Warning: R-18!
Chapter 15: Baby
"Anak, nararamdaman mo rin ba ang nararamdaman ko?" mahinang bulong ni Daddy sa akin.
Naalis ko ang tingin sa dalawang lalaki sa harapan para balingan si Daddy.
"Kinakabahan ako, Dy."
"Ako rin…" Tumango si Daddy. "Parang kapag nakadampot sila ng tag-isang kutsilyo ay hindi sila magdadalawang isip na magsaksakan."
Nasa hapag kami ngayon ng hapag, kumakain. Hindi ako makakain nang maayos dahil sa pagmamasid sa dalawang lalaki na magkatabi.
Tumikhim si Daddy. "My daughter and I are going to bond each other. Please don't ruin it," ani Daddy sa seryosong tinig.
Hindi umimik ang dalawa. Kalmado lang na kumakain si Lance habang si Keiven ay patigil tigil. Napapasulyap pa sa akin.
Pinagpatuloy ko ang pagkain. Patapos na kami nang magsalita si Keiven.
"Tito, nagmadali akong pumunta rito matapos kong malaman na nandito na si Axedria," sinulyapan pa niya ako. "It's good to see her again. Mabuti naman po at maayos siya ngayon."
Pasiring pa niyang tiningnan si Lance bago uminom sa tubig niya. Napatigil na rin si Lance sa pagkain.
"Mabuti nga at nasa akin siya ngayon napunta."
Napansin ko ang halong panunuya sa tinig ni Daddy. Parang may iba siyang pinararating.
"So, Axedria, may I ask something?" ani Keiven.
Napatango naman ako.
"Kumusta naman ang pag-stay mo sa lalaking 'to?" Tukoy niya kay Lance.
Hindi siya pinansin ni Lance kahit ramdam ko ang pagkainis nito sa tinanong ng lalaki. Kahit naman ako ay nakaramdam ng inis, para kasing may pagyayabang ang tono. Siyang siya nga si Keiven na kababata ko, naaalala ko na. Simula noon ay hindi ko na talaga nagugustuhan ang yabang niya.
Tumikhim ako. "Maayos naman. Malaya ako. Hindi ako pinaghihigpitan at lalong hindi ako pinipilit sa ayaw kong mangyari," seryosong sabi ko nang hindi nilulubayan ng tingin ang lalaki.
Doon napaangat ng tingin si Lance at nilingon agad si Keiven. Ngumisi lang si Keiven sa akin at napatango tango.
"Good to hear. Pero sa tingin ko ay mas magiging maayos ang buhay mo kung magsasama na tayo," aniya.
Umayos siya ng upo at hinarap si Daddy. Ako ay hindi agad nakakibo.
"Tito, may itinakda na bang petsa ang kasal namin ni Axedria?"
Nagsalubong ang kilay ko.
"Katapusan pa lang ng buhay mo ang may itinakdang petsa," si Lance ang sumagot. "And what are you talking about, crazy delusional? We're married," dagdag niya.
Hindi agad nakaimik si Keiven. Pabalik balik ang tingin niya sa aming tatlo. Napatayo siya, bahid ang pagkalito, gulat at galit.
"What the fuck? Tito?!"
Hindi rin makaimik si Daddy, hindi alam kung paano magpapaliwanag.
"Axedria?" Ako ngayon ang binalingan niya. "Seriously? How? Bakit…ugh! Bakit ka nagpakasal sa kaniya?"
"At bakit hindi? Actually she's the one who forced me to marry her," kalmadong sabi ni Lance. "Now, fuck off and leave my wife alone."
Napuno ng panganib ang tinig ni Lance.
Marahas na umalis si Keiven sa bangko. "Tito, why did you let it happen? Hindi ba't ako ang pinagkasundo kay Axedria? Tito, why? You betrayed us. You promised…"
YOU ARE READING
Hiding from Valdez (Hiding Series #2)
RomanceHIDING SERIES #2: complete (no portrayer intended.)