CHAPTER FIFTEEN
ISANG linggo ang matuling lumipas simula ng maligaw-ligaw ako pagpasok sa office. Hindi na naulit ang bagay na 'yon dahil nga may phone na ako. Madalas tinatanong ni Mr. Vasiliev sa 'kin kung nasaan na ko para ma-check niya.
Pinatunog ko ang leeg ko habang nakatingin sa screen ng laptop ko. Saturday today at walang pasok sa office, pero may inuwi akong trabaho para pagpasok sa lunes walang masyadong gagawin.
Inabot ko ang tasa ko ng kape at uminom doon pagkatapos ay nag-type na ako ulit. Ginagawa ko ang presentation ni Sir para sa Tuesday. Actually, wala naman ng masyadong gagawin dito. Nire-recheck ko na lang kung tama ba yung data na nandito at sa hawak ko.
"Wow, busy-ng busy ka naman diyan, bossing!"
Mahina kong tinawanan ang sinabi ni Liza. "Kaylangang tapusin para hindi busy sa Monday," sagot ko saka ni-save ang gawa at lumingon dito. "Ang aga mong gumising," puna ko.
Ten am pa lang kasi ng umaga. Hindi pa ako nakakapag-saing. Umupo ito sa katabi kong upuan, nag-angat ng isang mug at nag-umpisang magtimpla ng kape niya. Humigab pa ito.
"Sabado kasi ngayon. Kaylangan nating maglaba ng damit kung gusto mo lang namang may masuot sa lunes," aniya.
Namilog ang mga mata ko. "Oh, today pala 'yon?" Tumingin ako sa basket na nasa tabi ng pintuan ni Liza. "Kaya nakalabas yung basket mo?"
"Oo. Natulog lang ako sandali para hindi pagod kapag naglaba. Yung damit mo ilabas mo na rin kasi lalabhan natin 'yan," utos nito saka kumagat sa monay.
Tumango ako. Binigyan ko ng huling tingin ang bawat slides sa powerpoint bago ni-send kay Mr. Vasiliev, aaralin niya kasi yung report.
"Sige. Kukuhanin ko lang yung damit ko tapos lalabas na rin ako," ani ko habang pinapatay ang laptop.
"Okay."
I stand up and bring my laptop with me in my room. I put it in the middle of the bed before taking my dirty clothes. Lahat ng madumi ay nilagay ko sa basket bago lumabas ng kwarto. Wala na si Liza sa kusina. Sa tingin ko'y nasa harapan na siya dahil nakalapag na ang mahabang hose papuntang labas.
Sinilip ko kung anong ginagawa ni Liza sa labas. Ibinaba ko ang basket sa tabi at lumabas. Pinupuno niya ng tubig ang dalawang malaking tub. I can't remember what it is called pero doon naglalaba si Liza.
"So, anong gagawin ko?" tanong ko, nakakahiya naman kasing wala akong maitulong man lang sa kanya. Marahan itong lumingon sa 'kin saka tinuro ang tindahan.
"Bumili ka muna ng tide tapos zonrox. Pagkatapos ilagay mo dito yung isang pack ng tide." Tiningnan ko ang tinuturo nito. Tumango ako.
"Okay." Pumasok ako sa loob ng bahay para kumuha ng pera. I took two hundred pesos pambili. Habang naglalakad papunta sa tindahan, I can feel the gaze of people. I wonder why? Palagi naman nila akong nakikitang pumapasok and umuuwi pero why sila nakatitig sa 'kin?
Matipid akong ngumiti sa mga babaeng nakatayo sa tabi ng tindahan nang makarating ako do'n. Hindi ko pa sila maintindihan dahil masama ang tingin nila sa 'kin habang nagbubulungan. Inalis ko ang tingin sa kanila at sumilip sa tindahan. Nakatingin sa 'kin ang matandang tindera.
"Pabili po ako ng six na tide tapos po zonrox," pag-uulit ko sa sinabi kanina ni Liza.
Nakapamewang itong tumingin sa 'kin. "Aba, aba. Sino ka naman, ha?! Bago kang recruit ni Liza? Aba, baka uutang ka lang, ha!" galit niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Sanctuary of Love
Romance21st century. People are now free to do what they want and to be what they want. Like Malaya Kallos Vasilios, her name is stating freedom. Freedom from her family's tight grip on her. Kaya ng malaman niyang nais siyang ipakasal sa taong hindi naman...