CHAPTER THIRTY-EIGHT
DAKILA'S P.O.V.
SUMILIP ako sa ibaba ng hagdan para makita kung sinong kausap nina Mama at Papa. Isang matangkad na lalaki, kasing tangkad ni Makisig. Nilingon ko si Bayani ng maramdaman ko ang pagtabi niya sa 'kin.
"Who's that?" tukoy ko sa lalaking hindi ko kilala.
"Malaya's fiancée. Nagpunta siya dito para kausapin sina Papa at Mama. Pinag-uusapan nila yung ibang ways para mahanap siya."
"As if they can," bulong ko sapat para marinig ni Bayani.
Hinarap niya ako sa kanya. Kunot noo at puno ng pagtataka.
"Anong ibig mong sabihin? Did you know where Malaya is?" mahina nitong tanong.
Kinabahan ako bigla. Nag-iwas ako ng tingin. Ibinalik ang tingin sa lalaki sa ibaba. Now, I can see my Dad tapping that man's back.
"What his name again? Unang beses ko siyang makita dito," pag-iiba ko ng topic.
"Jared yata. Iniiba mo usapan, ha."
Inirapan ko si Bayani. Tumayo ako at tiningnan siya ng deretso sa mga mata.
"As if I know kung nasaan siya, since umalis siya ng Santorini," pagkasabi ko no'n ay tumalikod ako para bumalik sa kwarto ko.
Bored na bored na ako dito sa bahay. Gusto kong bumalik sa bahay ni Malaya para doon ulit matulog at makipag-kwentuhan sa kaniya pero alam kong hindi pwede for her safety as well. Binagsak ko ang katawan ko sa kama at pagod na tumingin sa labas ng bintana.
Kung nakina Malaya siguro ako ngayon baka ginugulo ko siya o nagluluto. I want to stay with her closely.
Tss, then I remember the guy downstairs.
Siya pala ang dahilan kung bakit lumayas si Malaya. Kaya hindi ko siya gusto. Nakaranas ng hindi maganda ang kapatid ko dahil sa kasal nila. Mas mabuti pang nakababad sa tubig dagat ng Santorini si Malaya kaysa ganitong nagtitiis siya sa hirap.
Mama and Papa should stop talking to that man. Dapat na nilang itigil ang arrange marriage sa kapatid ko para pwede na ulit siyang bumalik. And suddenly a light bulb lighten in the top of my head.
I will talk to my father and tell him to stop the marriage, then I will go to Malaya to speak to her to come back because she will not be married anymore. She will be free. Iyon naman talaga ang dahilan ng pagtakas niya.
Naging mabilis ang paglipas ng gabi dahil sa pag-iisip ko ng mga plano. Madilim pa sa labas ng bumangon ako. Naligo agad ako at nilabas ang mga gamit na dadalhin ko. Huminga ako ng malalim until I'm ready.
Pinihit ko pabukas ang doorknob. Isinilip ko muna ang ulo ko sa paligid para tingnan kung may tao ba sa paligid, pero ng wala akong makita at agad akong tumayo ng deretso at marahang sinarado ang pinto.
I tiptoed pababa ng hagdan to ensure I will not make any sound.
And I'm happily jump when I'm outside. Inilabas ko ang susi ng kotse ko sa bulsa. Ganitong oras minsan wala yung guard sa gate dahil nag-aalmusal sila kaya malaya akong makakatakas.
Hindi ko binuhay ang makina kasi maririnig nila. Ang ginawa ko. Binuksan ko ang kotse, nilagay ko sa backseat ang dala kong bag at saka tinulak palabas ang sasakyan. The gate is electronic, may pinindot lang ako at bumukas na iyon. Panay ang lingon ko sa paligid habang nagtutulak kasi parang may nakatingin sa 'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/345674424-288-k94694.jpg)
BINABASA MO ANG
Sanctuary of Love
Romance21st century. People are now free to do what they want and to be what they want. Like Malaya Kallos Vasilios, her name is stating freedom. Freedom from her family's tight grip on her. Kaya ng malaman niyang nais siyang ipakasal sa taong hindi naman...