Kabanata 6

3.1K 50 0
                                    

Itinatago din ng mga mabubuting tao ang kanilang maling gawain, ngunit tapat silang magbubukas kung kinakailangan, sa mga taong may karapatang malaman ang kanilang mga nakaraang pagkakamali.

Everyone holds dark secrets.

Mga sikretong minsan binabaon na lang sa limot. May mga tao rin handang mag hinganti dahil sa pinsalang nagawa. Gamit ang maitim na sikreto.

Maraming tao sa Gym hall ng Dela Rosa. Katulad ko ay nag tungo rin rito para sa kaonting tulong. Inayos ko ang hanggang balikat kong buhok. Dahil talagang daig mo pa ang dinadaing sa dami ng tao sa gym.

"Gusto mo ng palamig?" Si Glenda na nakatingin sa cart na may masasarap ng libreng palamig.

"Tubig na lang saakin kapag nag tungo ka ruon at kumuha." Ako.

"Haysss! Di naman malalaman ni Tita Cass, kukuha kita para katikman mo."

"Saka, ngayon lang naman ito Andra at di na mauulit bukas." Iritable niyang sabi at umalis.

Napanguso lang ako. Gustong gusto niyang lahat ng kinakain niya ay natitikman ko. Wala narin akong masabi sa kabaitan nitong si Glenda, masasabi kong mag kapatid na nga kaming dalawa.

Ilang sandali pa ay nag kagulo na sa labas ng gym hall. Sunod sunod ang mga magagadang kotse na nag datingan.

"Jusmiyo nanjan na!"

"Sawakas naman jusko, mapapatingin ko na ang mata ni Bernard." Ani ng katabi kong matanda. Habang hawak ang Rosario niya.

Katulad ko ay talaga umaasa lang rin sa ganitong mga pagtulong lalo ngayon. Mahirap pera.

Natanaw ko sa malayo ang pag baba ni Mr, Zeus Calderon. Halos masigawan na ang matatanda at mag kagulo ng lumabas ito ng kotse. Suot ang itim na tux niya at halos nag niningning nitong relo.

Kumaway ito sa lahat ng nakangiti. Tulad ng inaasahan ay talaga natural ang kagwapuhan ng matandang Mr, Calderon. Katulad ng anak niyang si Persues. Pero tingin ko ay mag kaiba sila pag dating sa ugali.

Magaspang ang kay Persues. Ang kay Mr. Zues naman ay hindi.

Hinaplos ng babaeng matanda ang mukha nito. Kaagad hinarang iyon ng mga guards na nakapaligid sankanya. Ngunit itinaas lang nito ang kanang kamay niya upang hayaan ang matanda.

"Tulongan niyo po ang asawa ko Mr, Calderon." Nanghihinang sabi ng matanda.

"Lahat po nan narito ay pamilya ko na. Kaya't lahat po rito ay maabot ng tulong medikal." Aniya niya sa lahat.

"Huwag po kayong maalala. Matutulungan namin ang asawa niyo." Aniya na tila siguradong sigurado.

Naupo ang lahat sa mga kinauupuan nila ng mag tungo ito sa podium, kumaway sa lahat at inayos ang necktie nito bago nag salita.

"Magandang umaga po sa inyong lahat. Ako’y natutuwa na makabalik na dito sa dulo ng Dela Rosa."

"Five years ago, we launched a transformation of our century-old behavioral health system. Today, that effort is resulting in dozens of new facilities opening throughout the state that offer more kinds of care in more places for more people. kahit hindi ako nakaluklok sa pwesto ay ginawa ko ang lahat at ng Calderon Corporation ang lahat upang matugunan ang libreng medical para sa kahat ng na ngangailangan."

Masibagabong nag palakpakan ang laha sa sinabing iyon. Kaya't ako rin at napapalakpak dahil sa pag hangan sa kanya.

Ang iba ay nagigilid pa ang luha.

"Ngayon bayan ng Dela Rosa. Kinakailangan ko ang tulong niyo sa pag papalago ng mga libreng itstratura para sa mga taong may mental health issues. Sana'y katulad ko ay matulungan niyo rin ako ipanalo ang tagumpay upang ang maiahon ang dulo ng ating bayan at kamasabay sa modernong mundo!"

Sigaw nito. At malingawngaw ang hiyawan ng mga tao.

Matapos ang speech niya ay naging abala ito sa mga taong nais lumapit sa kanya.

Kaagad akong tumayo upang mag tungo sa direksyon ni dating Gov. Calderon. Gusto kong personal na manghingi ng tulong sa kanya para kay Mama. Ayaw  ni Mamang lumabas at di ko alam kung paano ko siya madadala sa mataong lugar na ito ng hindi nag ta-tantrums.

Siguro'y personal ko siya papakiusapan na ang doctor ang mag tungo sa bahay namin. Oo alam kong sobra na iyon. Pero wala akong pag pipilian. Gusto ko lang rin mag baksakali.

Hinabay ko ang pagitan namin dalawa kahit pa maraming taong gustong makuha atensyon niya. Kagaad ko siyang nilapitan kahit ang iba guards ay todo ulak sa akin.

"Gov. Gusto ko rin pong manghingi ng tulong para sa Mama ko!" Malakas na sabi ko. Ngunit hindi niya iyon napansin.

Kaya't kahit siksikan ay nag sumiksik ako hanggang sa makarating ako sa harap niya.

Nahanap ko ang mga mata niya. Nag tama ang tingin namin. At nag paunlak ako ng ngiti.

Pero ang kay tamis na ngiti nito sa labi ay nawala ng pinag masdan niya ako. Kasabay ng pag ngiti ko ang pag kabura rin ng akin.

Nang lumakas muli ang tili ng nasa loob. Tingin ko ay di na iyon mga matatandang babae. Kundi mga dalagang tila binudburan ng asin.

Nanatiling nakatitig sa akin si dating Gov. Calderon. Habang ang tingin ko naman ay napunta sa kanyang likuran.

Perseus Riley Calderon remained standing behind his father, Zeus Calderon.

"A-anong.. pangalan mo Hija?" Tanong saakin ng Ama niya ng tinuon kong muli ang tingin sa kanya Ama.

"Andra Mira Alvarez po, my mother's name is Cassiopin Alvarez. Ang nanay ko po ang may kailangan ng tulong." Puno ng pag mamakaawang sabi ko.

"What is your mother's illness?" Tanong muli nito.

"She needs mental therapy... Gov. Pakiusap kaylangan ko po ang tulong niyo.." nag mamakaawa sabi ko. Kahit pa ang malalamig nantingin sakin ng anak nito ang nakakapag hina lalo saakin.

The Governor's SonWhere stories live. Discover now