Kabanata 49

1.8K 34 0
                                    

"Nag kamali si Boris ng intindi ng oras na iyon. Kinausap namin sila para sabihing tumestigo sila sa kasong iyon. At hindi pag bantaan!" Si David Lazaro.

"Inutos sa akin ni David Lazaro at Zues Calderon, na akuin ang panggagahasa kay Cassiopin Alvarez. Kapalit ng katahimikan ng pamilya namin!" Si Boris.

"Mali ang sinasabing pahayag ni Boris Almazan!" Si David Lazaro.

"Kasinungalingan ang sinasabi niyo sa hukumang ito! Wala malay niyong binigay sa amin si Cassiopin Alvarez ng gabing iyon!"

"Ang sabi niyong dalawa ni Zues Calderon. Ay wakasan namin ang buhay ni Cassiopin Alvarez. Ngunit hindi namin masikmura na pumatay ng tao. Kaya't ibinalik namin siya kay Nida Samonte, nang hindi sumangayon ang plano niyo, dahil hindi namin siya pinatay."

"Kami ang idiniin niyo. Kalaunan ay ipinapatay niyong dalawa." Si Boris. Na nanginginig ang boses sa galit.

"Kalaunan sinimulan ang imbestigasyon. Dinaya ang DNA test ng biktima." Si Boris muli.

"Pawang walang katotohanan ang lahat ng sinasabi ni Boris Almazan!" Si David Lazaro. Namariin parin ang pag tanggi.

Pilit mo sinisikmura ang naririnig ko. Pakiramdam ko ay nalalamig ang buong kalamnan ko, dahil sa matinding galit. Ngunit kung mag papakain ako sa pag kamuhi. Hindi ko makukuha ang hustisya para kay Mama.

Imikot ako at humarap sa mga judge. Madiin ang hawak ko sa papel ko. Pilit kong winawaksi ang matindi kong galit.

Humugot ako ng malalim na pag hinga ng mag simula ako muling mag salita.

"Sa narinig natin mula sa mga testigo. Naniniwala ako na ang kasong ito. Pawang katotohanan na ang biktima si Cassiopin Alvarez,  ay nagahasa nuong taong hunyo abente 1998."

"Itinuro ng testingong si Boris Almazan. Ang nasasakdal na si Zues Calderon. At ang tumestigong si David Lazaro sa panggagahasa at pag basura ng kaso. Dagdag pa rito ay kinokosidera ng mga pulis ang natagpuan DNA test sa pethhouse na nakuha. Ay kay Zues Calderon. Winasak ni David Lazaro ang original DNA test na ibinigay niya sa nuong Assistant niya na si Melanie Abando. Ngunit ng siyasatin ng mga pulis ang nasabing DNA test. Si Melanie Abando mismo ang nag surrender nito sa kapulisan."

Tila nakakita si David Lazaro ng multo ng ipakita ko ang original DNA TEST.

"Walang hiya ka, ang akala ko ay tutulungan mo ako!" Madiin sabi nito ng huminto ako sa kanyang harapan.

"Tingin mo ay tutulungan ko talaga ang h*yop na katulad mo? Matagal ko nang ihinda ang impyerno para sainyong dalawa." Madiin ko sabi sa kanya. Na kami lang ang nakakarinig.

"Hindi na ako tumetistigo!" Sigaw nito at subukang tumayo sa kinauupuan niya.

"Kakasuhan kita ng pagsira sa ebidensya at tangkang pag takas sa oras na ginawa mong umalis sa kinauupuan mo." Madiing sabi ko.

Nag aalab ang tingin ng ibinigay niya sa akin. Tila nakaharap ako sa mabangis na hayop at handa na umatake.

"Hay*p ka!" Halos isigaw niya.

Binaliwala ko iyon. At tinitigan siya ng mariin. Ito na ang una't huli kong makikita ang pag mumuka ng mga taong sumira sa buhay namin ni Mama. Sisiguraduhin kong ito na ang huli at kaylangan man ay hindi na ma k-krus ang mga  landas namin.

"David Lazaro. Hinuhuli kita at ang kasabwat mong si Zues Calderon. Dahil sa pag sira ng ebidensya at panggagahasa kay Cassiopin Alvarez. At sa pag tulong kay Moris Lazaro sa pag linis at pag patay kay Christina Romero."

"May karapatan kang manahimik o..." Halos di ko makapa ang sasabihin ko nang makita ko ang matamis na ngiti ni Mama. Na ngayon ko lang nakita.

"O mag sawalang kibo. Ano man ang iyon sabihin ay maaring gamitin pabor o laban sa iyo. Sa anumang hukuman." Ako.

Kinuha ng mga kapulisan si David Lazaro at Zues Calderon. Habang ang handcuffs at nasa parehong kamay nila. Nang lingunin ko si Mama. Patuloy ang pag patak ng luha nito. Na tingin ko ay hindi na dahil sa lungkot. Kundi sa kasiyahan.

Na sawakas ay nakalaya na siya sa matagal na pag kakakulong sa kalungkutan.

Lumapit ako kay Mama at niyakap siya. Nanggigilid ang luha ko. Habang si Mama. Ay patuloy sa pag iyak sa aking bisig. Naramdaman ko rin ang yakap ni Tita Nida.

Tapos na ito. Tapos ang laban. Panalo na kami.

Natapos ang buong pag lilitis nang hindi ko nakita si Persues. Ni tawag ay hindi siya nag paramdam. Tinanaw ko ang mahabang tulay ng Dela Rosa.

Bumaba ako sa aking kotse at pinag masdan ang buhay na tubig sa ilalim ng tulay. Dito nag simula ang lahat ng iyon. Sa huli ay dito rin matatapos. Nanumbalik ang lahat sa akin. Ang masakit na naraan at ang masayang kasalukuyan.

Hindi ko alam kung ilang minuto kong pinag mamasdan ang lugar. Umihip sa aking ang panghapong hangin. Tinanaw ko ang nag lalakihang ulap na nag kukulay kahel.

Nang ibalik ko ang tingin sa salamin ng kotse. Nakita ko ruon si Primsose na mahimbing parin ang tulog. Pag katapos ng trial ay nag pasya akong umalis sa Dela Rosa.

Kinukuha mo si Mama. Ngunit mas gusto nito mamuhay kasama si Tita Nida. At ang dahilan rin niya ay para makasama ko ang anak ko at makapag laan kami ng oras sa isa't isa.

Hindi ko sinasabi kay Persues ang pag alis namin. Hindi ko siya kayang harapin. Hindi ko kaya. Masyadong sakit at pighati ang idinulot ko sa kanya. Pakiramdam ko ay kung patuloy akong mag papakita o makakasama niya sa buhay niya. Para lang akong isang lason na nag dudulok sa kanya ng matinding pait. Maalala lang niya sa aking ang lahat. Ang pag kakakulong ng Ama niya at ang pag kamatay ng Mommy niya. Kaya't mas pipiliin kong lumayo kaysa manatili.

The Governor's SonWhere stories live. Discover now