CHAPTER TEN
"PUYAT na puyat, girl?" natatawang tanong ni Liza habang nag-aalmusal kami. Walang buhay ko siyang tiningnan bago kinuha ang mug ng kape. Uminom ako.
"Para lang akong pumikit tapos umaga na ulit," saad ko. Kulang talaga ang tulog ko. Hindi ako sanay sa ganitong pagod, kapag palaging nale-late ako ng tulog noon ay walang gumigising sa 'kin upang makabawi ang katawan ko. Unlike ngayon na kaylangan kong gumising ng maaga para hindi ma-late sa pasok.
"Ganyan talaga. Masasanay ka rin."
Ngumuso ako, "kaylan kung ganoon? Tapos gusto ko na lang magbaon ng lunch para may kainin ako do'n. Ang mamahal ng pagkain, hindi kakasya ang baon kong pera."
Tinaasan ako ng kilay ni Liza, "mas tipid nga 'yan. Meron yatang baunan doon sa taas ng cabinet. Kunin mo tapos doon mo ilagay ang babaunin mo. I-doble mo ng plastic para hindi tumapon sa bag mo," anito.
"Okay. Anong iluluto?"
Ikinibit nito ang balikat. "Hindi ko alam. Ikaw kung gusto mo mag-saing ka tapos bumili ka ng hotdog sa tindahan. Oh, eto." Naglabas ng five hundred pesos si Liza. "Sana mapagkasya mo ng isang linggo, matagal pa rin kasi ang sweldo ko, baka ma-short tayo kapag nagkataon," paliwanag niya.
Nahihiya akong tumingin sa pera nitong nakalahad sa 'kin bago ibinalik ang tingin sa mukha nito.
"Pasensya ka na, Liza, kung pabigat ako sa 'yo ngayon. Huwag kang mag-alala. Magtitipid ako," mahina kong pangako.
Hindi na ito kumibo at basta na lang inabot ang kamay ko. Tipid niya akong nginitian bago tumalikod at pumasok sa sariling silid. Naiwan akong mag-isa sa kusina. Tiningnan ko ang perang nasa kamay ko. Mariin kong pinagsaklop ang mga palad ko't pumikit.
Ganito pala yung pakiramdam na nanghihingi ka ng pera sa hindi mo naman kaano-ano, masakit dahil hindi mo pa maibalik. Yung alam mo yung kapos kayo pero wala ka pang magawa. Ganito pala 'yon.
******
MAKISIG'S P.O.V.
"HAVE you already find your sister, Makisig?" father asked in cold voice, but his eyes can't hide the worries he's feeling.
"Not yet but my people are doing their best to find her. I just can't believe that she able to escape Santorini," hindi makapaniwalang ani ko.
My father smirk and shake his head. "Do not underestimate your sister, Makisig. She is already desperate to run that's why." Sumandal sa upuan niya si Papa at tumingin sa labas ng office nito. "Find her immediately. Do everything, add more people to help the search. Visit all the countries to check if she's there."
I nod, "I will, Papa. Don't worry. Mahahanap ko rin si Malaya. And after that, she'll be guarded twenty-four seven."
Pinapasakit talaga ni Malaya ang ulo ko! Hindi ko akalaing magagawa niyang takasan ang dose-dosenang tauhan ni Papa sa Santorini. Kung hindi ba naman kasi mga tanga ang tauhan namin, they never check the area?! Ni hindi nila alam na may lagusan palabas doon si Malaya.
Hinilot ko ang ulo ko.
"When she came back, her husband will look for her. I already to the man. He said he's doing his job, too, to look for her," Papa said.
I rolled my eyes, "I hope that's true because if not. I will fucking find another deserving man for her. She doesn't need to have a loser husband," I added.
![](https://img.wattpad.com/cover/345674424-288-k94694.jpg)
BINABASA MO ANG
Sanctuary of Love
Romance21st century. People are now free to do what they want and to be what they want. Like Malaya Kallos Vasilios, her name is stating freedom. Freedom from her family's tight grip on her. Kaya ng malaman niyang nais siyang ipakasal sa taong hindi naman...