Chapter 20

4K 52 1
                                    

Chapter 20: Asawa

Alam ni Ken ang pagpapakasal ni Niezhel at Lance, pero hindi niya sinabi sa akin?

Alam kong tapos na iyon dahil nalaman ko na naman. Pero may parte sa akin na sumama ang kalooban sa kaniya. Kaibigan ko na siya ngayon e. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na maaari kayang may alam din siya sa plano ni Lance noon?

"Gusto kong bigyan ng magandang regalo si Adrian, pero wala akong maisip, Axedria," saad ni Niezhel.

Tumitingin tingin kami sa mga naka-display. Kahit ako ay nahihirapan sa pagpili.

"Hindi ko na kasi alam ngayon ang hilig niya," sabi ko. "Mga bata pa kami noon nang mahiligan niya ang online games. Pagbibisiklita at online games lang pinagkakaabalahan namin noon."

"Hindi na siya nagbibisiklita ngayon, eh. Mga sports cars at motor na ang gamit niya."

"Eh, ikaw, Niezhel? Saan ka mahilig?" natanong ko.

"Hmm mag-paint?" parang hindi niya pa siguradong sagot. "Minsan ko ng pinagpa-practice-an na ipaint si Adrian subalit hindi ko magawa ng maayos, at alam niya iyon."

Nabahiran ng lungkot ang tinig ni Niezhel, pati ang itsura niya. Tila siya bigong bigo. Tumigil ako sa paglalakad para harapin siya.

"Eh, kung…gulatin mo si Adri? Ipaint mo siya ulit. May halos dalawang linggo pa naman bago ang kaarawan niya," sabi ko.

Sandaling napaisip si Niezhel, maya-maya ay tila lumiwanag ang mata nito.

"Tama! Hindi ko na rin naman alam kung ano ang ibibigay sa kaniya! Marami siyang pera kaya kayang-kaya niya ng bilhin ang bibilhin ko para sa kaniya." Tuwang-tuwa niya akong tiningnan. "Salamat sa ideya, Axedria, sa pagkakataong ito ay ilalaan ko oras ko at ang buong atensiyon sa pag-paint sa kaniya."

Tumango-tango ako. "Maganda 'yan."

"Excited na ako na ipaint siya, Axedria!"

Kaya imbes na ang mamahaling brand na kasuotan ang binili namin, ay 'yong mga kakailanganin na materyales sa pagpi-paint ang binili namin.

"Salamat, Axedria. Sana masuundan pa itong pagbo-bonding natin. Babawi na talaga ako."

Natawa ako. "Ano ka ba. Para sa inyo na Adri naman ito. Hindi na kayo ibang tao sa akin."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Bilang pambawi ngayong araw, magpadala ka ng picture ninyo ng asawa mo sa akin. Ipi-paint ko kayo."

Hindi ko pinahalata ang pagkabigla sa sinabi niya. Masaya siya ngayon, at ayaw ko 'yong maglaho sa kaniya dahil lang sa naging reaksyon ko.

Ngumiti ako ng malawak at tumango. "Sige!"

Nagpaalam na rin kami sa isa't isa. Nauna silang umalis habang ako ay napahinga muna ng malalim bago sumakay.

"Oh ma'am, bakit parang ang lungkot niyo ngayon? Hindi naman kayo ganiyan kanina no'ng papunta pa lang tayo rito, ah," saad ni Tanggol.

"Hindi, ah," sabi ko at nginitian siya.

"'Yong totoo po? May affair ba kayo ng babaeng iyon, ma'am? Nalungkot kayo ng maghiwalay naa kayo, eh."

Nanlaki ang mata ko. Lalong ngumisi si Tanggol na parang sinasabi na tama siya ng hinala dahil sa naging reaksyon ko.

"Sinasabi ko na nga na ba, eh! Isusumbong kita kay boss, ma'am! Uuwi 'yon agad."

Imbes na matakot ako sa pagbabanta niya ay lungkot ang naramdaman ko. Mukhang napansin iyon ni Tanggol nang sulyapan niya ako ulit sa rearview mirror.

Hiding from Valdez (Hiding Series #2)Where stories live. Discover now