Kabanata 47

1.8K 37 0
                                    

Sinuot ko ang prosecutor gown. Pinag masdan ko ang sarili ko sa salamin. Sawakas sy dumating na ang araw na matagal ko nang hinihintay.

Pinasadahan ko ng aking kamay ang lukot sa ibaba. Kaonti lang iyon at di naman lahata. Pinag masdan ko muli ang aking sarili suot Ang itim na barrister gown at waistcoat nag nagpapahiwatig ito ng pakikilahok at suporta sa sistema ng hustisya at nagbibigay sa mga abogado at prosecutor ng pakiramdam na sila ay mga tagataguyod ng pagkakapantay-pantay sa ilalim ng batas.

Pag katapos ng lahat ng ito. Tingin ko ay kaya ko nang lingunin ang kahapon. Kaya ko nang ngumiti ng walang pag aalinlangan. Kaya ko ng kumain ng hindi nag aalala. Pakiramdam ko ay pag katapos ng lahat ng ito. Mapapalaya at mapapatawad ko na ang sarili ko. Matagal ko ng inabandona pati ang sarili ko. Tingin ko ay oras na para muli akong mag balik. At humingi ng tawad para sa lahat ng ito.

Mas pinili ko ang makipag digmaan sa lungkot at mag pakain sa galit. Masyado kong ninamnam ang lahat ng sakit at nakalimutan ko na ang mga tao sa aking paligid.

Pag katapos ng lahat ng ito. Pakiramdam ko ay kaya ko nang isarado ang pinto ng madilim na bahaging ito ng aking buhay. At makapag simula ng bago at mas masliwalas na kinabukasan.

Pumasok ang sa court room. Nang buksan ang pinto para sa akin. Tumambad ruon sina Tita Nida at ang pamilya nito. Kita ko ang namumulang mata ni Tita. Kasama niya si Glenda. Maraming tao sa loob. Halos lahat ng iyon at tingin ko ay mga tauhan rin ni Zues Calderon.

Hinabay ko ang espasyo para makarating sa aking uupuan. Sa prosecutor seat.

Hindi namin nakamit nuon ang hustisya. Dala ng makapayarihan ang kinalaban. Nag dasal ako itaas na tulungan akong maging matatag sa labang ito. At hindi pag dudahan ang lahat.

Nang makaupo ako. Lumabas sa kabilang pinto si Zues Calderon. Dala nito ang kanyang abogado habang escort siya ng mga pulis.

Prente itong naupo sa defendant seat. Nag tama ang tingin naming dalawa. Ngunit mala demonyong ngiti ang ibinigay niya sa akin.

"Mag si tayo tayong lahat." Ani ng kaitaas taasan.

"Mag si upo ang lahat." Ani muli.

"Case 266 ng taong 1998."

"Sisimulan na nating ang pag lilitis." Ang judge.

"Sinasabing nangyari ang rape nuong hunyo taong 1998. Ang pag bibintang na iyon laban kay Zues Calderon ay walang kahit anong ebidensya laban sa kanya. Walang sapat na katotohanan ang lahat ng iyon. Si Zues Calderon ay wala sa Dela Rosa sa kanyang penthouse bago ang pangyayari iyon. Ang pag tutok ng baril ni Zeus Calderon laban kay Boris Almazan ay isang pag dedepensa lamang dahil tinangka nitong wakasan ang buhay ni Zues Calderon." Ang attorney nito.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at kinuha ang USB sa aking mesa. Habang hawak ko ang makapal ko papel.

"Sinasabi mo bang inosente at walang kasalanan ang nasasakdal at ang biktima ay gumagawa lamang ng kuwento? At ang pag tangka ng biktima sa nasasakdal ay self defense lamang?" Ako.

Pinaplay ko ang video clip sa malaking screen. Ang usb ito ay galing kay Persues. Isa ito sa pinakamatibay na ebidensya.

"Kaylangan mong linisan ang pangalan ko. Kaylangan hindi ako ang pag bintangan sa panggagahasa kay Cassiopin. Ibaling mo ang lahat ng possibleng maging butas sa lahat ng tauhan ko. Kung saan nangyari ang pag dala ko sa isla kay Cassiopin. Nilisan niyo lahat ng maari mag iwan sa DNA ko sa bahay na iyon." Utos nito sa lalaking si Boris.

Naputol ang clip na iyon. At kaagad kong isinumete ang USB na iyong bilang ebidensya.

Walang naging emosyon ruon si Zues Calderon. Tila ba hindi na siya nagulat sa laman ng video.

"Nais mong makausap ang biktima. Na siya ring tetestigo sa mga nangyayari. Lumakad akong muli at nag tungo sa haharap.

Bumukas muli ang pintuan ng court law. Iniluwa nun si Mama. Pilit kong tinatatagan ang aking loob. Pakiramdam ko ay manghihina na ang tuhod ko ngunit kung bibigay ako kaagad. Hindi ko makukuha ang hustisya para sa amin ni Mama.

Naupo si Mama sa harapan ko. Bilang isang testigo at biktima. Kita ko ang pag aalala sa kanyang mukha. Ngunit pinilit ko iwaksi ang kahinaan ko.

"Pag katapos ng 30 years. Nag kalakas ka ng loob buksan muli kasong ito. Lumapit ka sa aking upang manghingi ng tulong. Sinabi mong ginagahasa ka ng nasasakdal nuong hunyo abente 1998. Tama ba?" Ako.

"O-opo." Si Mama.

"Ano ang dahilan niya? Bakit niya ginawa ang panggagahasang iyon?" Tanong ko. Tila pumipitik ang sakit sa puso. Nang ako mismo na ang nag tanong kay Mama.

"Nag karelasyon kami ni nuon ni Zues Calderon. Bago ko nalamang may pamilya siya sa iba. Alam kong mali ang ginawa kong iyon. Kaya't iniwasan ko siya. Ngunit sa pag iwas kong iyon ng matagal sa kanya. Pinag bantaan niya ako. Na kapag nag mahal ako ng iba ay siya mismo ang papatay sa akin."

"Nabuntis ako. Nang nalaman niya iyon ay kaagad niya akong ipinadakip sa mga tauhan niya."

"Apat na buwan niya ako ikinulong sa hindi ko alam na lugar. Ngunit sa pagkakatanda ko ay napapalibutan iyon ng tubig."

"P-paulit... ulit.. niya akong pinag salamantalahan sa lugar na iyon. Walang gabi at araw na hindi niya ako hinahalay ay sinasaktan. Na halos ipag dasal ko na namamatay na lang ako. D-dahil... Hindi ko na kaya ang kababuyang ginagawa niya." Umiiyak na sabi ni Mama.

The Governor's SonWhere stories live. Discover now