Chapter 28: Kadiliman
“Hindi niyo man lang ako mailalakad sa altar,” sambit ko.
Hinaplos ko ang mukha ni Daddy at Mommy sa picture naming tatlo na magkakasama. Ito lang ang larawan na meron ako na kasama nila.
“Matagal kong pinangarap ang pagkakataon na ito, My, Dy. Na lalakad ako patungong altar, palapit sa lalaking pakakasalan ko.”
Malungkot akong napangiti. Tinuyo ko ang mata kong nanubig.
“Bagay pa rin po kayo sa'kin na suotan ng pangkasal?” natawa ako sa tinanong na ‘yon.
Binalik ko ang picture frame sa ibabaw ng lamesa. Bumuntong-hininga ako. Lumapit ako sa walk in closet ni Lance para kunin ang isusuot niya.
Bukas na ang recognition ng mga bata. Gustohin ko mang pumunta ay hindi p'wede. Kahapon ay nagawi rito ang doktor ko para kunan ako ng dugo, para sa muli nilang pagtitingin. Dumugo na naman kasi ang ilong ko kahapon, at saktong narito sa bahay si Lance kaya agad siyang nagpatawag ng doktor.
“‘Wag niyo lang kakaligtaan ang pag-inom ng gamot niyo, Misis. At palagi niyong gawin ang mga bilin.”
“How's my wife condition? May pagbabago ba?”
“Mayroon naman, Mr. Valdez. Pero iwasan nating mapagod si misis para hindi nati-trigger ang kondisyon niya. At iwasan po ang stress.”
“May ibang paraan pa ba para mas mapadali ang paggaling niya?”
Nahawakan ko si Lance sa kamay sa tanong niyang ‘yon.
“Hayaan na natin, Lance. Hindi naman natin ‘to madadaan sa agaran,” pagpapakalma ko.
“Kapag hindi na po nararanasan ni misis ang mga sintomas, maaring doon tayo makakuha ng madaling paraan,” sabi ng doktor.
“Salamat, Dok.”
Ilang araw ang lumipas matapos ang nangyaring iyon. Hindi na ulit ako nagno-nose bleed at hindi ko na gaanong nararamdaman ang panghihina. Pero may gabi, na papatulog ako, nararamdaman ko na tila nawawalan ako ng hininga kapag tulog. Tila ba tumitigil ang paghinga ko, at babalik kapag nagigising ako. Kaya ilang gabi rin akong walang maayos na tulog dahil sa pagbabagong nangyayari sa katawan ko.
Pero sana nga…kahit kunti at mabagal, umeepekto na sana ang gamot.
Kahit anong pilit ko na sumama sa mag-aama bukas ay pinipigilan din nila ako.
“Will video call na lang kapag nakarating na kami, okay?”
“Okay…”
Dinala ko ang naka-hanger na white lose long sleeve ni Lance pati ang black slack sa kama. Ihahanda ko lang ang plantsa.
Habang nagpa-plantsa ako ay kumatok ang isang kasambahay. “Ma’am? May bisita po kayo. Naghihintay po sa sala.”
“Sige, Cecil. Salamat.” Kahit wala naman akong inaasahan na bisita.
Tinigil ko ang ginagawa para tingnan kung sino ang tinutukoy ng kasambahay. Imposibleng si Tanggol, eh, lumipat na ‘yon ng bahay kasama ang Kapatid niya.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang bisita sa paglapit ko sa hagdan. Halos takbuhin ko ang distansya namin para makarating sa kaniya agad.
“Mariposa!” tawag ko.
Mula sa paglilibot niya ng tingin ay nabaling siya sa akin. Tumayo siya at sinalubong ako.
Hindi ko napigilan na yakapin siya agad nang makalapit kami sa isa't isa.
YOU ARE READING
Hiding from Valdez (Hiding Series #2)
RomansaHIDING SERIES #2: complete (no portrayer intended.)