CHAPTER THIRTY-THREE
"AHM . . . he is my boss," and boyfriend. I wanted to add that but in my situation right now? I can't.
Pinatay ko ang tawag at inilagay sa bag ang phone. Mamaya na lang ako magpapaliwanag kay Kazi kapag nasa jeep o office. Maiintindihan niya naman siguro.
He looks at me critically, "sure? Just . . . boss?" Madiin pa ang pagkakabanggit nito sa 'boss'.
"O-oo!" Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko at tiningnan siyang mabuti. Tinuro ko ang bakanteng mga upuan. "Doon ka na nga umupo at aalis na ako. Call Bayani or Makisig, ha," pag-iiba ko ng topic.
I hope gumana dahil ayokong mag-interview ng magaling na 'to. Baka sabihin pa niya sa kanila na may boyfriend na ko eh, di mas lalo akong malalagot dahil mayroon na silang gustong ipakasal sa 'kin.
"Fine. But I will visit you again—"
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Masama ko siyang tiningnan.
"You will never visit me again, Dakila! You will not! Kalimutan mo na ko," madiin kong sabi bago walang sabi-sabing tumalikod. Malalaki ang hakbang na naglakad ako papunta sa exit ng hospital. I'm thankful na hindi sumunod si Dakila sa 'kin ng lingunin ko ang likod.
Mabuti na rin ang ganito.
Malayo-layo na rin ako sa hospital ng kuhanin ko ang telepono ko. Sobrang taas pa naman ng sikat ng araw ngayon at nakakasunog sa balat kaya sumilong muna ako sa isang lilim habang naghihintay ng masasakyang jeep.
Twenty pesos lang naman ang pamasahe hanggang sa VGC, baka meron pa ko ditong barya-barya na mahahanap.
Nanginginig ang daliri ko ng i-open ko ang messages ni Kazi. Hindi ko na inumpisahan sa itaas, baka abutin ako ng gabi dito sa haba.
From: Kazi 💙
Where the hell are you?!
MALAYA!
I'm already mad! Where the fuck are you?! Kagabi pa kita hindi ma-contact!
Call me ASAP!
MALAYA! WHY THE HELL ARE YOU NOT ANSWERING?! GO THE FUCK HERE NOW! I'M ACTUALLY WORRIED, FUCK!
After that message at wala ng sumunod.
Mukhang nagalit ko talaga si Kazi. Sa dami naman kasi na nangyari kagabi nakalimutan ko ng i-message siya na naka-uwi ako ng maayos at magpaalam na male-late ako ngayon.
I tapped my feet in the ground.
May babalikan pa ba akong trabaho?!
Nang may makitang jeep ay sumakay na ko agad. Sana wala sa office niya ngayon si Kazi. At kung minamalas-malas pa man din ako, naipit pa ang sinasakyan kong jeep sa traffic.
To: Kazi 💙
I'm on my way! I will explain later. Sorry!
*******
NAGMAMADALI akong pumasok sa loob ng company pagkarating ko. Gulat pa nga ang ibang impleyadong nakakita sa 'kin. I was running to the elevator like my life depends on it.
"HOLD IT!!"
Napahampas ako sa pader ng hindi ko maabutan ang elevator. Tiningnan ko ang screen sa taas at ganoon na lang ang inis ko ng makitang sa tenth floor pa ito. I tried to go sa isa pang elevator but it's in twelve floor.
BINABASA MO ANG
Sanctuary of Love
Romance21st century. People are now free to do what they want and to be what they want. Like Malaya Kallos Vasilios, her name is stating freedom. Freedom from her family's tight grip on her. Kaya ng malaman niyang nais siyang ipakasal sa taong hindi naman...