Chapter 3

5.9K 134 3
                                    

Chapter 3: Birhen

Nilabanan ko ang kabang nararamdaman.

Yumuko ako at mabibilis na humakbang palapit kay Lance. Pinatili kong nakayuko ang ulo upang hindi masalubong ang tingin nito. 

Inabot ko ang isang pulsuhan niya at mahigpit na hinawakan. Sunod-sunod akong umiling. 

"M-may malaking gagamba sa kwarto ko kanina. Sarado ang kwarto mo. Hindi ko mabuksan kaya.... k-kaya rito ako dumiretso. H-hindi ko sinasadya. Wala akong hinawakan. Wala akong ginalaw. Promise!" Agad ko pang inangat sa kaniya ang tingin. Tinaas ko rin ang kanang palad. 

Pero wala man lang nagbago sa mga tingin ni Lance. Nakagat ko ang ibabang labi at muling napayuko. 

"Hindi na mauulit..." usal ko. Para akong maiiyak. 

Naikuyom ko na lang sa tela ng suot na bistida ang kamay matapos higitin ni Lance ang pulsuhan mula sa pagkakahawak ko. 

"Get out," mariing sabi nito. 

Sa tono ng boses niya ay halatang hindi niya nagustuhan ang naabutan. Agad akong lumabas. Hindi ko alam kung didiretso sa kwarto. Hindi na lang ako umalis sa pagkakatayo sa gitna ng pasilyo. 

"Inalis ko na ang gagamba. Pumasok kana sa kwarto mo," ani Lance matapos maisara ang kwartong pinasukan ko. Ni-lock niya pa iyon. Bago ako hinarap. 

Napaangat ang tingin ko sa kaniya. Sa hawak niyang susi siya nakatingin ngayon. Nakatiim ang bagang. 

"'Yong mga lalaki." Bumangon muli ang pangamba ko nang maalala iyon. 

Teka. Paanong narito siya ngayon sa harap ko na parang walang nangyayari sa labas?

"Pinatay ko na." Walang bahid na pagbibirong sagot niya.

Naiwan akong nakatunganga. Naiwan pa ang pang-lalaking pabango ng lalaki nang tinalikuran ako.

Sa kwarto ako nanatili. Hindi pa man tumatagal ang pagbabalik ala-ala ko sa nangyari nang narinig ko ang pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Bumukas iyon. Bumungad ang nakangiting si Ken.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa kama. Lumapit ako sa lalaki. Siya rin namang paglabas ni Lance sa kwarto nito. Napansin kami nito. Napatingin lang ito kay Ken, saka na umalis. Hindi man lang ako sinulyapan.

"Galit siya sa akin," sabi ko. 

Naging alanganin ang ngiti ni Ken, pero nabawi rin nito agad ang kaninang ngiti sa labi nang magkita kami. 

"Naku. Mukhang may ginawa ka kasing hindi niya nagustuhan," aniya.

Tumango lang ako. 

"Hayaan mo na. Tara sa baba."

Agad akong umiling. Mukhang nabakasan naman ni Ken ang pangamba ko.

Lumapit pa siya lalo sa akin at hinawakan ang dalawa kong siko. "'Wag kang mag-alala. Napatumba na ni Lance ang mga lalaking pangahas na pumasok dito. Kaya tara na. Ang mga nasa baba ay ang kaibigan ni Lance at ang mag-aayos sa mga na-damage." Nginitian pa ako ni Ken na parang nagsasabing magtiwala ako sa kaniya. 

"Gano'n ba?"

Tumango ang lalaki sa akin nang hindi inaalis ang ngiti. "Oo. Promise."

"Pero sandali. Ahm... sino raw 'yong mga lalaki?" 

Unti-unting napawi ang ngiti ni Ken hanggang sa naging alanganin iyon. "Tara na sa baba. Si Lance ang nakakakilala, eh... pina-imbistigahan niya."

Tumango na lang ako at sumunod sa kaniya.

Hiding from Valdez (Hiding Series #2)Where stories live. Discover now