Warning: SPG! 🧐
Chapter 17: Sinagad
"L-lance, sandali… Lance."
Kinakamuntik muntikan na akong madapa maabot lang ang braso ng lalaki. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad kaya naman nilalakad takbo ko siya.
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Kitang kita ang labis na pagod sa mga mata niya kahit pilit niya iyong tinatabunan ng galit.
"Ano pa ba ang kailangan kong gawin para mapanatili ka sa tabi ko?" puno ng sakit na sabi niya.
Pinigilan ko ang hikbi. Nasasaktan ako kapag nakikita siyang ganito.
"N-natatakot ako…" pag-amin ko.
"Saan? Kanino? Sa akin?"
Napayuko ako at sunod-sunod na napatango habang labis ang pagpipigil ng hikbi. Kahit sobrang sakit na sa dibdib.
"Tingin mo pa rin ba sa'kin na kayang kaya kitang saktan ngayong hulog na hulog na ako sa'yo? Axedria Gabrielle, I fucking love you! Wala akong kinikilalang diyos pero p*tang ina pinagdadasal kita. Makasalanan akong tao pero malakas ang loob kong pasukin ang simbahan at humiling sa padre–makuha ka lang mula sa ibang lalaki."
Tuloy-tuloy lang sa pagragasa ang luha ko habang nakatingin sa lalaki.
"I will fucking do anything just for you, Axe! Gagawin ko ang lahat makuha lang kita…"
Dahan-dahan akong humakbang palapit sa lalaki. Gustong gusto ko na siyang yakapin para mapatigil na siya sa mga hinanakit niya. Gusto ko na siyang patigilin dahil habang sinasabi niya iyon na puno ng sakit…para akong sinasaksak.
Hinaplos ko ang braso niya pababa sa kamay niyang mahigpit na nakakuyom. Sobrang tigas ng braso niya kaya naplos ko iyon para pakalmahin siya.
"Because I really really love you…" pabulong niyang usal saka ako mabilis na niyakap sa baywang.
"Sorry, Lance…"
Isinandal ko ang ulo sa dibdib niya. Ngayon ay masasabi kong nasa tahanan na ako ulit, tahanan kung saan ko naipapahinga ang kalooban ko.
Tumawag ako sa bahay gamit ang telephone number ng mansion. Sinabi ko lang kay Daddy na ayos lang ako.
Malalim na buntong-hininga ang narinig ko mula kay Daddy. "Basta tawagan mo 'ko agad kapag kailangan mo ng tulong ah."
"Opo, Dy. Sige na po magpahinga na rin kayo."
Pagkababa ko ng telepono ay umakyat na ako. Ilang araw na ang nakalipas sa pagtatangka kong tumakas kay Lance. Maayos na kami ngayon pero may mga pagkakataon na binabagabag ako sa sinabi ni Daddy tungkol sa katauhan ni Lance.
Hindi ko nakita ang lalaki pagdating ko sa master's bedroom kaya lumabas ulit ako para hanapin siya. Napatingin ako sa pintong nasa dulo ng pasilyo. Iyon ang silid na aksidente kong napuntahan kahahanap kay Lance. Bahagya iyong nakaawang.
Sumilip ako sa maliit na siwang. Nasilip ko Lance na nakaupo sa gitna ng mahabang sofa habang may ginagawa sa laptop niya. Nagsuot na ito ng pantulog niya na pajamas.
Huminga ako ng malalim bago kumatok. Mabilis na umangat ang tingin ni Lance sa pinto kaya binuksan ko na iyon. Pumasok ako at napatingin sa laptop niya na nanatiling nakabukas habang siya ay nakatingin sa akin.
"Ahm…hindi ka pa ba matutulog?" tanong ko.
Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na puntahan siya rito para tanungin ng ganito. Sa mga nagdaang gabi kasi ay nakakatulog ako ng nandito pa rin siya. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba ako.

YOU ARE READING
Hiding from Valdez (Hiding Series #2)
RomantizmHIDING SERIES #2: complete (no portrayer intended.)