Sorry late update, guy! I was really busy last week kasi sa school kaya hindi na ako nakapag-sulat!
Enjoyyy!
-----------
CHAPTER SEVENTEEN
MAINGAT na dinadampian ng cream ni Mr. Vasiliev ang kamay ko. Ilang beses na rin akong napalunok dahil sa pagdami ng kamay niya sa 'kin. His hands are so big, so are his fingers. While watching him do that something in my chest is waking up. Ayokong pangalanan ang pakiramdam na 'yon.
Matalos ang ilong ni Sir, parang ang sarap kagatin, biro lang. Pati labi nito mapula. Ano kayang ginagamit niya? I can use it.
Kung hindi ko lang alam na may girlfriend si Sir, iisipin kong may gusto siya sa 'kin. He is looking at my bruise like an enemy in my skin but in gentle way! Napa-iling ako. Kung concern lang kasi siya, pwede naman niyang ibigay sa 'kin ang gamot kesa siya ang maglagay no'n. Sinong amo kasi ang gagamot ng sugat ng secretary niya.
"There, done."
Napabalik ako sa reyalidad dahil sa boses nito. Ilang beses akong kumurap at tumingin sa kamay ko. Puro na ito cream.
"Here. Take this. Pahiran mo lang sa tuwing sumasakit," aniya sabay abot ng gamot sa 'kin.
Nakangiti ko 'tong tinanggap. "Salamat po, Sir." Tumayo ako sa harap niya. "May iba pa po ba kayong ipag-uutos?"
"Be ready. Aalis tayo to meet a client. Set an appointment in a Japanese restaurant," bilin nito.
Tumango ako at lumabas na ng office. Pagdating ko sa office ko'y tumawag agad ako sa restaurant para magpa-reserve ng isang VIP room, tapos nag-ayos ako sandali at bumalik dala-dala ang tablet palabas.
Sa elevator na kami nagkita ni Sir. Pumuwesto ako sa likod nito at kasunod niyang pumasok sa lift. I push the down button and then look at him.
"Sir, I already called a Japanese Resto, I booked a VIP room for our meeting today."
"Good," tipid nitong sagot.
Tumango ako. Nang makababa kami sa first floor ay bumati lahat ng empleyado pagdaan namin. Sa labas ay naroroon ang kotse ni Mr. Vasiliev, he went to the backseat while I sat in the front seat. Wala naman akong narinig na violent reaction kaya okay lang.
Sinabi ko ang direction kay Kuyang driver nang makasakay ako. Tahimik lang kaming nag-drive hanggang makarating kami sa resto. Nauna akong bumaba at akmang pagbubuksan si Mr. Vasiliev ng mauna itong magbukas.
Masama ang tingin niya sa 'kin dahil sa balak kong gawin na kina-nguso ko naman. Shit?
"Reservation for Mr. Vasiliev," ani ko sa host. May tiningnan itong record book bago sinensyas na sumunod kami sa kanya. Naunang sumunod si Mr. Vasiliev na nakabusangot.
Kumunot ang noo ko. Pinaglihi ba sa sama ng loob si Sir? Palagi na lang siyang nakasimangot.
Umiling akong saka sumunod sa kanila. Nasa loob na ng VIP room ang ka-meeting ni Mr. Vasiliev. Tumayo ito at lumapit sa 'min. Tumigil siya sa harap ni Mr. Vasiliev at nakipag-shake hands hanggang sa umangat ang tingin niya sa 'kin. Ngumiti ako.
"Anata ga utsukushī josei o tsuretekuru to wa shirimasendeshita, kajimīru."
Hindi ko naiwasang pamulahan ng pisnge ng marinig ang sinabi nito. He thinks that I'm pretty? Well, he is nice naman din. Singkit ang dark-brown nitong mga mata, tapos ang cute pa niyang mag-smile. He has thin lips and pointy nose.
BINABASA MO ANG
Sanctuary of Love
Storie d'amore21st century. People are now free to do what they want and to be what they want. Like Malaya Kallos Vasilios, her name is stating freedom. Freedom from her family's tight grip on her. Kaya ng malaman niyang nais siyang ipakasal sa taong hindi naman...