Chapter 7

6.1K 114 0
                                    

Chapter 7: Luha

Kinurap-kurap ko ang mabibigat kong talukap. Nasa isa akong hindi pamilyar na kwarto. Ang amoy ay malayo sa mabangong amoy ng kwarto ko sa mansion ni Lance.

Napahilot ako sa sentido nang kumirot ang ulo ko, at tila nahihilo. Habang humihilot-hilot ay pumasok sa isip ko ang mga nangyari. Ibig sabihin ay wala talaga ako sa bahay ni Lance.

Napatingin ako sa pinagmulan ng tunog ng pagbukas ng pinto.

"Gising ka na." Malawak ang ngisi ng lalaking pumasok, ang inakala kong si Lance. "May bisita ka! Na-miss ka rin niya. Ayaw ko na makita ka pa niya, pero baka sa kaniya ay maalala mo na rin ako."

May maliit na ngiti pang sinabi ng lalaki. Nakikita ko ang kaligayahan sa mga mata nito at ang kakaibang emosyon, habang nakatingin sa akin.

Nalipat ang tingin ko sa lalaking sumulpot sa likuran ng lalaking nagsasalita.

Bigla ay may kakaiba akong naramdaman. Habang nakatingin sa lalaki ay tila nasa sitwasyon akong naranasan ko na noon. Pero hindi nawawala sa isipan ko ang maaaring gawin ngayon ni Lance kapag nalaman na naman niyang nawala ako. Baka sumugod na naman siya ng mag-isa at makipagbarilan.

"Sino ba kayo?" Binalingan ko pa ang inakala kong si Lance, pero agad ding binalingan ang lalaking may kakaibang pakiramdam na hinahatid sa akin.

Naroon ang pagkalito, saya, at kaguluhan sa mukha ng pangalawang lalaki. "So you're right. Hindi niya tayo matandaan."

"I told you, Adri."

"Pero kailangan natin itong sabihin kay tito," ani ng tinawag na si Adri.

Mabilis siyang nilingon ng lalaki habang nakaigting ang panga. "Sinabi ko na rin sa'yo na hinding-hindi ko 'yon gagawin."

"Pero kailangan 'yon, Kuya–"

"I don't care!" bulyaw ng lalaki na ikinatalon ko sa gulat. "Umalis ka na lang! And if you tell about this to Tito, ilalayo ko siya... hanggang sa hindi mo na makita pa."

Walang nagawa ang lalaki. Nginitian lang ako nito ng tipid. Malalim itong nagbuntong-hininga bago lumapit palapit sa gawi ko.

"Teka, sino ba kayo?"

"Hindi mo kami maalala kaya hindi ka namin bibiglain," ani ng unang lalaki. "He's Adri, I'm your fiance."

Nanlaki ang mga mata ko. Simpleng ingles iyon kaya hindi ako nahirapang intindihin.

Binalingan siya ni Adri, puno ng pagtututol. Ngunit hindi rin naman ito nakaimik nang taasan ng isang kilay ng lalaki.

"Subukan mong kontrahin ang mga gagawin ko, hindi mo na talaga siya makikita. Alam mong tinutotoo ko ang sinasabi ko, Adri," pagbabanta pa ng lalaki.

Napabaling ako kay Adri na nakatayo sa tabi ko. Mas malalim ang pinakawang buntong-hininga nito kaysa kanina, saka ako binabaan ng tingin.

Ngumiti siya sa akin, at hindi na nilingon ang Kuyahin na lumabas ng kwarto. "I'm happy to see you again, Axe. Matagal kana naming hinahanap." Umupo siya sa tabi ng kama.

Bahagya naman akong lumayo. "Hindi ko kayo kilala. Anong pinagsasabi ninyo? Bakit parang kilala niyo na ako noon pa?"

Gulong-gulo na ako. Nakalimutan ko na si Lance dahil sa mga nangyayari.

"Katulad ng sinabi ni Kuya, ayaw ka naming biglain. Hahayaan namin na unti-unti mo kaming maalala, hanggang sa makilala mo na kami."

"Naguguluhan ako..." pag-amin ko. "Imposibleng mangyari ang sinasabi niyo. Pa'no ko kayo maaalala, eh, wala naman akong amnesia. Hindi ako nagkasakit o na-aksidente."

Hiding from Valdez (Hiding Series #2)Where stories live. Discover now