Chapter 10: Dalawang itlog
Nagising ako na may tila mainit at mabigat na bagay ang nakapatong sa baywang ko. May mainit na katawan ang nararamdaman ko sa likuran ko kaya nilingon ko ito.
"Lance?"
"Hmm?" Nanatili itong nakapikit.
Pumihit ako sa paharap sa lalaki at kinapa ang leeg at noo. Sobrang init. Napabangon ako na ikinaungol niya ulit. Kunot na kunot ang noo nito, halatang may sakit na nararamdaman.
"Nilalagnat ka. Sandali, at ipaghahanda kita ng almusal."
Dali-dali akong kumilos. Gumawa na rin ako ng maligamgam na tubig sa maliit na planggana. Mabigat si Lance kaya halos mapasigaw ako sa tuwing bubuhatin ko siya paupo.
"Ano bang nangyari? Maayos ka namang umalis kagabi, ah," usal ko habang pinapakain ang lalaki.
Kinaumagahan nang umuwi kami galing ilog, umalis siya para magtrabaho. Umuwi siya bago maghapunan, at pagkatapos ng hapunan ay umalis din siya. Hindi niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta.
"Am I still handsome even if I'm sick?"
"Bakit mo naman 'yan natanong?"
"Because you said I'm more handsome when I smile. Baby, I can't smile with this situation right now…"
Halos tenga ko na ang nag-a-adjust, maintindihan lang siya. May sakit na nga ay nagpipilit pang magsalita!
"Bakit ka ba kasi nagkasakit? Anong nangyari?" tanong ko ulit.
"Wala na ba akong karapatang magkasakit, Axe?"
Napailing iling na lang ako at sinubuan siya ulit.
"Sabihin mo sa'kin, anong nangyari ba't ka nagkasakit? Maayos ka pa namang umalis kagabi, ah?"
"Axedria…"
"Sabihin mo!"
Hinaluan ko ng inis ang boses ko. Para na siya ngayong bata na sinesermunan ng Nanay dahil sa pagsisinungaling.
"I-I saw a rat…"
"Ha? Nang dahil lang sa daga nilagnat ka na?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Don't just-just that rat. They are monsters."
Wala sa sarili na lang akong tumango tango. Labis nga ang takot niya sa daga. Gusto niyang sabihin na 'wag kong gagawing maliit na bagay iyon. Makakita lang siya ng daga ay nilagnat na.
"Did you shoot it?" maya-maya ay natanong ko nang binalik ko siya sa pagkakahiga.
"I don't have a chance. He ran fast," aniya.
Hinayaan ko siyang yakapin ako sa baywang. Ramdam ko pa rin ang init ng katawan niya, pero hindi na katulad kanina na parang umaapoy.
"Bakit ka takot sa daga, Lance?"
Nilaro laro ko ang buhok niya para tangayin siya ng antok at makapagpahinga na.
"Because they are monsters. When I was three years old, something happened to my family. Then I get lost. I was looking for a food because my stomach was empty. I saw burger in the garbage so I get it. Then that f*cking rat jump on my burger! Tinaboy ko sila, pero imbes na lumayo ay hinabol nila ako!"
Pigil ko ang pagtawa habang nakikinig sa kwento niya. Para siyang biglang naging bata na aping api.
"Bakit ka nawala?"
"I don't know… I don't remember it clearly."
"Okay. Magpahinga kana," sabi ko nang wala na akong masabi.
YOU ARE READING
Hiding from Valdez (Hiding Series #2)
RomanceHIDING SERIES #2: complete (no portrayer intended.)