Chapter 25

5.4K 107 6
                                    

Chapter 25: Poop

“A-ah…”

“The one you were talking to yesterday, is my secretary,” malamig na sabi ni Lance.

Seryosong seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

“Mama, bakit niyo po pinagbibili ang bahay? Saan na po tayo ngayon titira?” naiiyak na saad ni Alexa.

“It's okay, Alexa, magagawan natin ‘yan ng paraan. Mama needs more money for her treatment,” seryosong sabi ni Celine.

Hindi ko sila magawang awatin sa talim ng tingin nila sa lalaking bagong dating.

Ako, gulong-gulo. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. Ang bahay ba, o ang nararamdaman ng mga anak ko sa nasisilayan nila ngayon.

“Mga anak, doon muna tayo sa tabi ng dagat?” singit ni Tanggol.

Nakatulong ang pag-aya niyang iyon sa akin.

“Sige na, Alexa, Celine. Sumama na muna kayo kay tatay.”

Walang nagawa ang dalawa kundi sumunod. Pagbaling ko sa magbibili ng bahay ay nakasunod na ang tingin nito sa tatlong papuntang tabi ng dagat, umiigting ang bagang habang sumisigaw ang naghahalo halong emosyon sa mga mata niya.

“S-sumunod kayo sa'kin,” sambit ko at naunang tumalikod.

“Lance, ikaw na ang bahala. Mukhang maganda ang tabing dagat, maglalakad lakad lang kami ni Nash,” dinig kong sinabi ni Niezhel.

“Just call me if you need anything.”

Walang pinagbago, malamig pa rin ang boses niya.

Hinarap ko ang lalaki nang nasa pintuan na. “Sir, magsisimula muna po tayo sa loob. Kung may katanungan kayo, sabihin niyo lang.”

Hindi ko siya matingnan sa mga mata. Sobrang sakit…

“Is that true?”

“Y-yes po, hali na kayo para makapagsimula na tayo sa kusina.”

Hindi ko na siya nilingon at nauna ng pumasok. Pero natigil din nang marinig ko ang pagsara ng pinto. Nilingon ko si Lance.

“S-sir, hindi niyo naman po kailangang isara ‘yang pinto.”

“Answer me…”

Tila nagtitimpi na ang boses niya ngayon.

“Sasagutin ko po ang mga katanungan niyo–tungkol lang sa bahay na ito.”

Nakaramdam ako ng takot nang humakbang siya ng mabibilis palapit sa akin. Napaatras ako nang hawakan niya ang pulsuhan ko.

“Is it true? I'm their father? Answer me, Axedria.”

Inagaw ko pabalik ang kamay ko. “Eh, ano ngayon? May pamilya ka na naman, ‘di ba? Nakalimutan mo? Kaya mo nga bibilhin itong bahay na ito para sa kanila, ‘di ba?”

“You're right. I have, and I will buy this house for them.”

“Kung gano'n, simulan na natin.”

I was about to turn my back at him when he stopped me. “I want to know the truth, Axedria.”

“Para saan pa, Lance? Hindi pa ba sapat sa'yo na–,”

“I have the right to know, Axedria.”

“Alam ko. Pero p'wede ba? Ang pag-usapan natin ay ‘yung pinunta mo rito at tayo? Hindi kami ng mga anak ko?”

His jew clenched.

“P'wede ba, Lance? Sinasayang mo lang oras ko. Kung itong bahay ang pinag-uusapan natin ngayon, malapit na sana tayong matapos. Alam mo, mabuti pang umalis kana. Maghahanap na lang ako ng ibang buyer.”

Hiding from Valdez (Hiding Series #2)Where stories live. Discover now