CHAPTER SIX
PARANG may nagbarang kung ano sa lalamunan ko dahil sa sinabi nito. Tinabol ng malakas ang dibdib ko. I'm not naïve, alam ko ang prostitution. And what does she mean na ipapasok din ako?!
Nanlalaki ang mga matang lumingon ako kay Liza na may bahid ng inis sa mukha. Lumingon siya sa 'kin at apologetically na ngumiti. Pinagpapawisan ako ng malamig. Kaya ba kami nandito dahil do'n? Ipapasok niya ako—
"Siraulo ka! Hindi ano! Sa gandang 'yan, hindi lang prostitute 'yan! Saka, legal na trabaho ang ipapahanap ko sa 'yo para sa kanya, hindi ganoong uri. Ano 'yon nasa impiyerno na ako tapos manghihila pa ako pababa ng iba? Edi mas humaba ang sintensya ko do'n!" ani Liza saka lumapit sa 'kin.
Hinawakan niya ako sa magkabilang braso saka hinarap sa kanya. I can see sa eyes niya na medyo natatakot din siya pero nandoon ang gentleness and truth sa mga sinabi niya kanina.
"Hindi kita ipapasok sa prosti, Malaya. Hindi. Kung gano'n lang din pala, sana hindi na kita pinagawan ng certificate, 'di ba?" mahina niyang tanong.
Nagbukas-sara ang bibig ko pero wala namang salitang lumabas don. Hanggang sa maintindihan ko na ang sinabi ni Liza sa 'kin. Nilunok ko ang kung anong nakabara sa lalamunan ko at tinitigan siya sa mata.
She is right. Kung ipapasok nga naman niya ako sa ganoong trabaho sana noong unang kita pa lang namin. But she didn't.
"I-I trust you . . ."
Ngumiti siya at pinisil ang braso ko. Tipid akong ngumiti. Sabay kaming tumingin sa chubby girl na kausap nito kanina.
"Ay sorry! Akala ko kasi recruit mo, knows mo naman, 'di ba, noon mahilig ka sa gano'n."
"Noon 'yon! Ngayon wala na," ani Liza saka umupo sa white couch. Umupo rin ako sa tabi nito.
"Oh, eh bakit kayo nandito ngayon? Wala akong mapapa-utang sa 'yo," ani ng babae at umupo sa gaming chair nito paharap sa computer. Napaharap ako sa isang monitor nito na nasa pader, it's connected with CCTV pala outside. You can see how much tao ang meron do'n.
"Oo na. Nga pala, Rose, si Malaya 'to. Malaya, si Rose friend ko 'yan. Makakatulong 'yan sa 'tin para sa paghahanap mo ng trabaho," pagpapakilala sa 'min ni Liza.
Bumaba ang tingin ko sa babae. Nakatingin siya sa 'kin. Kumindat pa bago ngumiti. Napangiti rin ako.
"Naks, ganda ng name. Malaya. Freedom in English. Sanaol malaya," hirit nito bago kami tuluyang hinarap. "Ano ba kasing work 'yong gusto niyo? Wala akong opening dito."
From my peripheral vision I saw Liza roll her eyes.
"Tanga! Papagawa lang kami sa 'yo ng google account netong si Malaya para may email na siya tapos gawan mo rin siya ng resume tapos maga-apply siya sa—" Napalingon sa 'kin ang babae. "Anong trabaho ang gusto mo?"
Maraming beses akong kumurap. Is she asking for my opinion? I'm going to choose for myself?
Tinaasan ako ng kilay ni Liza at ilang beses na pumitik sa harapan ko. Saka lang ako bumalik sa reality.
"Ahm . . . ina-ask mo ako ng gusto kong work?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Naguguluhan itong tumango. "Oo. Ikaw kaya magtratrabaho kaya dapat gusto mo, noh!"
Nag-init ang magkabilang sulok ng mata ko. This is the first time, too. I thought she's going to pick for me kasi . . . huminga ako ng malalim saka ngumuso at unti-unting ngumiti.

BINABASA MO ANG
Sanctuary of Love
Romance21st century. People are now free to do what they want and to be what they want. Like Malaya Kallos Vasilios, her name is stating freedom. Freedom from her family's tight grip on her. Kaya ng malaman niyang nais siyang ipakasal sa taong hindi naman...