CHAPTER THREE
TWENTY-SEVEN hours later nakarating na rin kami sa port ng Russia. Sobrang lamig ng temperature sa lugar. Mabuti na lamang at may hoody akong baon, kahit iilang piraso'y magagamit na. Yakap-yakap ko ang sarili ko ng bumaba ako ng barko.
Sinuot ko ang face mask at naglakad palayo doon. Mabilis akong yumuko ng sunod-sunod ang mga sasakyan ng pulis. Binilisan ko ang paglalakad ko dahil sa takot.
I saw a taxi kaya naman sumakay ako. Nagtatanong na tumingin sa'kin ang driver.
"Do blizhayshego mesta, gde mozhno poyest'," (To the nearest place to eat.) I said, ngingitian ko sana siya nang pinigil ko na. I almost forgot, some Russian have this thing about smiling.
"Khorosho," he said. Tumango ako.
Sumandal ako sa sandalan at tumingin sa labas ng bintana. Nag-umpisa ng umambon ng mahina.
Ang ganda-ganda ng paligid kahit ganoon ang weather ng lugar.
Mga thirty minutes ay nakarating kami sa isang sikat na restaurant. Naglabas ako ng pera sa wallet ko at nagbayad. I have Russian roubles kaya naibayad ko agad. Bumaba ako at sinarado ang pinto. I'm not gano'n ka-gutom pero kumukulo na ang tiyan ko kaya naman lumakad na ako papunta sa resto.
Pumasok ako sa loob at sinalubong ako ng isang waiter.
"Stol na skol'ko, madam?" (Table for how many, madam?)
"Dlya odnogo." (For one).
Tumango siya, "follow me." Like what he said. I follow him. Nakarating kami sa may mesa sa gitna, pang-dalawahan. Pinaghila niya ako ng upuan at inabutan ng isang menu. Kinuha ko 'yon at sinuri.
Hindi ako gaanong familiar sa pagkaing Russian pero may natitikman naman ako dito sa mga nasa menu.
Nag-angat ako ng tingin sa waiter.
"Na zakusku ya khochu salat Oliv'ye. Sup - borshch. Moye osnovnoye blyudo — shashlyk i chebureki, a garnir — kartofel' fri. YA lyublyu krasnoye vino i shokoladnoye morozhenoye na desert," ani ko. (For my appetizer, I want an Olivier Salad. The soup is Borscht. My main dish is shashlik and cebureki, and a side dish is French fries. I like red wine and chocolate ice cream for dessert.)
Sunod-sunod ang naging pagtango niya habang sinusulat ang mga sinabi ko. Tumalikod ang waiter sa'kin. Nilagay ko sa bakanteng upuan ang bag na yakap-yakap ko. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Walang masyadong tao. Dahil siguro medyo maaga pa.
Unang dumating ang appetizer. It's a Potato salad. Boiled potato, vegetables with meat, mixed with mayonnaise. The serving is not that medyo madami, okay lang for one person. Nasa kalahati pa lang ako nang dumating na ang soup na in-order ko. Nag-thank you ako. Kinain ko rin ito and when the main dish came.
Ang sarap ng lasa, it's so good so much. Yummy. Ang sarap ng pagkain nila. Goods na dito ako dinala ng driver. Hanggang sa dumating ang side dish ko, wine and the dessert. Nabusog ako ng maayos. Kinagat ko ang labi ko. Sarap.
After a few minutes ng pagpabababa ng pagkain ay sinenyasan ko ang waiter na ibigay na sa'kin ang bill. Nagbayad ako't agad ring umalis. Hindi ako puwedeng mag-stay ng matagal dito dahil baka masundan pa nila ako. Hanggang maari ay magpapalipat-lipat ako ng bansa upang mataguan sila.
Sasakay na sana ako ng taxi pero naisipan kong maligo dahil nanlalagkit na ang pakiramdam ko. Naisipan ko ring maglibot-libot muna. This is my chance to explore kaya bakit ko pa papalagpasin?
BINABASA MO ANG
Sanctuary of Love
Romance21st century. People are now free to do what they want and to be what they want. Like Malaya Kallos Vasilios, her name is stating freedom. Freedom from her family's tight grip on her. Kaya ng malaman niyang nais siyang ipakasal sa taong hindi naman...