Chapter 9: Sapa
"Lance, hindi ba sabi mo 'yong mga may access lang dito ang makakapunta?"
"Hmm?"
"Eh, pa'no kung gusto akong dalawin ni Mariposa rito? Hindi mo naman ako palalabasin kung sa mall kami magkikita," sabi ko.
"Talagang hindi, lalo kapag hindi ako kasama," aniya.
Hinarap ko siya pagkatapos kong malagay nang maayos ang tinupi na tela sa basket.
"Ibig sabihin hindi na kami magkikita pa?"
"May access siya. Sila ni Ken."
Kumislap kislap ang mata ko sa tuwa. Kung gano'n ay makikita ko pa ang kaibigan.
"Salamat, Lance!" masaya kong wika bago pinagpatuloy ang paglalagay ng mga kakailanganin sa basket.
Pupunta kami ngayon sa batis na tinutukoy niya. Nabanggit niya na iyon 'yong nadaraanan namin sa tulay papunta rito sa mansion. Iyong batis na nagpamangha sa akin nang makita ko, kaya sobra akong na-e-excite na marating iyon.
"Wala ba tayong tauhan na pagiiwanan ng bahay?" may pag-aalala lang tanong ko nang lingunin ang mansion matapos sumakay sa sasakyan.
"If you noticed, I don't have an securities. Iyon ay dahil tingin ko ay mas ligtas ang bahay. I don't want anyone else in my house but us," aniya.
Napatango tango naman ako dahil naiintindihan ko siya. Siguro ay wala siyang tiwala sa ibang tao.
Umandar na ang sasakyan. Dahil kuryoso ako ay hindi ko napigilang magtanong.
"K-kahit ba noong kayo pa ni Niezhel?" But I think sila pa rin naman ng babae, hindi ko lang alam kung nasaan na ang babae.
Wala akong narinig na sagot mula kay Lance. Pinanood ko rin ang reaksyon niya ngunit wala namang nagbago. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa daan.
"Ahm…sorry. Hindi naman sa nanghihimasok ako sa inyo pero…gusto ko lang malaman kung nasaan na siya?"
Napabuntong-hininga ako.
"Alam ko, wala akong karapatan…"
"She's dead," usal niya.
Ako ngayon ang natigilan. Hindi ako makahanap ng salita. Parang bigla akong napipi.
"Sasamahan ko siya mag-shop. We was about to go inside but I received an emergency call from Denzel. Nag-uusap kami nang biglang sumabog ang mall. Hindi ko alam na pumasok siya…so."
Lalo akong hindi na makaimik. Hindi ko alam kung pa'no ang gagawin kong pakikiramay sa kaniya.
Sinisisi niya kaya ang sarili niya sa nangyari? Siguro ay oo. Kahit ako, kung mangyayari iyon sa taong pinakamamahal ko wala akong ibang sisisihin kung hindi ang sarili ko.
"Lance…mahal mo pa rin siya?" Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa pagkawala ng mga salitang iyon sa bibig ko.
Halos sabunutan ko ang buhok nang makita ang pag-igting ng bagang niya at paghigpit ng hawak sa manibela. Bakit ko pa kasi tinanong kung halata naman!
Wala na sana sa kwartong iyon ang mga litrato nila kung hindi na! Pinapahalagahan niya pa rin iyon kaya malamang ay oo…mahal niya pa rin.
I felt something heavy inside me.
"It's been two years," aniya.
Wala na siyang dinugtong kaya natahimik na rin ako. Pero hindi pa rin tumigil sa pag-iisip ang utak ko. Hanggang sa nasabi ang mga katagang nagbigay ng sobrang bigat sa dibdib ko na ikinasikip nito.

YOU ARE READING
Hiding from Valdez (Hiding Series #2)
RomanceHIDING SERIES #2: complete (no portrayer intended.)