Kabanata 40

1.9K 35 0
                                    

"Andra, what's wrong?" Tanong niya. Nag bago ang kaninang tono niya. Nang makita ang luha kong patuloy sa pag patak.

Nanginginig ang labi ko. Hindi ko siya matingnan. Pakiramdam ko maluluhod ako sa harap niya upang mag makaawa. Hindi ko alam kung dapat ko bang aminin sa kanya ang lahat ng ito.

Lalo't sobrang komplikado na nang lahat.

Bahagya akong umatras nang makita kong papalapit siya sa akin. I feel like I can't handle it if he gets closer to me. Unti-unting nadudurog ang puso.

"W-wala.. aalis na ako. Kaylangan ko nang umalis. I will make a report to you tomorrow. If you want to know everything." Nanginginig ang boses na sabi ko.

Hinahabol ko ang aking pag hinga dahil sa matinding pag hikbi. Ngayon ay mas malapit na siya sa akin. Patuloy ang pag kirot ng puso ko. Hindi niya nakinig at kinain niya ang distansya naming dalawa.

"You're lying," he said patiently.

Umiling ako sa kanya. Patuloy ang pag agos ng sariwang luha ko.

"W-walang problema Persues.." pinunasan ko pa ang luha ko at umiling. Ngunit traydor ang aking sarili. Bawat punas na ginagawa ko ay siya naman pag patak muli ng panibago.

"Do we have a problem?"

"Please, tell me what it is? He said.

Binagsak ko ang mata ko sa lupa. Hindi ko siya matingnan. Hindi makaya ang sarili kong kasinungalingan. Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang problema na ako mismo ang gumawa sa aming dalawa.

Ako ang nag lagay ng malaking pagitan sa amin. Pilit niya iyong sinisira. Naging matigas ang puso ko sa lahat ng nangyari.

Tumunog muli ang phone. At ang number kanina na iyon muli ang tumawag. Umamba akong tatalikod sa kanya. Hindi ko nasagot ang tawag at nawala iyon kaagad.

Ngunit nahawakan niya ang braso ko. Nahanap niya mga mata ko. Ngayon ay salubong na ang dalawang kilay nito. At pilit inuunawa ang pagtanggi ko sa kanya.

"We won't solve the problem if you keep it to yourself. Anong problema Andra!?"

"Andra!?" Madiin niyang tanong. Naramdaman ko an higpit ng hawak niya. At alam kong hindi ako makakawala sa mga kamay niya, kung di ko sasabihin ang problema.

"L-let me go!" Nag mamakaawang sabi ko nang subukan kong kuhanin ang kamay ko sa mahigpit niyang hawak.

"Andra!" He said full of authority.

Humawala na ang malakas na hikbi sa aking bibig. Hindi ko na iyon napigil. Umiling ako sa kanya. Ngunit na natiling nakatitig ang asul nitong mga mata sa akin. Unti-unting lumambot ang ekpresyon niya.

"P-please.. tell me, baby do we have a problem?" Malamyos na sabi nito. Sa nag mamakaawang boses.

The second time my cellphone rang it again. Punasan ko ang luha ko. Sabay kaming mapatingin ni Persues ruon.

Kaagad ko iyong sinagot. Habang si Persues at hindi inaalis ang kamay at titig sa akin.

"H-hello.. I am Primrose's Mom. How is she now?" Nanginginig na tanong ko.

"We need to get Primrose blood transfusion. as soon as possible Mam, kaylangan ka narin po ng Anak niyo." Aniya.

Binaba ko ang cellphone, alam kong narinig niya ang lahat ng iyon. Pinunasan ko ang luha ko.

"What happened to Primrose?" Tanong niya sa akin. Kita ko ang takot sa mga mata niya.

"Andra what happened!?" Halos simigaw ito ng di ko makapag salita. Nanigas ang labi ko at di ko alam kung saan pupulot ng idadahilan.

"S-si Primsose.." hindi ko mabigkas ang sasabihin ko dahil pinangunahan na ako nang pag-iyak.

"Answer me properly. Asan si Primsose, Andra!"" Taas baba ng dibdib nito.

"Primsose is.... our—"

"Our Daughter! I've known that for ten years! Sampung taon akong nag tiis na hindi pakealam ang lahat ng sayo. Please tell me anong nangyari sa anak natin?" His voice cracked.

Pakiramdam ko ay ako ang nagulat sa lahat. Hindi ko alam na sa pag kain ng pag hihiganti ko sa akin. Dalawa pala ang taong nag dudusa sa ginagawa ko.

"Our daughter needs a blood transfusion. N-ngayon ko lang nalaman na may sakit siya." Naiiyak na sabi ko.

Napapikit siya at sinapo ng dalawang palad ang nuo. Segundo siya nanatiling ganun. Tila nanghihina ito. Ngunit kaagad rin pinulot ang sarili upang makabawing muli.

Nang mahanap ko mga mata niya. His eyes were red and wet with tears. Ngayon ko lang siya nakitang umiiyak. Ngayon ko lang siya nakita ganito. Ngunit nanatiling matigas ang ekpresyon niya.

"I'm sorry..." Ako.

"Sorry is not enough, Andra."

Kinuha niya ang pulso ko at kaagad niya akong isinakay sa kotse. Suminghap ako ay pinaalis ang luha ko.

"Which hospital was she admitted to?" Pilit na ikinakalma ang boses na tanong nito.

"G-general Hospital." Sagot ko.

Mabilis niyang minaniobra ang sasakyan. Ilang minuto ay nakarating kami sa Hospital. Kaagad siyang bumaba ruon. At mabilis akong sinalubong sa shotgun seat. Siya mismo ang nag tanggal ng seatbelt ko. Ramdam ko ang galit niya sa akin ng kalagin niya iyon. Wala siyang binato na kahit anong emosyon sa aking ng pumasok kami sa loob.

Nang makarating kami sa emergency room. Kaagad kaming sinalubong ng doctor ruon.

Nag balik balik ang mata ng doctor sa aming dalawa. Dahil hindi nito malaman kung sino sa aming ang kakausapin.

"Did she need a blood transfusion?" Tanong ni Persues sa Doctor.

"Yes, Sir Calderon. Primsose needs to be transfused with type AB blood."

"My blood is type AB. ako ang magiging donor ng anak ko." Si Persues. At mabilis iginaya ng babaeng nurse ito sa loob.

The Governor's SonWhere stories live. Discover now