CHAPTER THIRTY-FIVE
BAYANI'S P.O.V.
"WHERE is your twin, Bayani?" Natigil ako sa akmang pagsubo ng spicy noodles ng humarap sa harapan ng malaking TV si Makisig. Bored akong napa-irap sa hangin bago ibinaba ang hawak.
"In his room."
"No, he is not there. Pinuntahan ko siya but he is missing. Nasaan na? Kakauwi niya lang at hindi pa siya magaling tapos wala na naman siya," problemadong ani Makisig.
"Malay ko do'n. Kanina nandiyan lang ta's ewan ko na ngayon," saad ko bago pinapatuloy ang pagkain ko.
Saan ng aba nagpunta si Dakila? Kakabalik lang niya tapos nawawala na naman siya ngayon. Ano naman kaya ang kalokohang ginagawa niya?
"Tsk! Your teacher will came here now, pero ipapa-cancel ko na lang dahil wala naman ang kakambal mo. Can you find him and tell him to go in my office. I need to talk to him about his attitude." Makisig walk away after that.
Sinundan ko siya ng tingin at umiling. As if mahahanap ko siya ngayon. Ni-enjoy ko muna ang pagkain ko habang nanunuod ng TV pagkatapos ay niligpit ko ang pinagkainan ko't pumanik sa hagdan.
I'll try to look at him first in the unused room baka kasi may ginagawang kalokohan ang isang 'yon at hindi ako sinasama. But it's been an hour, hindi ko pa rin nakikita kahit anino nito.
I rolled my eyes for the hundredth time and went to my room. Humiga ako pero hindi para matulog kundi hintayin si Dakila. Humanda siya sa 'kin mamaya.
I took my phone to send him a message.
Dakila gwapo mana sa 'kin:
Where are you, dude? Hinahanap ka ni kuya. Pag hindi ka nagpakita, yari tayong dalawa.
After I send that message ay nag-scroll ako sa internet pampatay ng oras. Hanggang sa nakatulugan ko na nga ang paghihintay kay Dakila
I thought when I wake up ay nandoon na si Dakila, but I've heard from the maids that he is still missing.
Tumaas ang kilay ko habang nakatingin kay Makisig na busy sa pagdutdut sa phone niya. Mom is unaware that one of his sons does not go home last night. Baka mas lalo lang siya malungkot at matakot kapag nagkataon.
Lumapit ako kay Makisig at tinabihan siya ng upo.
"Did you found him already?" I asked.
Masama niya akong nilingon. Tinaas ko ang dalawang palad ko dahil sa paraan pa lang niya ng pagtingin ay alam kong pinaghihinalaan niya na akong ako ang nagtago sa kakambal ko.
"Wala akong ginagawang masama, ah! Hindi ko alam kung nasaan siya!" defensive kong sabi.
"Siguraduhin mo lang, Bayani, kapag nalaman kong magkasabwat kayo niyang kakambal mo ay humanda ka sa 'kin!" banta ni Makisig.
Tumawa ako ng mahina bago naglagay ng pagkain sa plato.
"Pupuntahan ko si Mommy sa kwarto niya," ani ko sabay tayo. Dala-dala ko ang dalawang plato palabas ng kusina at nagpunta ako sa kwarto ni Mom sa second floor.
I didn't bother to knock kasi nakabukas na ito. Hinanap siya ng mga mata ko and I smiled when I saw her in the veranda. Lumapit ako doon.
"Good morning, Ma!" bati ko at saka binaba ang plato sa harapan niya. Sakto namang mayroong juice at kape na nadala doon.
BINABASA MO ANG
Sanctuary of Love
Romance21st century. People are now free to do what they want and to be what they want. Like Malaya Kallos Vasilios, her name is stating freedom. Freedom from her family's tight grip on her. Kaya ng malaman niyang nais siyang ipakasal sa taong hindi naman...