Chapter 14

4.1K 76 3
                                    

Chapter 14: Brief

Hindi pinalagpas ng mata ko ang bawat detalye ng bahay. Pagkapasok ko pa lang ay inulan ako ng mumunting mga ala-ala, pero habang tumatagal ay hindi na gano'n kalaki ang epekto sa akin. 

Wala kaming ibang magagawa ni Daddy kundi ang mag-move forward. Si Alonzo ay pumanaw na at natunton na rin ang mga kasamahan nitong nangloob sa bahay namin noon at sa pagpatay nila sa Mama ko. 

"Magsasama ba kayo sa iisang kwarto?" mahinang tanong ni Daddy nang umakyat kami sa second floor. 

Hindi ko alam kung narinig iyon ni Lance dahil nakadungaw ito sa amin, hila-hila ang dalawang maleta naming dalawa. 

Mabilis ko lang na sinulyapan ang lalaki na ngayon ay nililibot ang tingin sa paligid. 

Inilingan ko si Daddy. "Hindi po, Dy."

Tumango tango si Daddy. "Sige, hali kayo. Para maayos na ninyo ang gamit ninyo."

Sumabay si Lance sa akin sa pagsunod ko kay Daddy. 

Tatlong araw lang ang binigay ni Lance sa akin na manatili rito sa bahay. Hindi ko alam kung iyong tatlong araw na lang ba ang huling pagsasama namin ni Daddy dahil wala pa naman siyang sinasabi na mga bawal. Sana naman ay hindi. Sana hayaan pa niya kami na magkita ni Daddy. 

Hindi naman siguro siya gano'n ka-walang puso, 'di ba?

Pero…kung tutuusin ay matindi ang ginawa ni Daddy sa kaniya. 

Nakaramdam ako ng kirot. Ang plano ko na pagsungitan ang lalaki ay parang iaatras ko na yata. Ang hirap niyang baliwalain kung maaalala ko ang mga dinanas niya matapos magawa iyon ni Daddy sa magulang niya. 

"Taon taon ko pinare-renovate ang kwarto mong ito anak, pakiramdam ko kasi ay ang lungkot lungkot," ani Daddy pagkabukas sa pinto.

Tumigil ako sa pinto upang tiningnan ang silid. Hindi ito masikip tingnan, sakto lang. Kaya pang-tatlohan ang kama. Maaliwalas din ang paligid.

"Okay ka lang ba rito, anak?"

Tumango ako kay Daddy. "Okay na okay ako rito, Daddy!" 

"Sige. Ikaw naman, Mr. Valdez, sumunod ka sa'kin. Ituturo ko sa'yo ang guest room na–"

"What?" halo ang pagkairitang wika agad ng lalaki. 

Tumingin siya sa akin, kunot na kunot ang noo. Naghahanap sa akin ng sagot. 

"Ayaw kang kasama ng anak ko sa iisang kwarto," sabi ni Daddy.

Umigting ang bagang ni Lance habang hindi ako nilulubayan ng masamang tingin. 

Iniwasan ko siyang tingnan nang lapitan ko siya para kunin ang maleta ko sa kaniya. 

"Hali ka na. Iwan na muna natin si Axedria na mag-ayos ng mga gamit niya."

"No." Pagmamatigas ni Lance at mas hinigpitan pa ang paghawak sa maleta ko. 

Inangatan ko siya ng tingin. 

"Ayaw nga ng anak ko, alangan magpumilit ako."

"Why?" tanong sa akin ni Lance. 

Nag-iinit ang ulo ko sa lalaki. Wala siyang balak na bitawan ang maleta ko. 

"Lance, parang awa mo na. Hindi ka ba nagsasawang kasama ako? Pagkatapos ng tatlong araw, wala namang araw na hindi tayo magkasama 'di ba?" 

"Still no," pagmamatigas pa rin niya. "Kung nasaan ka, nandon din ako."

Napahilot na lang ako sa sintido at tinigil ang pag-agaw ng maleta mula sa kaniya. Para siyang bata na ayaw mahiwalay sa Nanay!

"Ano, Axedria?" si Daddy. 

Hiding from Valdez (Hiding Series #2)Where stories live. Discover now