Chapter 5

5.1K 98 9
                                    

Chapter 5: Bisita

Malabo. Maingay na tunog ng halo-halong nagtatawanan at tunog ng pagputok ng baril. Pag-iiyak ng babae sa sakit habang tinatawag ang pangalan ng isang 'di ko makilalang lalaki. Habang ako, walang muwang lang na umiiyak.

Unti-unti kong dinilat ang mga mata. Isang nakakasilaw na paligid ang bumungad sa akin. Sa pananatili siguro sa mahabang kadiliman, kaya ako nasilaw nang ganito sa liwanag. Kinurap-kurap ko ang mata ko, hanggang sa masanay na sa liwanag.

Bumangon ako. Walang ibang nasa paligid. Mag-isa lang ako sa kwarto ko. Sandali... kwarto ko?

"Nasa mansion na ba talaga ako?" mahinang usal ko.

Pilit kong inalala ang nangyari noong nawalan ako ng malay. Pero wala akong maalala. Hindi ko tuloy malaman kung bakit ako narito sa mansion.

Napaangat ang tingin ko sa pinto nang marinig 'yong bumukas. Isang kasambahay ang pumasok. Pagkasara nito sa pinto ay lumapit siya sa kamang kinauupuan ko.

"Gising ka na," aniya. Wala itong bahid ng kahit anong emosyon.

"Sino ka po?" tanong ko. Wala naman akong sagot na natanggap. Tumahimik na lang ako.

"Kainin mo itong niluto kong lugaw para bumalik ang lakas mo. Kailangan mong gumalaw at magtrabaho rin dito. Hindi ka prinsesa sa mansion na ito."

Inismiran pa ako ng kasambahay bago tumalikod at lumabas ng kuwarto. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n ang inasal niya. Ang sungit niyang makatingin, halatang ayaw sa akin. Ang bawat pagpapakawala niya sa mga salita ay matatalim.

Kumalam ang tiyan ko kaya nilapitan ko na ang pagkain na sa sahig binitang ng babae. Kinuha ko ito at nilagay sa bedside table.

"Pwe!" Nailuwa ko iyon agad matapos kumalat sa bibig ko ang lasa, sobrang alat!

Pinunasan ko ang bibig gamit ang kamay. Sunod kong inabot ay ang basong may dalang tubig para uminom. Ngunit nailuwa ko rin 'yon dahil sa sobrang asim naman at maalat din.

Bumukas ang pinto kaya napalingon ako roon agad. Salubong ang kilay at nanlilisik ang mga mata ng kasambahay na nagbigay ng pagkain. Mabibilis itong humakbang palapit sa akin.

"Ano ba?!" pigil nito sa pagsigaw. "Ki-arte arte mo. Nagkakalat ka pa!"

"P-pasensya na, ate-"

"Heh! Akala mo paglulutuan pa kita at pagdadalhan ng pagkain dito?"

Umiling na ako agad. "'Wag na po... A-ako na lang ang magluluto ng pagkain ko."

"Dapat lang-"

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto kaya napatigil agad ang kasambahay. Nabigla ako nang bigla itong lumuhod sa harap ko. Gamit ang tela ng suot niyang pang-kasambahay, ipinunas niya ito sa tubig na nailuwa ko.

"P-pasensya na, M-ma'am... Pagbubutihin ko pa po ang pagluluto, hanggang sa magustuhan niyo po at kainin niyo. 'W-wag na po sanang ma-ulit i-itong p-pagtatapon niyo sa niluto ko..." nanginginig na sabi ng kasambahay nang makapasok si Lance. Bahid pa ang takot at pagkapahiya sa boses nito, tila naiiyak.

Hindi naman ako agad nakapagsalita dahil sa gulat.

"What happened?"

Kunot ang noo ni Lance nang balingan ko.

"H-hindi po nagustuhan ni ma'am ang niluto ko, sir. I-ipaghahanda ko na lang po siya ng bago."

Mabilis na lumabas ng kuwarto ang kasambahay, dala-dala ang pagkain at inumin na dinala niya, matapos malinisan ang sahig.

Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.

Nakatingala lang ako kay Lance habang naglalakad ito palapit sa gawi ko. Nang tumigil siya sa harapan ko ay nagpamulsa siya.

Hiding from Valdez (Hiding Series #2)Where stories live. Discover now