Chapter 24

3.8K 89 12
                                    

Chapter 24: For sale

Dinala ko ang dalawa sa sala pagkatapos kumain. Hinayaan ko na si Tanggol na lang ang umasikaso sa mga naiwang linisin sa kusina.

“Mga anak, ahm…may importanteng sasabihan si Mama, ah. I want your full attention and understanding,” saad ko sa dalawa.

“Whatever it is, Mama, papakinggan ka po namin,” ani Celine.

Napangiti naman ako at hinaplos sila sa buhok nila.

“Sasama kayong dalawa kay Tatay. Maiiwan si Mama rito para ayusin itong bahay at iyong pinagkakakitaan natin. Susunod din si Mama,” marahang sabi ko.

Nangunot ang noo ng dalawa. Hinanda ko na lang ang sarili sa maaaring komento nila.

“Saan po kami pupunta? Hindi na po ba tayo babalik dito?” sunod-sunod agad na tanong ni Alexa.

“Ahm…gagawin ni Mama ang lahat para kung sakaling gusto ninyong bumisita rito ay may babalikan tayong bahay.”

“Pero bakit po tayo aalis ng matagal, Mama? Paano po ang pag-aaral namin ni Alexa rito? And how about our tricycle?”

“Si Tatay ang bahala sa tricycle,” sabi ko.

“But why, Mama?”

Sabi ko na nga ba at mahihirapan ako. Hayst paano ba ito?

Malalim akong bumuntong-hininga. “I want you to meet my family…”

“You mean…si Lola and our titos and titas?”

Nawala ang kunot noo ng dalawa at nabahiran ng excitement. Tumango ako, kahit hindi ko pa naman talaga sigurado na sila agad ang mapupuntahan nila roon.

Napapaisip ako na hindi talaga gano'n kadali ang lahat kung sa totoong tatay nila ko sila agad dadalhin. Baka masaktan lang sila kung sakaling pag-isipan sila ni Lance na mapagpanggap. Lalo na kung may bago na siyang pamilya.

Ang totoo…hindi na naman talaga ako susunod kapag pumunta sila. Iiwasan ko ang maging pabigat sa kanila kaya ko ginagawa ito. Ayaw kong madamay sila sa paghihirap ko. Mas mapapadali ang kilos at galaw ko kapag nasa mabuting kalagayan sila. Hindi ako mag-iisip nang kung ano-ano kapag nasa maayos na paligid sila.

“Dadalhin kayo ni tatay roon. Sasamahan niya kayo.”

“Pero…bakit po hindi na lang kayo? Bakit hindi ka na lang namin hintayin na tapusin mga aayusin niyo rito para po sabay-sabay tayong umalis?”

“Kasi ahm…matatagalan pa ‘yon.”

“Eh ano naman po? It's okay, Mama. Basta po magkakasama tayong umalis.”

“No, that's not okay,” sabi ko agad. “I mean, hindi niyo kailangang ma-missed ang special events na paparating. Kung hihintayin niyo pa ako, hindi niyo iyon maaabutan.”

“What kind of event is that, po?”

Hayst!

“Napakarami niyong tanong.” Gigil ko kunwaring kinurot ang pisngi nila na pareho nilang ikinabusangon.

Tumayo na ako at dinala ang dalawa sa kwarto nila para maligo na. Hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon na magtanong tanong dahil sa pagpapadali dali ko sa kilos nila.

“Okay na ba? Kumusta?” ani Tanggol sa sala nang dalhin ko ang maleta ng dalawa.

“Ikaw na ang bahala sa dalawa, ah. Huling favor ko sa'yo, Tanggol…ipakilala mo sila sa daddy ko, sa mga kaibigan ko, at lalo na sa tatay nila. ‘Wag mo silang pag-alalahin. Magiging maayos ako rito.”

Hiding from Valdez (Hiding Series #2)Where stories live. Discover now