Note: Finally! This is the last part of the story. Salamat sa mga nagsubaybay at naghintay talaga. I love you a lot! It's time to say goodbye to our Landria couple. Thank youuu ;))
Epilogue
While looking up at the sky, I couldn't help myself but smile. I don't see anything but her beautiful face. Her beauty is like the sky. The way she giggles while smiling at me. Nai-imagine ko na naman ang babaeng mahal ko sa langit. I don't want to ask for more but to feel her warmth...again. I can't wait to see her beautiful eyes again, her eyes as beautiful as sky.
I closed my eyes as I reminiscing those sweetest times with her. Mga sandaling narito pa siya sa tabi ko...
"Hangga't hindi ka nakakapag-move on kay Niezhel hindi mo masisimulan ang paghihiganti," wika ni Ken sa tabi ko.
Nakatago kami sa likod ng puno, pinanood ang dalagitang pinagagalitan ng ginang habang walang pusong sinasaktan ito.
Nagtagis ang bagang ko. Galit ang nararamdaman ko, pero hindi ko maintindihan ang kakaiba pang nararamdaman habang nakikita kung paano nasasaktan ang babae sa pananakit ng ginang. Dapat ay maging masaya ako dahil kung makikita ito ni Montillano ay siguradong magdudusa siya, ngunit hindi ko maintindihan kung bakit ganito...parang naaawa ako, at mas lalong nagagalit sa pananakit ng ginang.
"Kung dudukutin ko siya, mahihirapan akong kunin ang tiwala niya," sabi ko.
"Kung gano'n? Kailan ka magsisimula?"
Hindi ko na siya sinagot.
Ilang taon ang ginugol ko para pag-aralan kung papaano maging malakas. Sumali ako sa organisasyon kung saan mas mati-train ako. Wala akong ibang karamay sa buhay. Simula nang patayin ng Montillano na 'yon ang mga magulang ko, naging mag-isa na lang ako.
And I will not f*cking forget that! Over my dead body.
Naghihintay ako ng tiyempo na mapasakin ang anak ng Montillano na 'yon noong may isang ginang na nagmakaawa sa'kin na pakasalan ang ampon niyang anak na babae-para makapagbayad ng utang. Hindi ko sana 'yon papatulan, pero nang makilala ko ang babae ay parang nanlumo ako.
Niezhel Aguilar.
Ang babaeng walang araw na hindi nakakatanggap ng bully noong college student pa lang kami. She's quite...naive. She's known as the poorest student in our University. Even my friends says that she's quite pretty, at iyon ang dahilan kaya pinag-iinitan siya ng mga babae.
May mga oras na nagkakalapit kami, pero pansin ko ang pagdidistansya niya sa akin. Hindi siya komportable sa akin, o sabihin na nating sa lahat ng tao.
"Ikaw lang ang lalaking may pakialam sa kaniya. Palagi ko siyang nahuhuli na tinititigan ang larawan mo't minsan pa ay kinakausap niya. Hijo, parang awa mo na? Hindi na rin ako magtatagal kaya ang tanging hiling ko lang ay maiwan ko siya sa mabuting tao."
Puno ng luha ang matanda. Hindi ko alam kung paano...pero napatango na lang ako.
Mabilis ang mga naging pangyayari. Sa loob lamang ng isang linggo ay kinasal kami nang kami lang ang nakakaalam. Silang dalawa ni Niezhel, si Reybien at si Denzel. Ilang araw lang din, matapos makapagbayad ng utang ang matanda ay sumakabilang buhay na rin ito.
I don't know how to comfort Niezhel lalo't hindi kami gano'n ka lapit sa isa't isa. Pero nang tumagal ay naging komportable kami sa isa't isa, pero hindi sa punto na bumuo kami ng pamilya. Unang una, may mga pangarap siyang gustong tuparin. Pangalawa, hindi gano'n kalalim ang nararamdaman namin sa isa't isa. At ang pangatlo ay hindi kami komportable na gawin ang mga bagay na hindi pa namin nagagawa bilang mag-asawa.
YOU ARE READING
Hiding from Valdez (Hiding Series #2)
RomanceHIDING SERIES #2: complete (no portrayer intended.)