Kabanata 1

5K 59 0
                                    

"Naku Hija, hindi kami hiring ngayon. Sa iba kana lang mag apply." Ani ng may ari ng mini resto na pinapasukan ko.

Napatingin ako sa dingding kung saan nakasabit ang hiring for helper nila. Kaagad nabaling ruon ang lalaki at mabilis itong tinggal sa pag kakasabit.

"Wala na. Nakakuha na kami kanina pa, nalimutan ko lang tanggalin ito." Aniya. Kahit pa ang totoo ay tingin ko ayaw niya talaga akong kunin.

Tumango lang ako at ngumiti. Pero bago ako umalis at dinukot ko ang kapirasong papel at kinuha ko ang aking ballpen upang isulat dun ang numero ko.

"Eto po ang numero ko. Puwede niyo po akong tawagan kapag nangangailangan kayo."

"Kahit pa dishwasher lang or taga tapon ng mga basura." Ani ko at pinunit ang kapiraso ng papel at iniabot sa kanya.

Napangiwi lang siya sa akin. At kinuha iyon, umalis siya saakin harapan. Dahil tingin ko ay nauubos ko na ang oras niya. Nakita ko ang pag tapon niya ng papel sa dustbin.

Kinagat ko lang ang labi ko. At inayos muli ang sarili ko. Hindi ako puwedeng panghinaan ng loob, kung malungkot man ako dahil sa napakadaming rejection na inabot ko sa araw na ito. Malulungkot lang ako ng mga ilang oras at pupulitin ko muli ang sarili ko.

Wala ako karapatang panghinaan. Kung pati ako ay manghihina wala nang pundasyon ang sasandalan ni Mama. Bukod sa lungkot ay magugutom kaming dilat parehas.

Hinabay ko ang buong syudad ng Dela Rosa. Pero katulad kahapon ay wala parin. Pero hindi ako pinanghinaan muli ng loob ng makita ko ang isang food court.

Hinaplos ko pa ang Rosario ko sa loob ng bag bago ako pumasok sa isang kilalang Mall rito sa Dela Rosa bago ako pumasok.

Sakto ang pag pasok ko ang manager na tila may itinuro sa waiter na kausap nito. Kaagad ako lumapit ruon at naagaw ko ang atensyon niya.

"Hello Sir... Hiring pa po kayo?" Tanong.

"Hello Mam, yes hiring kami." Aniya.

Inaya niya ako sa isang maliit na opisina. Nakita kong nakaupo itong sa isang maliit na swivel chair. Kayat naupo naman ako sa upuan sa tapat ng lamesa niya.

"We are hiring mam janitress, anyway Mam, may experience kana ba nuon bilang isang janitress?" Tanong niya na nakangiti sa akin.

"W-wala po Sir. Pero—." Pinutol niya ako.

"But if you really want to work as a janitress but you don’t have experience, there is no need to be discouraged.

"Your lack of experience doesn’t necessarily mean that you won’t be able to get hired as a janitress." Segunda pa niya.

"Talaga po?" Nag liwanag ang ngiti ko na tanong sa kanya. Dahil talagang hindi ako makapaniwala sinabi niya.

"Yes Mam, asan po ang resume niyo?" Tanong niya sa akin.

Inayos ko ang kaonting lukot sa papel na hawak ko bago ko iniabot sa kanya.

"Andra Mira Alvarez.." basa niya.

Pero nawala ang ngiti nito sa labi ng basahin ang pangalan ko sa resume na inabot ko sa kanya. Kaagad itong tumawag sa telepono malapit sa kanyang desk.

"Yes mam, ohh are we not hiring anymore? yes mam." Ani ng manager.

"Mam Alvarez, we are very sorry... Pero hindi na po hiring ngayon." Aniya.

"Po? Bakit po?" Nalilitong tanong ko.

"May nakuha na kami ngayon. Pasensya na Mam.." kita ko ang awa sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Ganun po ba.. pero eto po ang numero kung sakali na nag hahanap po kayo muli ay maari niya akong tawagan." Ako. Napilit binubuo ang boses.

Dahil sa tuwing mag a-apply ako ay sa una. Tila ba makukuha ko ang trabaho pero sa huli ay mauuwi lang iyon sa rason na hindi na sila hiring at manakuha nang iba.

Tumayo ako na bagsak ang balikat. Kinuha kong muli ang resume ko na lukot na halos dahil sa paulit ulit na apply. Pati yata ang resume ko ay pagod na rin sa rejection.

"Salamat po." Ani ko. At yumuko at umalis.

"I have a job that I want to recommend to you." Ang manager. Bago mahawakan ang siliyador ng pinto.

Napahito ako. At kaagad na pumihit ng harap dala ang walang katibagan na ngiti.

"Talaga po?!" Masayang sabi ko. Kita ko ang pag hila niya sa maliit na drawer ng isang flyer.

"Eto Mam." Aniya at siya mismo ang lumapit saakin ay iniaabot ang isang...

"Sa club po?" Ako na di makapaniwala.

"This is not a cheap club. this is one of the famous clubs in Dela Rosa, waitress ang hanap nila at tingin ko ay pasok sa lugar na iyan." Aniya.

Napatingin niya saakin mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam kung iniisulto niya ako. Ngunit di ko na iyon pinansin.

Kinuha ko ang flayers at umalis sa harap niya. Pag labas ko ay pinag masdan kong mabuti ang Flayer. Base sa isura ng club at tingin ko isang high end ito. Nakikita ko kase sa isang commercial ang club na ito. At di ko inaasahan na i rerecomenda ako rito.

Hindi na ako nag sayang ng oras. Sumakay kaagad ako sa tricycle.

Tinungo ko ay ang isang Underground Lounge. Yun ang pangalan ng Club na iyon. Pag pasok ko pa lang ay tumabad sa akin ang isang maganda club. Wala pang tao sa lugar dahil karaniwan sa mga club ay gabi.

"She's here!" Bulong ng isang babaeng nasa wine counter.

Kaagad kumabas ang manager na lalaki sa counter. Alam kong siya ang manager dahil sa nakadikit sa dibdib niya ang pangalan at posisyon niya.

"Andra Mira Alvarez, Right?" Bungad sa akin at nag lahad ng kamay. Napakunot kagaad ang nuo ko.

Bakit kilala niya ako, hindi ko pa naman binibigay ang resume ko.

"Y-yes... Balita ko ay hiring daw po kayo?" Tanong ko.

"Yes. Hiring kami puwede kanang mag simula sa trabaho." Aniya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang iyon.

"Maribel! Kunin mo ang uniform niya para makapag simula siya mamayang gabi." Utos nito sa nasa counter na si Maribel.

"Eto po yung resume ko." Inabot ko iyon. Halos matawa ito ay kinuha iyon.

"Ohh I almost forgot." Bulong niya sa kawalan.

"Andra Mira Alvarez? Daughter of Cassiopin Alvarez right?" Gulat na tanong nito.

"Ohhgosh..." At nanlalaki ang matang napatitig sa akin. At pinagmasdan ako.

The Governor's SonWhere stories live. Discover now