Kabanata 20

2.4K 38 0
                                    

"Stay here, Andra." Si Persues na seryoso ang muka ng lumabas ito kotse.

Nang makalabas siya ay nag labasan rin ang iba pang tingin ko ay mga guards. Hindi ito basta basta mga guards dahil puno ito ng mga baril. Kaagad akong nilukob ng takot. Dahil hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.

Halos mapigil ko ang aking hininga ng ang mga lalaking iyong ay pumalibot kay Persues. Ngunit si Persues ay walang naging reaksyon o takot sa ginawa ng halos sampo na iyon.

Napahawak ako sa pinto ng kotse. Gustong gusto kong buksan iyon. Pero pinanghahawakan ko ang sinabi ni Persues. Na manatili lang ako sa loob.

Sa pinakahuling kotse ay namataan ko ang isang guard na binuksan ang pinaka matandang kotse na katulad ng kay Persues.

Lumabas ruon ang matandang Calderon. Ngunit pag labas nito ay kaagad nitong tinutukan ng baril si Persues. Halos manlaki ang mata ko sa nangyayari.

Galit na galit ang titig ni Zeus Calderon kay Persues. Bawat bukas ng bibig niya ay tingin ko puno iyon ng galit.

Kaagad nitong sinuntok ang anak niya. Natutop ko ang bibig ko sa takot.

Pero bago pa man maisahan muli si Persues ng Ama niya ay kaagad nitong inilabas ang baril na nnaka lagay sa kanyang beywang. Hindi ko man lang napansin iyon kanina.

Nag kagulo ang buong mga kautahan ni Gov. Kagaad nilang itinutok ang rifle na mga yakap nila kay Persues.

Kaagad akong lumabas. Ayaw man ni Persues at wala rin akong magagawa nilabas ko parin siya.

"P-persues!" Natatakot kong sambit. Nang makatakboako sa kanya. Napayakap ako sa kanya. Kaagad niya akong ikinulong sa kanya. Habang ang kaliwang kamay ay nakatutok parin ang baril sa ama.

"You didn't just follow me here for some other reason." Madiing sabi ni Persues. Puno iyon ng galit.

Nanlalaki ang mata ni Gov. Calderon nang makita niya ako. Ngunit nawala rin ang gulat at napalitan iyon ng ibang emosyong.

"Sinundan kita rito para itigil ang kabaliwan mo!" Ang tatay niya na ngayon. Ay ibinaba ang baril na hawak nito.

Nag katinginan kami ni Persues, nang sabihin iyon ng Ama niya. Kita ko ang takot sa kanyang mata ng tumitig ito sa akin.

Mas lalo niya ako idiniin sa dibdib niya at niyakap. Rinig ko ang mag tiim ni Gov. Sa nakita niya.

"Just f*cking leave. I told you stop following me here!" Puno ng babala na sabi ni Persues.

Puno ng disappoint na nag balik ng tingin si Gov. Sa kanyang anak. Pakiramdam ko ay ako ang nasasaktan sa nangyayari ngayon. Hindi ko alam. Wala akong idea sa kung anong pinag tatalunan nila. Pero sa tingin ko ay mukang nalalim iyon. Nagawa pang sundan ni Gov ang kanyang anak kahit pa labas na ito ng bayad. Para lang pigilan ito.

"I told you before, huwag mo nang habapin ang kapatid mo na iyan!" Sigaw ni Gov. Sa aming dalawa.

Nanlamig ang sikmura ko sa narinig ko mula sa bibig ni Gov. Pakiramdam ko ay nanghihina ang tuhod ko dahil sa binitawan niyang salita. Napaatras ako sa mga bisig ni Persues.

"Andra.." puno ng pag iingat niyang sabi. Sinubukan niyang muli hawakan ang braso ko upang ikulong sa kanya.

Ngunit marahas ko iyong tinabig. Lahat ng aalala sa akin ay biglang nag rewind na tila isang palabas. Ang pag hihirap ni Mama. At kung paano siya umiyak ng walang dahilan. Rinig na rinig ko iyon sa akin utak. Ang pag hikbi niya sa gabi. Ang pag tawa niya ang pag wawala niya.

"Andra Mira Alvarez?" Si Gov. Halos kainin ako ng galit at puot ng banggitan niya ang buo kong pangalan.

"Let me explain Andra, please Babe.." si Persues na nilapitan akong muli. Napa atras ako sa ginawa niya. Kita ko ang takot niya ng gawin ko iyon.

"I told you stop this fucking revenge! Kapatid mo ang batang iyan at..." Halos napailing si Gov. Nang tingnan ko siya. Nanginginig ang labi ko. Kahit ako'y di ko iyon maramdaman.

Bumaling ako kay Persues. Ngayon ay unti-unting na mumutla. Ngayon ko lang nakita ang takot niyang iyon. Para saan? Bakit?

"Ipapaliwanag ko sayo lahat Andra... Please..." Halos mag makaawa na ang boses niya.

Tinitigan ko lang siya. Pilit ko ipinapasok sa kokote ko ang lahat ng ito. Ngunit isa lang ang malinaw. Ang lalaking ito. Ang ama niya ang gumahasa kay Mama. Ang lalaking kaharap ko ngayon na minahal ko ay kapatid ko pala.

Hindi ko na kaylan ng paliwanag. Dahil lahat ng iyon ay nasagot na ng di ako nag tatanong. Kaya ba walang tumatanggap na trabaho saakin ay dahil planado ni Persues ang lahat ng ito?

Gusto niyang itapon ako sa Club na iyon? Kaya pala kahit anong gawin kong pag susumikap ay pilit sa aking inilalayo ng tadhana iyon. Siya pala ang dahilan ng lahat.

At bakit siya mag hihiganti sa akin? Bakit niya iyon gagawin? Ang kasalanan namin sa kanila. Kami ang biktima rito. Kung mayroon mang dapat mag higanti ay kami yuon. Pag hihiganti na dapat makulong ang ama niya dahil isa itong rapist.

Napagtanto ko na.... Na kaya pala laging natatakot si Mama sa tuwing nakikita ang Ama. Siya pala ang nakaraan ni Mama. Siya pala ang lalaking halimaw na sinasabi ni Mama.

The Governor's SonWhere stories live. Discover now