Kabanata 16

2.5K 36 0
                                    

Sinuot ko ang dress na nakita ko sa ilalim ng aparador ni Mama. Bago ako umalis ay nag paalam ako kay Tita Nida na may aasikasuhin ako ngayon araw. Hindi ko sinabi sa kanila na may date ako.

Oo, date.

Isang date. Kasama si Persues.

Nilagyan ko ng kaonting contour ang aking bandang braso. Dahil sa kaninang pag hampas ni Mama, ng paulit ulit. Nag kapasa ito ng kaonti. Pinonnytail ko rin ang aking lagpas balikat na buhok.

Nag lagay lang din ako ng face powder sa aking mukha, kaonting mascara naman para sa aking pilik mata. At kaonting make up sa aking labi at pisngi.

Nang matapos iyon ay sinuot ko ang doll shoes na pinahiram sa akin ni Glenda. Tiningnan mo sa malaking salamin ang aking itsura. Kasabay nun ang pag hagod ng tingin sa akin ni Mama.

"Ang ganda, ganda ng Andra ko!" Si Mama na pumapalakpak pa. Habang pinupunasan ito no Tita Nida.

"Talaga po Ma?" Nakangiting tanong ko.

"Oo naman. Maganda ka kasing ganda ko." Masayang sabi niya.

"Saan ba ang tungo mo Andra?" Si Tita.

"May kikitain lang po akong kaibigan." Ako ay pinasadahan ng kamay ang aking suot na dress na makita ko ang maliit ng lukot sa parteng tuhod ko.

"Sino kaibigan?" Ismid niya.

"S-sa.. trabaho po Tita. Uuwi rin ako pag patak ng alas singko. Ako. Na halos maibilaukan sa pag sisinungaling.

"Puwede naman siyang mag tungo rito. Bakit kaylangan pang lumabas kayong dalawa?" Si Tita muli.

"G-gusto ko rin po malibot kahit minsan." Ako.

"Salad ang kainin mo lang Anak ha?" Si Mama.

"Opo Ma," ako.

"Saan kaba sunduin?" Si Tita na ayaw pang tumigil.

"S-sa..." Di ko naituloy ng bigla iluwa si Glenda ng pinto namin. Kita ko ang paghinga nito ng malalim.

"Narito na ang boyfriend mo!" Si Glenda. Halos matakbo ko ang pagitan namin para takpan ang bibig nito.

"Boyfriend?" Si Tita. Tingin ko ay di narinig ni Mama ang sinabing iyon ni Glenda.

"Kaibigang lalaki po."

"Mauna na po ako uuwi po ako alas singko." Ako at mabilis na umalis.

Nang makarating ako sa labas ay nagulat ako ng makita ko itong nakasandal sa range rover niya. Kulay black iyon at takaw pansin sa mga nag dadaan.

He's wearing a white v neck plain blouse casual  slims fit. At black na slacks. Hulmang hulma ruon ang nakapaganda niyang katawan. Pero katulad ng dati ay madalas ko itong makitang nakalagay ang cellphone niya sa kanyang tenga. Pero mabilis rin tingnanggal kapag papalapit na ako sa kanya.

Halos mapatigil ang lahat ng nag dadaan dahil sa itsura niya. Kilalang kilala siya dahil minsan na siyang ipinakilala sa buong media ng kanyang ama ng mangampanya ito.

"Let's go?" Tanong nito ng lumapit sa akin. At kaagad akong pinatakan ng halik sa nuo.

Halos iluwa ko ang puso ko ng maramdaman ko ang labi niya. Kaagad akong napatingin sa pinto ng bahay namin. Nakita kong masama ang titig ni Tita Nida sa amin.

Kinuha ni Persues ang beywang ko at inalalayang sa kanyang kotse. Naamoy ko ang pamilyar niyang bago. Halos mapasinghap ako  sa kanya.

"I know you like the smell of this perfume. kaya yan ang ginamit ko." Anya at tumingin sa akin.

"How did you know?" Nahihiyang sabi ko. Dahil totoong nanunuot sa aking sistema ang amoy niyang iyon. Tingin ko ay mamahalin rin ang pabango niya.

"Because I feel it." Aniya at minando ang sasakyan.

"Where do you want to eat?" Aniya. Habang ang mata'y babaking sa akin. Ilang segundo naman ay sa kalsada na.

"Do you know how to cook?" Tanong ko.

Kita ko ang pag kurba ng labi niya ng umangat ito ng kaonti. At pag taas ng makapal nitong kilay. Tila sinusubukan ako.

"Yeah, of course. What do you want to eat?"

"Ipagluluto kita ng kahit anong gusto mo." Nanunubok ang boses niya.

Hindi ko mapigilan hindi maging masaya. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Ang isang katulad niya. Oo ang isang katulad niya ay mag kakagusto sa akin. Kada mag tatama ang tingin namin ay naalala ko kung paano niya sinasabi sa akin na kung gaano siya kabaliw sa akin. Kung paano niya nilagyan ng teritoryo ang bawat piraso ko.

"Ano bang favourite mong kainin?" Tanong ko.

"Wagyu. Oh yeah, ipaluluto kita ng wagyu steak. You will definitely like that!" Aniya at ngumiti sa akin.

Sana'y hindi matapos ang araw na ito. Sanay ay tumigil muna ang oras para sa aming dalawa.

"I want you to eat everything you haven't eaten yet with me."

"Please... Andra.. stay with me no matter what happen." Aniya at kinuha ang libre kong kamay.

He gave her a warm smile. Soft smile playing on his handsome features. Parang pinipiga ang puso. Nakangiti parin siya sa akin. Gusto kong maluha. Gusto kong makaiusap sa may kapal sabihing itadhana kaming dalawa para sa isa't isa.

Inangat ko ang kanyang libreng kamay. Hinalikan ko iyon ng marahan. Napawi ang ngiti niya sa labi. I'm falling for him. Hard. pakiramdam ko ay isang malaking sugal ito ngayon na pilit kong ipapanalo.

The Governor's SonWhere stories live. Discover now