Kabanata 21

2.3K 42 0
                                    

"It's hard to explain but please... Andra trust me, hindi ganun hindi..."

"Yeah, sa una ay pag hihiganti. Pero nang mag tagal iba na ang nararamdaman ko sayo. I know it's wrong. but—."

Tumawa ng malakas si Gov. Nang marinig ang sinabing iyon ni Persues. Kita ko ang panggagalaiti niya sa sariling anak ng mapatingin ako sa kanya.

"Nag kagusto ko sa sarili kong kadugo Persues?" Nanliliit ang matang tanong ni Gov. Habang ang mata'y pabalik balik ng tingin sa amin.

"Shut up Dad!" Sigaw ni Persues. Bumaling siya sa akin upang muling lapitan. Kahit pag nanlalabo ang mata ko ay pinilit ko siyang titigan.

Kumikirot ang puso ko sa mga oras na ito. Hindi ko masikmura ang mga nangyayari. Unti-unti ako napahikbi hanggang sa humagulgol. Hindi ko alam. Kung ano ang gagawin ko. Nanlalamig ako kasabay ng nag hahalong puot at pait sa aking sistema.

"B-bakit?" Nanginginig ang boses na tanong ko kay Persues. Kita ko ang pamumula ng mata niya ng nahanap niya ang paningin ko.

"Mahal kita Andra. I will still always love you. Whether I'm a part of your life or not... please let me explain.." nanghihinang sabi niya.

Napapikit ako sa aking narinig. Hindi iyon ang gusto kong marinig sa kanya. Hindi ang pag mamahal niya. Bakit? Bakit ako? Anong kasalanan ko sa kanya?

Umiling ako. Kasabay ng pag pikit niya ng mariin. Tumalikod ako sa kanya dala ang bagsak na balikat. pinilit ko ihakbang ang mga paa ko. Kahit pa nanghihina ito.

Nag simula kami sa mali at matatapos kami sa mali. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas para makabangon. Paghihiganti lang ang lahat ng ipinakita niya sa akin. Walan puwang ang katulad ko sa kanya.

Maling inibig ko ang sarili kong kapatid. Maling ibibigay ko sa kanya ang lahat. Paano ko iyon malilimutan? Paano?

Na abot niya ang pulso ko. Hindi niya akong pinilit paharapin sa kanya. Ngunit napatigil ako sa ginawa niya. Bumuhos ang luha ko. Pakiramdam ko ay napapaso ako sa hawak niyang iyon.

"Do not leave me, please... Hindi ko kaya Andra... Hindi ko kaya..." Pag mamakaawa niya. Pinahiran ko ang luha ko gamit ang isang kamay ko. Alam kong kaya niya. Kaya niyang mag patuloy pag katapos ng lahat ng ito.

"M-mag kapatid tayo Persues!" Halos pumiyok ako ng sabihin ko iyon. Sobrang sakit. Napakasakit. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko.

Kita ko ang panggigilid ng luha niya. Na hindi ko alam kung totoo pa iyon. Dahil pakiramdam ko bawat lumalabas sa bibig niya ngayon at sa kanyang ama ay purong kasinungalingan lang.

"A-and.. all this is just revenge against me and my mother. Ngayon ay nag tagumpay ka ay panalo kana.. at ang sakit nadinulot mo ay sobra sobra na. Panghabang buhay kong dadalhin ang sakit na idinulot mo saakin." Pilit kong binubuo ang boses na sabi ko.

"I fell into my own trap.. talo ako sa ideyang iyon... Hindi ko alam na mahuhulog ako sayo... Mas malalim pa kaysa sa iniisip ko... Please don't leave me.. I'll be good..." Kasabay ng pag kadurog ng boses niya.

Binawi ko ang kamay kong nadudumiha sa marumi niyang pagkatao. Tulad ng ama niya ay isa rin siyang halimaw. Halimaw na mag dadala sa akin sa kapahamakan.

Kita ko ang masamang titig sa akin ni Gov. Gusto kong sampalin ang mukha niya. Siya ang tao sumira sa buhay namin ni Mama. Siya ang sumira ng lahat.

"Get in my car. Ihahatid kita pauwi sa inyo." Si Gov.

Napatingin ako sa kanya. Puno ng galit ang ibinigay kong titig sa kanya. Nag iwas ito ng tingin ay binuksan ang kotse upang makapasok ako ruon. Ngunit hindi ko iyon pinansin.

"Pagsisihan mo lahat ng ito. Lahat ng paghihirap ng Mama ko. Bawat oras sigundong na hihirapan siya." Madiin ko sabi.

Tumikhim siya at tumawa ng kaonti. At isinarado ang pinto ng kotse, ang buong pansin ay itinuon sa akin.

"Do you think someone like you can bring me down?" Kastigo nito sa akin.

"Be firm on the rocks you are treading on." Puno ng pag babantang sabi ko.

"Nobody can take me down, lalo ang isang katulad mo lang. You are just a mistake of your mother."

"One mistake would have never been born in this world." Madiin sabi niya.

"Mabubulok ka sa kulungan. Pangako iyan Zeus Calderon." Ako.

Kaagad umangat ang kamay nito. Nakahanda na ako sa pag sampal niya. Ngunit bago pa niya iyon magawa ay umalingawngaw na ang purot ng baril.

"Don't you dare to hurt her!" Si Persues. Kaagad nag kagulo ang mga guard ni Gov. Nang biglang bumagsak ito at may tama sa balikat.

Kagaad ni Persues tinakbo ang distansya naming dalawa. Niyakap niya ako ng mahipit. Umalingawngaw muli ang sunod sunod ng putukan.

"Andra!" Si Persues. Ngunit bago pa niya maitutok ang baril sa mga taong nag puputukan ay kaagad itong bumagsak. Nang tamaan ito ng baril sa tagliran.

"Persues!" Sigaw ko. Ngunit Pinilit nitong icover ako sa gitna ng putukan.

Pero bago ko pa man siya maharap ay mahawan ay kinuha na ako ni Gov. Si Persues naman ay hawak ng mga tauhan ng tatay niya.

Mabilis niya kaming napag layo. Hindi ako pumasag ng hawakan niya ako. Kita ko ang matalim na titig ni Persues. Itinayo siya ng mga tauhan ni Gov. Ngunit si Gov ay patuloy akong hinila patungo sa bingit ng tulay.

"I will kill you for the second time... Siguraduhing kong hinding hindi kana mabubuhay pa." Aniya at mabilis akong itinulak sa mataas na bangin.

Nag katitigan kaming dalawa bago pa man ako bumagsak. Kung mabubuhay man ako ay hinding hindi ako titig. Hanggat hindi siya napapabagsak.

The Governor's SonWhere stories live. Discover now