CHAPTER THIRTY-ONE
PLEASE sana panaginip na lang 'to! Piping dalangin ko. Natatakot akong humarap at makita siya. Hindi pa ako handa.
Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko. No. No. No. Hindi pwede!! Pinagpapawisan ako ng malamig at nananakit na ang dibdib ko sa lakas ng kabog niyon.
"Adelfí!"
Napapikit ako ng mariin. If I turn around, they will find me. Ibabalik nila ako sa Greece at mawawalan na naman ako ng kalayaan. I will not let that happen! Mabilis akong nagbayad sa counter at tumakbo palabas ng pharmacy.
"Skatá! Adelfí!! Fuck! Wait for me!!" I heard him shout pero mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko.
Kinagat ko ang labi ko. Shit naman, Dakila!!
"Wait!! Sister!!! Adelfí!!" I can sense that he is already breathless dahil malayo-layo na rin kami.
Nang makakita ako ng kumpol ng mga tao ay sumiksik ako sa kanila para mailigaw ang kapatid ko. Papatawid ng kalasada ang mga sinamahan ko kaya naman nakatawid na rin ako. Lumingon ako sa likod para tingnan kung naroroon ba si Dakila, and I saw him looking around na parang nawawalang bata.
"Fuck! Malaya!! Adelfí!!"
Hinahanap ako.
Parang may kung anong dumagan sa dibdib ko habang nakatingin dito. He looks wasted na. Basang-basa ng pawis ang lalaki at magulo ang damit. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I can't be soft right now! Pinilit kong ialis ang mata sa kanya. Ligtas naman kaming nakatawid kaya naghanap ako ng pader na pwedeng pagtaguan.
Damn, Malaya! Pwede kang mahuli nito! sigaw ng isang bahagi ng utak ko nang magtago ako.
I know. But I cannot let him go around here. Sure namang hindi sanay sa ganitong lugar ang kapatid ko. Baka may masamang mangyari sa kanya. Titingnan ko lang siya hanggang sa umalis siya, masigurado ko lang na ligtas siya.
Parang sinasaksak ang dibdib ko habang pinapanood itong maghanap sa 'kin. Napigil ko ang hininga ko nang tumingin ng deretso ang kapatid ko sa side kung nasaan ako. Mas lalo lamang akong sumiksik sa gilid.
"Don't . . ."
Akala ko'y nakita na niya ako pero mukhang hindi naman dahil nagtitingin pa rin ito. Nagulat ako nang mag-umpisa itong tumawid kahit na naka-green na ang light sa street light.
He walked like a king!
Umalingawngaw ang malakas na busina at galit na boses ng mga taong nasa kalsada at kotse dahil sa pinaggagawa ni Dakila. He's walking papunta sa kabilang side.
Napatili ako nang kamuntikan na itong masagasaan ng isang truck! Nanlaki ang mga mata ko ng mag-umpisang magkumpulan ang mga tao sa paligid nito.
Nanghina ako.
B-baka may nangyari sa kanya!
Dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko at lumapit sa kumpol ng mga tao. Namamawis ang mga kamay ko't nanghihina ang mga tuhod ko. Kinagat ko ang labi ko nang makita kong naka-upo sa kalsada ang kapatid ko habang katabi ang driver ng truck.
"Hoy! Ayos ka lang ba?! Tangina naman! Kung hindi ka ba naman kasi tanga bakit ka tumawid!" galit na ani ng Driver.
Namumula ang mga mata ni Dakila-ng tumingila sa driver.
BINABASA MO ANG
Sanctuary of Love
Romance21st century. People are now free to do what they want and to be what they want. Like Malaya Kallos Vasilios, her name is stating freedom. Freedom from her family's tight grip on her. Kaya ng malaman niyang nais siyang ipakasal sa taong hindi naman...