Another updateeeeeeeee!
I hope you enjoy the last update, guys! Thank you sa pag-vote and pag-comment! Ily all!!!
------------CHAPTER TWENTY-TWO
IT'S been a long and tiring week for me. Para hindi masaydong maramdaman ang pagkawala ni Kazimir ay itinutok ko lahat ng atensyon ko sa ibang bagay. For example, fixing everything in the office so he can work it on when he comes back with ease. I do grocery and pay our bills and sometimes I finish my work in one sitting so when I come home matutulog na lang ako.
But I still missed him to the point I went to his penthouse to feel his presence. Si OA. Akala mo naman namatay, but I can't stop.
Hindi rin kasi niya sinasagot ang messages at tawag ko. Siguro sobrang busy niya pero . . . hindi ba niya kayang tumingin sa phone o email niya para i-message ako at sabihing okay lang siya at hindi ako nag-aalala ng ganito.
Sa kusina ako nagtuloy para kumuha ng malamig na tubig. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid nang walang marinig na kahit ano. Napakalungkot pala ng unit ng binata. Eh, 'di ganito pala ang naririnig niya sa tuwing nasa bahay lang siya? Nakakabinging katahimikan at ang gloomy. Depressing.
Pagkatapos kong uminom ng tubig ay nagpunta ako ng sala para manuod ng TV. Magpapalipas lang ako ng oras pagkatapos ay uuwi na rin ako.
Sa telebisyon nakatuon ang atensyon ko. Kasabay no'n ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko. Humiga ako sa mahabang sofa at kumuha ng unan. Inilagay ko 'yon sa ilalim ng ulo ko at nanuod ulit. Ilang beses na rin akong humikab habang nakatingin sa malaking screen.
Unti-unting dinala sa alapaap.
"Hmmm . . ." Dumilat ako ng maramdamang may mainit na dumadampi sa pisnge ko.
At first hindi pa nakakapag-adjust ang mata ko kaya kumurap muna ako, then, I opened my eyes again. Kamuntikan na akong tumalon sa gulat ng mapansing hindi pamilyar ang lugar kung nasaan ako but I smell a familiar cologne.
Dumako ang mata ko sa lalaking naka-upo sa gilid ng sofa. Matamis siyang ngumiti sa 'kin. Nanlaki ang mga mata ko't mabilis bumangon.
"W-wait . . . are you really here?!" hindi makapaniwalang tanong ko. I was about to touch his cheeks when he hold my hand. Nagulat ako sa ginawa niya pero pinalis ko 'yon sa isip ko. Hinawakan ko na lang ang kamay niya ng mahigpit. "Oh, my! You are really here!"
Hinaplos niya ang pisnge ko.
"Did you miss me?"
I hugged him na lang para sagutin siya. Nandito na talaga siya. I can feel his hot body against mine.
"I miss you, too, dove. What are you doing here?"
"I-I . . . miss you that's why," nahihiyang sagot ko. Lumayo ako sa kanya. "Hindi mo sinabing uuwi ka na. Dapat nasundo kita sa airport."
"Hindi na surprise kung sinabi ko, dove. Besides, I'm safe na naka-uwi so that's okay, lalo na at alam kong nagpapahinga ka."
Tinitigan ko lang siya. One week lang siyang nawala pero parang ilang buwan na 'yon. Medyo nangingitim ang ilalim ng mga mata niya. Hindi ba siya napapagkatulog sa pinuntahan niya?
"Why are you looking at me?" he asked, inipit niya sa likuran ng tenga ko ang ilang hilba ng buhok na tumatabing sa mukha ko.
Umiling ako. "Nothing. I just can't believe that you are really here," mahina kong ani. Napalitan ng inis ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Sanctuary of Love
Romance21st century. People are now free to do what they want and to be what they want. Like Malaya Kallos Vasilios, her name is stating freedom. Freedom from her family's tight grip on her. Kaya ng malaman niyang nais siyang ipakasal sa taong hindi naman...