Chapter Eight

15 2 0
                                    


CHAPTER EIGHT

PEOPLE are keep staring at me, and it's making me nervous. Mas lalo kong iniyuko ang ulo ko. What if makilala nila ako and sabihin nila sa family ko kung nasaan ako? What if ibalik nila ako sa kanila?! No. It can't be! I'm just starting my life!

Pasimple kong tiningnan ang paligid, lahat sila ay nakatingin sa 'kin pero agad ding nag-iiwas ng tingin kapag napapansin ko. Wala naman siguro akong dumi sa mukha.

"Hoy! Di ka man lang nagsabing bababa ka na. Pinuntahan pa kita sa table mo sa taas!"

Mabilis hinanap ng mga mata ko ang galit na boses at napamaang ng makita si Jane 'yon. Salubong ang kilay niya habang nakatingin sa 'kin. Ilang beses akong kumurap.

"A-ano?"

Inirapan niya ako. "Huwag mo kong anuhan diyan! Nagpunta ako sa top floor kasi akala ko nandoon ka nandito ka na pala at kumakain!" Padabog itong umupo sa harapan ko at saka inilabas ang mga pagkain niya.

"I-I'm sorry . . . I didn't k-know—"

"Wala na! Nalipasan na ko ng gutom. Sabi sa'yo na tawagan ako, tsk!"

"Sorry again." Nahihiya akong nagbababa ng tingin. Hindi ko siya gustong paghintayin. Ayoko lang na umasa. "I will not do it again—"

"Talaga! Kasi simula bukas kakain ka ng mag-isa dahil nagmamarunong ka!" asik pa nito.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Bigla akong nawalan ng gana sa pagkain. Naging mabigat ang pakiramdam ko. Hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari sa unang araw ko. I thought I will have someone na makakasundo but hindi pala.

Hirap na hirap akong lunukin ang chicken fillet. Parang may nakabara kasi sa lalamunan ko.

"Natapos mo na ba yung mga pinapagawa ko sa 'yo?" mataray niyang tanong.

Dahan-dahan akong tumango. Kinuha ko ang tissue at nagpunas ng bibig. "Most of it. Pero may naiwan pa sa taas. Siguro I'm going to finish it today."

"Good. Kasi bukas darating si Alexis," anito habang sumusubo ng sariling pagkain. Bumaba ang tingin ko sa dala niya. Lunchbox. Napangiti ako. I remember Mama . . .

Umiling ako at tiningnan sa mukha si Jane. "Who is Alexis?"

"Sir Vasiliev's secretary."

Namilog ang mata ko. "He has a secretary and he hires me?! Anong mangyayari kay Alexis?"

Binigyan niya ako ng malamig na tingin. "Don't be so dumb and act like surprise. Malamang aalis na 'yong luma kaya ngayon may bago! Saka sandali lang siya, itre-train ka lang niya then aalis na siya."

"Okay . . ." Bumaba ang tingin ko sa plato ko.

******

"ANG galing mo, Malaya! Hindi ko akalaing mabilis mong makukuha 'yan!" puro ni Alexis sa 'kin.

Nakangiti akong tumingin sa kanya, "hindi naman . . . magaling ka lang magturo."

Mahina niya akong tinulak. "Uy, pa-humble siya, oh!"

"Hindi naman." Tinuturuan niya kasi ako kung paano mag-ayos ng excel para makita kung tama ba yung pinasa ng ibang department, tapos kung paano rin iayos ang calendar ni Sir Vasiliev upang mag-set ng date sa tuwing may meetings ito.

Sanctuary of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon