Chapter Forty-One

7 0 0
                                    

CHAPTER FORTY-ONE

I SIGH as I watched my brothers running away. Ang mga batang 'yon talaga. I shook my head and then look at Kazimir who's looking to my brothers, too. I still can't believe that he already knew them . . . just like that. No big introduction, they just met, because my boyfriend is too caring.

"I thought you don't have any family members, dove," bulong ni Kazi kaya tinambok ng kaba ang dibdib ko.

Eto na ba yung time kung kelan malalaman niya ang totoo? Should I tell him the truth?!

I can't decide. Magagalit siya kapag nalaman niya ang totoo, and there's a chance na masira ang relationship namin. Hindi pwede. Not now that I love him.

Unti-unting naglaho ang pangamba sa dibdib ko ng ngumiti si Kazi. My heart beat becomes steady.

"Well, I can understand, dove. You kept them a secret, why?"

"Ano . . ." What should I say?! "Ahm . . . kasi, medyo malayo ang loob namin sa isa't isa. And before . . . I didn't treat them as my brothers. Ngayon na lang ulit," mahina kong sagot.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya, baka makita niya ang katotohanan sa mga mata ko kapag nagkataon.

Naramdaman kong ipinalupot niya ang braso niya sa bewang ko at hinila ako para sa isang mahigpit na yakap.

"It's okay, dove. It's okay. You don't have to continue."

Mariin kong pinikit ang mga mata ko, gumanti ako ng isang mahigpit na yakap at itinago ang mukha ko sa kaniyang leeg. Nasa ganoong pwesto kami ng makarinig ng kung anong bumagsak.

Mahina kong tinulak si Kazi para lumingon. Nakita ko si Liza na nakatayo sa may pinto ng kwarto niya. Nakapang-alis ang dalaga. Namimilog ang mga matang nakatitig sa 'min. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa 'min. Bumaba ang tingin ko sa lapag kung saan nagkalat ang mga gamit nito.

Napakamot ako sa batok.

Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon niya. Ilang beses kumurap ang dalaga bago ma-realize ang nangyayari. Mabilis na yumuko si Liza para kuhanin ang mga nahulog na gamit. Ibinalik nito iyon sa bag.

Deretso itong tumayo ng matapos. Alanganing tumingin sa 'kin. Tipid akong tumango at sinenyasan siyang lumapit na agad naman niyang sinunod.

Ngumiti ako ng nasa harapan ko na siya.

"Liza, buti nalabas ka. Ipapakilala ko sa 'yo ang boyfriend ko," masiya kong sabi saka pinag-krus ang braso namin ni Liza.

"Siya si Kazimir. Kazi, siya si Liza, yung kaybigan kong nagpapatuloy sa 'kin dito." Inilahad ni Kazi ang kamay niya sa harapan ni Liza. Lumingon siya sa 'kin. Nagtatanong kung anong gagawin ko. Tumango ako, kaya naman tinanggap iyon ni Liza.

"Nice to meet you, Liza! Buti nakita na kita in person," ani Kazi.

"Ah . . . haha, oo nga." Pangiwi akong nilingon ni Liza. "Accla, 'di mo naman sinabing pupunta dito yung jowa mo!" mahina ngunit mapang-akusang aniya.

Pasimple ko siyang nginitian, "'di ko rin alam na pupunta siya. Nagulat na lang ako."

Lumapit ako kay Kazi at yumakap sa bewang niya. Si Liza naman ay ngumiti ng maliit.

"Mabuti na dalaw ka. Pasensya ka na kung medyo makalat, ha." Inilibot ni Liza ang tingin niya sa paligid bago kumunot ang noo. Nagtatanong siyang tumingin sa 'kin.

Sanctuary of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon