Chapter 18

3.7K 62 3
                                    

Chapter 18: Niezhel 

"Are you sure you're okay now? Can you walk properly now?" 

"O-oo na…"

Napaiwas ako ng tingin kay Lance. Parang tuwang-tuwa pa siya na ganito ang kalagayan ko…medyo iika-ikang maglakad. Mabuti nga at hindi na katulad ng isang araw, hindi ako nakalad nang maayos at kahit maupo. Halos hindi kasi tumigil si Lance. Nagugustuhan ko rin naman kaya nagsige lang ako nang nagsige. 

Kaya pangatlong araw na kami ngayon dito sa treehouse. Umaalis lang si Lance para kumuha ng pagkain. Nagkasinat pa nga ako dahil sa gabing iyon…hays!

"Kaya mo nang umakyat baba sa hagdan sa mansion? Malawak ang mansion baka…" 

"K-kaya ko na…promise." 

"Okay. Let's go home then." 

Bumaba ako ng hagdan na nakaalalay si Lance. Kahit ilang beses ko ng sinabi sa kaniya na kaya kong bumaba mag-isa ay inaasar pa rin ako, baka raw nagkukunwari ako e sinagad niya kagabi. 

S'yempre bago kami natulog kagabi, may nangyari muna–na naman. 

"I have important meeting to attend to today. Maiiwan muna kita sa bahay, is it okay with you? I'll be home at 7:00 p.m."

"Walang problema, Lance," sabi ko.

Nilisan namin ang lugar. Naisip ko kaagad kung kailan ulit kami babalik doon.

"Masaya ako sa tuwing sasabihin mo sa akin kung ano ang mga gagawin mo, Lance. 'Wag kang magdadalawang isip na sabihin sa akin kahit ano, ha, kahit iyong mga bagay na nakakasama sa loob mo. Gusto ko maging open ka sa akin, lagi naman kitang iintindihin."

Nilingon niya ako habang nagda-driver. Ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko ay bahagya niyang hinigpitan. 

"Pangako, kahit ano…wala akong itatago sa'yo. I also feel better when I tell these to you, and it's my responsibility, too." 

Sumunod ang tingin ko sa magkasiklop naming kamay nang dalhin niya sa bibig niya. Pinatakan niya ng limang halik ang likod ng palad ko. 

"I love you so much."

Malawak akong napangiti. "Gusto ko rin na maging open ako sa'yo, Lance."

"I will like it. Your legs too, don't hesitate to open them with me." 

Pinamulahan ako ng mukha. Hinatak ko ang kamay mula sa kaniya ngunit hindi niya iyon binitiwan.

"Just kidding…but you will like it though."

"Lance!" Humalakhak siya nang hampasin ko siya. 

Ihahatid pa sana ako ng lalaki hanggang sa loob ng bahay pero sinabi kong gusto ko rin siyang makitang umalis, kaya hindi na siya nagpumilit. 

Kumaway ako sa sasakyan. Limang beses umilaw ilaw iyon, kasabay ng pagbusina niya, bago tuluyang umalis. Pumasok na ako sa loob at dumiretso na agad sa kwarto. Nakaidlip ako. 

"Grabe naman 'tong bahay niyo, boss. Sobrang laki, magkano ginastos niyo rito? Makakapagpagawa rin kaya ako ng kalaking bahay sa ilang taong masusweldo ko sa inyo?"

"What the fuck, Heroace. Didn't I tell you lower your voice?"

"Nagtatanong lang, boss. Mga ilang taon po kaya bago ako makaipon sa sweldo para makapagpatayo nito? Ireregalo ko 'to kay crush."

Nagising ako sa ingay na iyon. 

"And what the fuck are you doing here? Sabi ko sa'yo hintayin mo 'ko sa baba!"

Bumangon ako para tingnan ang dalawang lalaki. Tinutulak ni Lance ang hindi ko kilalang lalaki. 

"Pasensya na, boss! Magandahan lang ako."

Hiding from Valdez (Hiding Series #2)Where stories live. Discover now