Chapter 21

5.4K 113 15
                                    

Chapter 21: Bracelets

"Ma'am, okay lang ba kayo? Parang namumutla kayo," saad ni Tanggol habang nagmamaneho.

Tumango ako. "Pakibilisan, Tanggol…"

Nangunot ang noo ni Tanggol sa pagbabago ng boses ko, pero sinonod niya rin ako.

Bumaba ako agad pagkatigil ng sasakyan. "Hintayin mo na lang ako rito," sabi ko kay Tanggol.

"Po? May pupuntahan pa kayo?"

Hindi ko na sinagot si Tanggol. Napansin ko ang sasakyan na gamit ni Niezhel kaya halos tumakbo na ako papasok.

Malakas ang kabog ng dibdib ko. Alam ko naman na darating ang araw na muling magtatagpo silang dalawa, pero hindi sa ganitong pagkakataon. Hindi ganitong kagulo.

Wala akong nadatnan sa sala kaya umakyat ako ng hagdan. Wala rin akong naabutan sa sala sa pangalawang palapag.

Napahawak ako sa dibdib dahil sa pagsikip nito sa sakit na isiping magkaharap na ang dalawa ngayon. Gano'n pa man, ginamit ko ang natitirang lakas para patatagin ang sarili.

Napalingon ako sa pasilyo nang makarinig ng tila nahulog na bagay. Pinuntahan ko iyon nang hindi gumagawa ng ingay. Habang papalapit sa nakaawang na pinto ng library room ni Lance kung saan ko naririnig ang mga hikbi ni Niezhel…unti-unting nababasag ang puso ko.

"Lance, mahal na mahal kita…a-alam mo 'yon."

Napahigpit ang pagkuyom ng kamay ko sa dibdib matapos marinig iyon. Tinuon ko ang isang kamay sa pintuan upang hindi ako tuluyang manghina sa nakikita ko.

Parang binibiyak ang puso ko habang nakatingin sa mga mata ni Lance na may pagmamahal na nakatingin kay Niezhel.

"Alam kong alam mo na mahal din naman kita, Zhel…"

Tuluyang nabiyak sa maliliit na piraso ang puso ko matapos iyong marinig mula sa mga labi ni Lance.

Napatakip ako ng bibig upang hindi nila marinig ang hikbi ko. Dahan-dahan na rin akong umatras. Siguro tama na ang narinig kong iyon…

Nagmamahalan pa rin sila…

"K-kung gano'n…b-bakit kayo kasal ni Axedria?"

Lumapit si Lance kay Niezhel at marahang hinuli ang mga braso ng babae para magkalapit silang mabuti.

Bago pa tuluyang manlambot ang tuhod ko ay umalis ako sa tapat ng pinto na 'yon. Bago ko pa marinig ang sagot ni Lance na siguradong ikakadurog ng pino ng puso ko…mabibilis ang hakbang na umalis ako sa lugar na iyon habang nakatuon ang nanginginig na kamay sa pader.

Hindi ko na pinansin si Tanggol na sumunod pala. Hindi man siya magsalita, alam kong narinig niya rin ang dalawa at nakita kung pa'no sila magtinginan sa isa't isa.

Sobrang sikip na ng dibdib ko dahil sa labis na pagpipigil na kumawala ang hikbi. Pero nang makababa ako ay saka ko hinayaan na pakawalan ang hikbi, katulad ng malaya kong pagpapakawala sa puso ni Lance.

Ang puso niyang hindi naman sa akin talaga…kundi sa tunay niyang asawa.

Palabas na ako sa mansion nang may humuli sa kamay ko at siya na ang humila sa akin paalis agad sa lugar na iyon.

"Ipagmamaneho ko kayo, ma'am, kahit saan niyo gustong pumunta…"

Inalalayan pa niya akong makapasok sa backseat dahil sa panghihina na ng katawan ko. Napatingin na lang ako sa sasakyan ni Niezhel.

Tila nagising naman ako nang biglang kumikirot ang tiyan ko. Namilipit ako sa sobrang sakit.

"T-tanggol…" namimilit na tawag ko sa lalaki.

Hiding from Valdez (Hiding Series #2)Where stories live. Discover now