Chapter Sixteen

19 1 1
                                    

CHAPTER SIXTEEN

"H-HUH?"

He growled in another line. "I don't want to repeat myself, dove."

I gasped. He calls me Dove?! Lahat yata ng energy bumalik sa katawan ko dahil do'n. Tumayo ako.

Nakakaloka naman si Sir. Bakit niya ako tinawag na dove? Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I should not assume things. Baka . . . ganyan lang talaga siya sa mga e-empleyado niya.

He cough kaya napabalik ako sa reyalidad. Kinagat ko ang kuko ko.

"I-I do my l-laundry, Sir . . . kaya hindi ko nagawang s-sagutin yung tawag mo," kinakabahan kong sagot. Inisip ko kung may nagawa ba akong mali, hindi ba tama yung ginawa kong report? "Ahm. May mali po ba akong nagawa?"

Ano ba 'yan. Ang tagal ng sagot ni Sir. Baka mamaya kung ano na 'to.

"Nothing. I just want to check on you," Mr. Vasiliev sigh. "I thought something bad happen after you send the email 'cause you haven't responding yet."

Aww . . . gano'n naman pala. He is worried lang sa 'kin. May kung anong kumiliti sa sikmura ko sa isiping nag-aalala sa 'kin si Mr. Vasiliev. He is nice naman pala kahit nakakatakot siya kung minsan.

"Sorry. Hindi ko kasi alam na tumatawag ka," paghingi ko ng paumanhin. Muli akong umupo sa gilid ng kama. "May mali ba sa report ko? Should I—"

"No. No," mabilis nitong tutol. "Walang mali sa report mo."

Hmm? Kumunot ang noo ko. "Then, why are you calling me, Sir? May iba pa po ba kayong kaylangan?" naguguluhan kong tanong.

Ano kayang dahilan ni Sir para tumawag sa 'kin kung walang mali sa report ko? May ipag-uutos pa ba siya?

Baka may report uling ipapagawa o kaya ipapa-schedule na meeting. Ani ng isang bahagi ng utak ko.

Napabuntonghininga ako do'n. Grabe naman si Sir kung gano'n. Ano 'yon wala siyang pahinga?

I waited for his answer pero hindi na siya nagsalita sa kabilang linya. Napatingin tuloy ako sa phone ko kung nandoon pa ba 'yon and the line is still there. Bakit hindi niya ko sinasagot? Huminga ako ng malalim.

"Sir, with all due respect po. I will end the call na. I'm tired and . . . I want to rest po," magalang kong paalam bago pinatay ang tawag ng hindi hinihintay ang sagot niya. Nakatulog na siguro kaya gano'n.

I was about to put my phone to the side table ng mag-vibrate ito. Binuksan ko ang message at binasa.

From. Mr. Vasiliev:

Sleep tight and take a good rest, dove.

Hindi ko napigilang mapangiti sa nabasa. Napahawak ako sa puso ko. Bakit ka tumitibok ng mabilis?! Anong meron?!

I typed a reply.

To Mr. Vasiliev:

Thank you, Sir. Ikaw din po. Pahinga well.

After that I put my phone back to side table, and then tiningnan ko ang kamay ko. Napanguso ako. It's dry.

Gusto kong iyakan ang pagkasira ng akmay ko but I can't. mas masakit kasi ang mga namumulang parts at gasgas sa fingers ko lalo na kapag nahahawakan. Napanguso ako.

Sanctuary of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon