Warning: R-18
Chapter 8: Sapa
Nagising ang diwa ko pero ang mga mata ko ay nanatiling nakapikit. Nararamdaman ko ang marahang pagdampi dampi ng kung ano sa noo ko, maya-maya ay lumipat sa leeg.
Napadaing ako nang sumakit bigla ang ulo ko. Napapikit ako nang mariin. Anong nangyayari sa akin?
Matapos ang malabong pangyayari na nakikita ko ay sunod kong nakita ay ang kamay na may hawak na baril.
"Lance, 'wag!" sigaw ko at agad napamulat.
Nanlabo ang mata ko sa paglabasan Ng mga luha. Kumirot nang kumirot ang ulo ko.
"Shh… Baby, hindi ko gagawin ang ayaw mo," pag-aalo ni Lance.
"Lance, 'w-wag mong iputok ang baril…"
"Hindi ko ipuputok. Shh, calm down."
Kumalma ako nang dampian niya ako ng halika sa noo. Napalinga linga ako sa paligid nang kumalma. Pinilit kong umayos ng upo kahit parang minamartilyo ang ulo ko sa sakit.
"A-anong nangyari?"
"You passed out," ani Lance.
Napatitig ako sa kaniya. Doon ko unti-unting naalala ang nangyari. Ang dalawang lalaki…na kilala ako, pero hindi ko naman kilala ang kahit isa sa kanila. At ang kamay na may hawak na baril na kaninang nakikita ko sa isip ay pagmamay-ari ni Lance.
Napalayo ako sa kaniya ng bahagya. Tumiim ang bagang niya sa ginawa ko. Hindi niya sinubukan na dumikit ulit sa akin.
"M-may baril ka…" halos pabulong kong sambit. "H-humahawak ka ng baril. Lance…"
Hindi ko maituloy tuloy ang gustong sabihin. Talaga ngang hindi ko kilala ang lalaking pinilit kong pakasalan ako.
"Noon pa lang sinabi ko na sa'yo. May baril ako at humahawak ako ng baril. Pero palagi mong tatandaan, hinding hindi ko kayang itutok 'yon sa'yo o kahit iputok man lang."
Para akong hinihipnotismo ng boses niya. Ang baba, ang kalmado, ang gaan. Parang kapag binago niya ang paraan ng pakikipag-usap ng boses niya sa akin ay aayawan ko siya. Hindi niya alam na sa boses na ginagamit niya sa akin…para akong hinihila palapit pa sa kaniya.
Napailing iling ako sa isipan.
"Nasaan na tayo?" Muli kong ginala ang tingin sa kwartong hindi pamilyar sa akin.
"We're at the master's bedroom. Our new room. You are safe now."
Gumaan ang pakiramdam ko. "Thank you for saving me," mahinang sambit ko at hindi siya matingnan sa mata.
"What do you want to eat? Hindi ka pa kumakain."
Parang may kusa ang tiyan ko dahil matapos iyong itanong ni Lance ay kumalam nang kumalam ang tiyan ko.
"Ahm…carbonara. Gusto ko ng carbonara."
"Anything else?"
"Kahit ano na lang. Ikaw na ang bahala."
"Okay. Wait me here."
Pinanood ko ang likod ni Lance habang paglabas. Binalot ako ng katahimikan kaya bumalik sa mga nangyari ang isip ko.
Sino kaya ang dalawang lalaki na 'yon? Totoo ba ang sinabi nila sa akin? Hindi ba sila nagpapanggap lang na tauhan ng lalaking gustong ipakasal sa akin ng parents ko? Wait! What if nagpapanggap lang talaga sila? Kailangan ko ng mag-ingat. Baka balikat nila ako at tuluyang kunin.
Kung pakikiramdaman ko ay mas gugustuhin kong manatili rito kay Lance, kaysa ang mapunta sa kanila o mabalik sa parents ko. Pero…deserve ko rin naman ng kalayaan after all. Hindi ganitong tumatakbo ako at tumatago.

YOU ARE READING
Hiding from Valdez (Hiding Series #2)
RomanceHIDING SERIES #2: complete (no portrayer intended.)