Chapter Twenty-Three

32 1 0
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

"OH, bakit namumula ka?"

Napalingon ako ng magsalita si Liza sa gilid ko. Ilang beses akong kumurap bago tumingin sa paligid at napagtantong kanina pa pala ako nasa bahay. Umiling ako bilang tugon at inubos na ang kape sa baso ko.

Napanukso akong nginitian ni Liza.

"Uyyy, ano 'yan, ha? Hindi wala 'yan. Pakipasa naman ang tea!" aniya pa.

Mahina akong tumawa. "Walang tea, Liza. Mainit lang kasi," dahilan ko.

"Wag ka na mag-deny, anteh! Umuwi na siguro si Kazimir, noh? Noong isang linggo kasi para kang patay tapos ngayon blooming ka na ulit. Ano, dzai? Nadiligan?" pilya niyang tanong.

Mas lalong nag-init ang pisnge ko ng sabihin niya ang 'nadiligan', paano, naalala ko na naman ang huling sinabi ni Kazimir sa elevator. You have no idea on how much I want to eat you. Nakakaloka! Eat!

Just imaging his head between my thighs kinikilabutan na agad ako. Not sure if sa takot.

"Basta safety sex ha. Always use condom o kapag gusto bare, mag-piils! Huwag ng dumagdag sa populasyon sa Pilipinas tapos ipapaalaga lang sa mga magulang!" paalala ni Liza na ikinatawa ko.

Nakakaloka talaga ang babeng 'to. Kung ano-ano na lang ang tinuturo sa 'kin. Well, what she said is true naman kasi. Always safety when it comes to sex so there will be no unexpected and unwanted babies lalo na sa panahon ngayon, sobrang mahal ng bilihin and sa nangyayari sa climate natin ay hindi applicable na gumawa ng baby kasi sila lang din ang mahihirapan. Unless may kaya ka.

"Hmp. Nako. Tigilan mo ko, Liza. Why not mag-ayos ka? Kumain tayo ng sam-g!" aya ko.

Nagningning ang mga mata ni Liza ng banggitin ko ang sam-g. Day off namin ngayon ni Liza kaya pareho kaming nasa bahay. Wala naman kaming masyadong gagawin kaya pwede kaming gumala.

Pumasok ako sa kwarto ko para makapagbihis na rin. Nasa gilid ng aparador ko ang mga damit na pinamili namin kahapon. Hindi ko pa naayos dahil plakda ako pagka-uwi ko. De bale, mamaya na lang pag-uwi namin.

******

"HMMM!" She's humming along the song playing inside the store. I confusedly look at her kasi para siyang broken hearted kung umarte.

Pinakinggan kong mabuti ang boses, I think it's Taylor Swift. If my memory serves me right, her new album will be released. TTPD if I'm not wrong. Ilang araw na kasing hinihintay ni Liza ang paglabas no'n. And the songs are really heart breaking. Heartbroken siguro ang singer kaya ganoon.

"Gusto mong tissue?" mapang-asar na tanong ko kay Liza na ikinatigil niya.

Sunod-sunod itong tumango sabay dakma sa tapat ng dibdib nito. Umarteng umiiyak at pinahaba ang nguso.

"Yes, please! Huhuhu! Ang shaket-shaket kasi, beh! Grabe yung emotions, yung voice niya and yung lyrics! I mean, yung so long, London, ang saket saket!!—"

Bago pa nito matapos ang sasabihin ay sinubuan ko siya ng isang baby potato na kanyang kinatigil. Nanlaki ang mga mata nitong nakatingin sa 'kin. Naka-awang pa rin ang labi nito kaya naman ginawan ko na siya ng pabor. Tinaas ko ang kamay ko't sinarado ang bibig niya.

Tumawa ako nang sinimangutan niya ako sabay nguya.

"Alam mo ang sama ng ugali mo!" inis niyang ani pero tinawanan ko lang.

Sanctuary of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon