Kabanata 48

1.8K 33 0
                                    

"Maraming naging tauhan si Zues Calderon. Mapapatunayan mo bang ang lahat ng iyon ay pinag samantalahan ka?" Tanong ko.

Umiling si Mama. Habang pinupunasan nito ang walang pag tigil na pag luha.

"Siya lang ang taong gumahasa sa akin. Ang mga taong ipinagkanulo niya ay ang mga taong nag uwi sa aking ng mawala ako sa sarili." Si Mama.

"Mapapatunayan mo bang may sala si Boris Almazan sa panggagahasang iyon?" Tanong ko muli.

Umiling si Mama.

"Siya lang si Zues Calderon." Si Mama.

"Objection, you honor!" Ang katabing Attorney ni Zues.

"Walang katotohanan ang lah—."

"Kaya pinapatunayan ko ito. 30 years ago may walong personal na tauhan ang nasasakdal. Ang pito ay patay na. At may nag iisang buhay pa."

"Boris Almazan. Ang pinag tangkahan niyang patayin nito lang." Ako.

"Your honor! Ang sinasabi ng prosection ay binabaliwalang halaga ang sinasabi ng nasasakda—."

"Kinukumpirma ko ang sinasabi ng testigo. Anong ang sinasabi mong binabaliwa ko?"  Tanong ko sa Attorney ni Zues.

"Maari kang mag patuloy." Ani ng judge saakin.

"Kung ganun nais kong tanungin ang nasasakdal. Ayon sa imbestigasyon, huli kang nakita sa pethhouse mong pumasok nuong hunyo abenta alas otso ng gabi. Ayon sa CCTV footage dala mo si Cassiopin Alvarez ng walang malay. Katulad ng petsa kung saan mo siya kinuha sa isang disco bar. Nais kong itanong sayo. Bakit nasayo nasa opisina mo ang usb video clip na ito?"

"Nakuha namin ang usb ito ng mag search and seizure kami sa Calderon's Corporation." Ako.

Umiling ito at kinuha ang microphone sa kanyang harapan. Upang mag salita.

"Una sa lahat ay hindi ko ginahasa si Cassiopin Alvarez. Isa lamang itong paninirang puri. Dahil isa akong gobernador ng panahong iyon." Anito.

"Sinasabi mo bang gawa-gawa lang ng bigtima ang lahat ng ito?"

"Hindi ka nang gahasa at nag papapatay kailanmman?" Tanong ko. Kahit pa gusto ko nang isampal sa muka niya ang papel na hawak ko.

"Tama iyon." Tila puno ng katotohanan segunda niya sa akin.

"Kasinungalingan!" Sigaw ni Mama.

"Pinag bantaan mo ang buong pamilya ko ng mga oras na iyon! Pati si Nida ay binantaan mo ang buhay! Na sa oras na mag salita sila sa hukuman ay wala kang ititira na kahit sino na pamilya ko!" Si Mama.

"Kakaiba at kapansin pansin ang mga nais tumestigo at ipinag kanulo ni Zues Calderon ay  patay na. Lahat ng nais tumestigo ay pinag babantaan ang buhay na papatayin." Ani ko sa itaas.

"Objection, your honor! Binabaliwa ng prosection ang pahayag ng nasasakdal at punuputol ang katotoohanan!" Ang Attorney ni Zues.

"Nais kong tawagin ang ikalawang testigo na makakapag patunay sa kasong ito." Ako at iniabot sa itaas ang panibagong witness.

Pinag masdan iyon ng itaas. At ilang segundo bago sumagot. Kinuha nito ang microphone.

"Pumapayag ako. Nais ko tawagin ang ikalawang testigo. David Lazaro." Anito.

Napuno ng bulong bulungan ang hukuman. Ilan segundo ay iniluwa ng pinto ang nakatuxedo na itim na si David Lazaro.

"Nanunumpa ako mag sasabi ng katotohanan at pawang katotohanan lamang. At tatanggapin ang parusa. Sa ilalim ng perjury kung may paglabag sa panunumpang ito." Anito habang nakataas ang kanang kamay.

"Witnesse, David Lazaro."

"Ikaw ang humawak ng kaso nuong hunyo abente singko. At ikaw rin ang abogado ng Cassiopin Alvarez sa case niya nuon. Tama ba?" Tanong ko kay David Lazaro.

"Tama."

"Ngunit ang kasong iyon ay na dismiss sa kawalan ng ebidensya. Tama ba?" Tanong ko muli.

"Yes." Sagot nito.

"Nawalang bisa ang kaso dahil sa pag kawala sa sarili ng biktima. Nang sisimulan na ang pag lilitis ng kaso." Ako.

"Yes." Sagot nito.

"Nang panahong iyon. Wala kabang napansin na kakaiba sa kasong iyon?" Ako muli.

"Una pa lang ay may napansin na akong kakaiba sa kasong iyon."

"Iyon ay ang pagkamatay ng lahat ng naging isinakdal na rapist. At ang biglang pag kawala  sa sarili ng biktima." Si David Lazaro.

"Ang akala mo ba ay mailulusot mo ang kasinungalingan ginawa mo nuon?" Kastigo ni Zues Calderon sa nag sasalitang si David Lazaro.

"Hindi malilinis ng pag lilitis nato ang madumi mong ginagawa nuon David Lazaro. Ang akala mo ay mananalo ka sa pagtakbong gobernador ngayon?" Segunda muli nito.

Pinagmasdan ko si David Lazaro. Mula sa aking harapan. Habang nakatayo. Sinisigurado kong mag sasama kayong dalawa sa impyerno na kayo mismo ang gumawa.

"Pawang walang katotohanan ang sinasabi ni Mr. David Lazaro." Pag putol ni Boris Almazan. Nang makapasok ito sa court room. Kaagad akong bingyan ng kakaibang tingin ni David Lazaro. Nang makita niya si Boris.

Dala ito ng mga police. At pinaupo sa harapan. Katabi ni David Lazaro.

"Pinahihitulutan ka naming i cross-examine ang dalawang testingo." Ang itaas.

"Kasama si David Lazaro, na nag tungo sa prosection office natapos ang pag diin sa samin ni Zues Calderon. Nuong hunyo abente singko. Pinag bantaan kami ng dalawa na kundi aakuin ang panggagahasa ay walang ititira sa pamilya namin." Si boris anito sa Microphone.

"Sinong nag sabing akuin niyo ang lahat ng iyon?" Tanong ko.

"Si David Lazaro. At si Zues Calderon." Si Boris.

The Governor's SonWhere stories live. Discover now