Kabanata 42

1.9K 38 0
                                    

Inilabas si Primsose ng walang malay sa emergency room. Ang sabi ng doctor ay ayos na ito. Ang kinakaylangan na lang ay observation para sa pagbaba ng platelets niya.

Wala kaming naging imik dalawa ni Persues nang makapasok kami sa room kung saan. Ipinasok si Prim. Mahimbing ang tulog nito. Kaya't ni wala saming nag salitang dalawa upang hindi magising ang natutulog naming anak.

Nakaupo si Persues sa tabi ni Primsose. Pakiramdam ko ay pinipigil lang nito ang sariling hindi haplusin ang pinsgi ng anak namin.

Kita ko ang pag angat ng kamay niya at mabilis na pag bawi ruon at madiing pag pikit niya. Lalong kumikirot ang puso ko kapag nakikita ko siyang ganun. He is a very brave man. Hindi ko alam kung ano ang pinag daanan niya ngunit nasisiguro kong masalimuot at puno rin iyon ng lungkot.

"Baby..." Malamyos na tawag ni Persues kay Primsose ng ibukas nito ng kaonti ang mata nito.

Hinaplos ni Persues ang pinsgi nito. Kita ko ang pag ngiti ni Primsose sa ginawang iyon ni Persues.

Kaagad akong napatayo sa hindi kalayuan. Upang malapitan si Prim. Ngunit natigalan ako nang tawagin niya si Persues.

"Daddy... I-i thought you would never come.." nanginginig ang boses na sabi nito kay Persues.

"I was so scared... Natakot po ako.." si Primsose.

Halos nanikip ang dibdib ko sa aking nakikita. Napuno ng luha ang mga mata ko. Halos di ko sila maaninag dalawa.

"I will always come back to you... Hinding hindi ako mawawala. I'm really sorry, Your Dad has been busy the past few days.. I'm really sorry.." paulit ulit na pag hingi ng tawad ni Persues. Habang hawak ito ang walang lakas na palad ni Prim.

"D-don't go anymore! Please Daddy.. don't leave me again!" Nakikiusap ba boses nito.

Parang gripo ang luha ko. Ang marinig  ang pag mamakaawa na huwag siyang iwan. Parang sinaksak akong milyong punyal. Dahil sa sakit na hindi ko maipaliwanag.

Pinunasan ni Persues ang luhang pumapatak kay Primsose. Halos ayaw bumitaw ni Primsose sa kanyang mga kamay.

"I'm sorry." He whispered. Kita ko ang pag lukot ng labi ni Primsose. Habang si Persues ay walang tigil sa pag haplos ng buhok na dumikit sa mapulang pisngi nito.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. I saw Primrose's eyes shift to mine. Hindi ko alam kung paano ginawa ni Persues ang lahat ng ito.   Paanong di sinabi sa akin ni Primsose. Nakilala niya si Persues. Gusto kong itanong ang lahat ng iyon. Ngunit ang titig sa akin ni Primsose ay tila may hinihintay siyang sabihin ko.

"H-how are you? Ayos ka lang ba?" Tanong ko. Pilit kong tinatatagan ang boses ko.

Naawa ako sa mga titig sa akin ni Primsose. Dun lang rin ako sinampal ng katotohanan. Alam ko na ang kakahantungan nito. Bago ko pa ginawa ang kasinungalingan na ito. Galit ako kay Persues. Kaya't hindi ko naisip ang magiging impact nito kay Primsose. 

"A-ayos naman po ako Mam..." Si Primsose. Napatingin sa akin si Persues. He looked me in so much pain.

Kinagat ko ang labi ko upang hindi humikbi. Pero ang balikat ko ay nanginginig dahil sa matinding pag pipigil.

Perseus looked at me very deeply. Lumapit ako kay Primsose. Binigyan kami ng espasyo ni Persues. Upang malapitan ko ang aking anak.

"I'm so sorry. I haven't visited you in a few weeks." Paninimula ko. At inayos ang kaonting buhok nito sa pisngi.

Pero nanatili ang asul na mata nitong nakatitig sa akin. Her innocent eyes were pleading. Nag iwas ako ng tingin. Nahanap naman kaagad yun ni Persues.

"Start packing your clothes now. I'm going to bring Primsose home."

"We live together in the same roof." Aniya.

"Persue—."

"If you want forgiveness. Come with us. Masyado bang mahirap sayo iyon?" Tanong nito.

Umiling kaagad ako. Habang si Primsose ay nakatitig lang saakin. Hindi ko alam ang sasabihin sa sarili kong anak.

"Primrose listen." Ako. Ngunit walang naging imik ang anak namin. Kita ko ang pag balik niya ng titig kay Persues. Si Persues naman ay nabaling ng tingin sa akin.

"I'm listening, Mam." Magalang na sabi nito. Halos madurog ako ng paulit-ulit kapag naririnig ko ang katagang Mam.

"Listen to your mom, baby." Si Persues. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niyang iyon.

"She doesn't want me to call her Mama. Daddy.." mahinag sabi ni Primsose kay Persues.

Para akong sinabuyan ng malamig na tubig sa sinabing iyon ni Primsose. Ang durog na ako ay mas nadurog pa ng matindi.

"No!" Halos manginig sa sabi ko.

"N-no... Gusto ko. Gustong gusto ko." Nanginginig ang boses na sabi ko.

"I-i... thought you didn't like me... I'm not a good girl... Narinig ko po kayo nag uusap ni Teacher.  You said I was your daughter.." aniya. Pilit na nilabanan ang pag hikbi.

"Nag hintay po ako. I waited so hard...."

Iginaya ako ni Persues sa kinauupuan niya. Kinain ko ang distansya namin ni Prim. Kita ko ang pag tulo ng panibagong sariwang luha sa kanya.

"I'm really sorry..." I wishpered.

Wala akong nasabi kundi ang humingi ng tawad. Alam niya na ito pala matagal na. Ngunit katulad ni Persues. Mas pinili niyang iintindihin ang rason ko. Napaka makasarili ko.

The Governor's SonWhere stories live. Discover now