Chapter Seven

22 2 0
                                    


CHAPTER SEVEN

PUMASOK kami sa isang Korean restaurant ni Liza. Nakasunod ako sa kanya ng umupo kami sa bakanteng lamesa. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. There's a lot of grill and tables. Siguro nasa anim ang table dito na may kanya-kanyang smoke extractor sa itaas.

Maganda ang interior ng lugar. Feels like you're really in Korea. I went there before with my family but we're not able to tour because Father has a lot of meetings that day. Me and my brother just stay on our suite and wait for them.

May nakadikit na mga signs sa pader, yung iba nagpapakita ng prices ng pork and yung iba naman ay safety guides kung sakaling lumakas ang apoy. I like it here. Mabango rin ang aroma. I can smell barbeque and other spices. Hinanap ng mata ko si Liza, she went to the counter to buy our food. Libre na raw niya.

Nakakahiya na nga na puro niya libre, but I promise na babawi ko sa lahat ng kabutihang ginawa niya para sa 'kin.

"Unli rito. Unli sawa tayo!!!!" nakangiting anito ng makabalik.

Maliit akong ngumiti sa kanya. "Salamat. Unang beses kong makakatikim nito," pagpapahayag ko.

"Edi ngayon sulitin mo na kasi matagal na ulit bago tayo makakain sa ganito. Hihintayin na natin ang sweldo nating pareho," nakangising anito.

Tumango ako sa kanya. May nakita akong binuksan nitong drawer sa gilid, meron doong disposable chopstick, she take four and give me two pair. I frowned.

"Why two?"

"Kasi baka mabali, kaya extra. Yaan mo na."

"Ahh." Tiningnan ko ang kahoy na chopstick bago inalis 'yon sa lalagyan saka pinatong sa gilid. We waited for almost fifteen minutes before her order came. Ngumiti kami at nagpasalamat sa waiter bago binuksan yung grill. Dahil wala naman akong alam sa ganito, hinayaan ko ng si Liza ang gumawa at nanuod na lang ako sa kanya.

Nang ma-ready na lahat, nilagay nito lahat ng mean sa grill at nagpakuha pa ulit ng isang order.

"Ganito kumain niyan. Syempre, wi hab tu cook the pork first and then grill-grill it and then kuha mo this." Kinuha nito ang lettuce at gamit ang chopstick, she took a cooked pork and dip it in a cheese. After that she put the pork inside the lettuce and then eat it. "Gano'n!"

"Okay." Ginaya ko ang ginawa nito. I took a piece of pork, dip it in a cheese and place it in the lettuce before eating. I nod. "Hmm!!" I savour the taste of pork and the cheese in my mouth. Napapikit pa ako at hindi napigilang mapasayaw ng bahagya. Nakangiti akong tumingin kay Liza.

"It's yummy!"

"Knows ko! Try mo 'yung side dishes, lalo na yung kimchi, goods yarn!" anito. And Like an obedient kid. Sinunod ko siya.

And just like that I didn't notice that we're been here for almost two hours. The food is great, I like it. Salitan kami sa pagluluto ni Liza para both kami makakain. She paid our food, then nag-ice cream pa kami habang naglalakad pauwi.

"Curious talaga ako sa 'yo, Malaya. Kasi hindi ka talaga mukhang mahirap. Tumakas ka sa inyo hano?" tanong ni Liza.

Tiningnan ko siya saka nagbuntonghininga. Maybe I should trust her about my identity. Natulungan na nga niya ako, eh.

"Oo," tipid kong sagot saka dinilaan ang ice cream dahil palusaw na 'to sa cone. "My family wants to control my life kaya tinakasan ko sila. I came here para hindi nila ako makita." Sumakit ang dibdib ko ng maalala ang panahong nakakulong ako sa mansion.

Sanctuary of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon