napagod ako, pero sigurado naman akong worth it ang pinagpaguran ko…" usal niya.
Nang maalala ang mga dinala niya ay hindi ko naiwasang hindi mapatanong.
"Para saan pala iyong mga pinamili mo, Lance? Anong meron?"
Umangat ang mukha niya para tingnan ako, kaunting nangunot ang noo niya.
"Tomorrow is your birthday…"
Napaawang ang labi ko. "Dalawang buwan pa bago ang kaarawan ko, Lance. Sa December pa," sabi ko.
Natatandaan ko na sa buwan ng December ako binibigyan ng capcake ni Papa, sabi niya ay iyon ang kaarawan ko.
Dahan-dahan siyang umiling at bumalik sa pagsubsob sa leeg ko. "No, tomorrow is your birthday."
"Hindi lang pala ang apilyedo ko ang babaguhin kapag kinasal na, birthday rin pala," usal ko.
"Tsk. Basta bukas ang birthday mo," pagpupumilit niya.
Nagkibit balikat na lang ako. Baka ise-celebrate na namin agad.
"P'wede ko bang imabitahin si Mariposa at si Ken bukas?"
Napaangat agad ang mukha niya. "Hindi bukas, maybe the other day?"
"Sa susunod na araw?" Tumango siya. "Eh hindi ko na birthday iyon! Bakit bawal bukas?"
"Hindi ko ipinagbabawal." Bumalik siya sa leeg ko. "Gusto ko tayong dalawa lang bukas. I have a surprise for you. Surprisa."
Napasinghap ako. "Totoo?! Ano 'yon, Lance?"
"Surprise nga, e." Umayos siya ng upo.
Umalis na ako sa pagkakakandong sa kaniya. "Gusto ko na agad sumapit ang bukas. Matulog na tayo?"
Tumawa siya na ikinanguso ko. "Sure. But I have to change my clothes. Kumain muna tayo."
Tumango tango ako at agad bumaba para maghanda ng pagkain habang siya ay naliligo.
Unang nakatulog si Lance, habang ako ay hindi dinadalaw ng antok. Kaya pinlantsa ko na lang 'yong mga nilabhan ko kanina, dinamay ko na rin iyong dress na binili ni Lance.
Habang pinagmamasdan ang dress na nakahanger sa nakabukas na cabinet ay hindi ko maiwasang mapangiti. Sa buong buhay ko ay ngayon pa lang ako makakapagsuot ng ganito kaganda at kamahal na bistida.
Nakaramdam ako ng antok kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo at sumampa ng kama. Gumalaw bahagya si Lance. Pagkahiga ko sa tabi niya ay nakabalik siya agad sa mahimbing na pagkakatulog.
YOU ARE READING
Hiding from Valdez (Hiding Series #2)
רומנטיקהHIDING SERIES #2: complete (no portrayer intended.)